EJI's POV
ANG lahat ay nagbago na I'm still can't believe that I am a son of a billionaire businessman. At hindi padin ako makapaniwalang kapatid ko si Adhie.
Kaya pala we have some similarities katulad narin ng parehas naming mata at labi pero hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin. Kasi sino ba namang mag-aakalang kapatid ko pala siya.
Ilang araw narin ang lumipas simula ng lumipat kami ni Jang sa bahay ni Mommy at Daddy. Hindi padin ako sanay na tawagin sila ng ganong bagay. But they understand naman daw kasi alam nilang hindi madali para saakin ang lahat.
Napakabuti ng mga totoo kong magulang ganon din ang kinikilala kong magulang. Hindi madali para saakin ang lahat pero kinakaya ko para sakanila.
Wala pang ibang nakakaalam sa totoo kong pagkatao maliban kay Jang at Adhie syempre. Hindi ko pa nasabi kay Pitchy kasi hindi pa kami nagkikita nitong nakaraang araw. At hanggang ngayon hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Adhie.
"Are you ready son?" Si Daddy XF ang cute lang ng palayaw ni dad HAHAHA!! Pogi at maganda ang katawan ng tatay ko kaya hindi mo mapagkakamalan na nasa 40+ years old na siya ganon din si Mommy para lang silang bagets.
"Medyo kinakabahan lang po S-sir este Dad pala. Sinabi ko na po kasi sainyong hindi na kaylangan ang ganitong bagay eh." Reklamo ko sakanila dahil gusto nilang mag pa party dahil masaya silang nahanap ang inakala nilang patay ng anak nila. Kakasabi lang nila kaninang umaga ang balak nila ang akala ko matagal pa bago ganapin pero agad nilang pinaayos ang party at mamaya na nga gaganapin.
"You don't blame me anak! Nawala ka ng halos 16 years saamin. Ni hindi ka man lang namin nakasama sa paglaki mo kaya gusto lang namin bumawi sayo anak." Si Mom.
"Nako! Sinabi ko na nga pong ayos lang iyon saakin dahil wala po kayong kasalanan sa nangyari. Ayoko rin naman pong sisihin ang mga kinilala kong magulang dahil kung hindi dahil sakanila wala na ako ngayon. Mabuti ang kalooban ni Inay Hanna at Itay kaya nagpapasalamat pa po ako sakanila." Mahaba kong saad sakanila.
"Pero kung hindi dahil sakanila hindi ka nawala. Bago ka nawala nakatanggap pa kami ng mensahe kay Hanna na humingi ng tawad sa ginawa niyang pang kidnap sayo dahil tinakot daw sila ng isang tao kaya niya nagawa ang bagay na iyon." Si Mom parin.
So ibig sabihin wala talagang kasalanan sina Inay dahil tinakot lang sila. Kaya ang may kasalanan ay ang nasa likod ng nangyari saakin.
"Nalaman niyo po ba kung sino ang nanakot kina Inay at Itay?" Tanong ko.
"Wala kaming nahanap na ebidensiya kung sino ang nagutos sakanila." Si Dad.
"Edi ang ibig sabihin po niyan hindi parin tayo safe?" Tanong ko dahil hanggang ngayon pala ay wala pang suspect at ebidensiya kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Don't worry son! Hinigpitan ko ang seguridad ninyo lalo na't nahanap ka na namin ayoko ng mawalay kapa saamin anak."
"Stop the drama everyone. Dapat masaya lang tayo dahil nahanap na natin ang nawawala kong kapatid! Diba baby brother?" Si Adhie na mas lalong naging makulit ng malaman niyang magkapatid kami.
"Nag-iba ka naman saakin ng tawag big brother kaylan lang little brother ngayon naman baby brother." Pagtawag ko din sakaniya ng big brother HAHAHA!!
"Kagaya ng sinabi ko hayaan mo lang ako. Tagal mo kayang nawala saamin." Tsaka pisil sa pisngi ko. Kaya rin pala naging classmate ko si Kuya Adhie kasi huminto siya sa pag-aaral dahil hindi rin siya makapag focus dahil sa pagkakawala ko.
Nasa isang black limousine kami ngayon kasama si Jang na nakikipag-asaran na naman kay Adhie. Hindi ko inaasahan na makakasakay ako ng ganitong klaseng sasakiyan.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
Teen Fiction[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...