SOMEONE POV
I'M currently standing in the veranda of my house. I'm all alone now wala ng asawa't anak dahil ipinapatay sila ng taong hindi ko inaakalang gagawa noon sa pamilya ko pati ang anak kong walang kamuwang muwang idinamay nila. Sisiguraduhin kong mag dudusa sila sa ginawa nila sa asawa't anak ko.
Hindi ako makakapayag na maging masaya sila samantalang ako namumuhay ng misirable dahil sa pagkawala ng asawa't anak ko. Isasakatuparan ko din ang gusto ng asawa ko na kunin ang lahat ng yaman ng taong gumawa nito sa asawa't anak ko.
Ng sa ganon ay maisakatuparan ko ang gusto ng asawa ko kung nasan man siya ngayon. Naghintay ako ng mahabang panahon para pabagsakin ang pamilya nila pero sadyang matibay at makapangyarihan sila.
Kaya naman ng may malaman akong impormasyon na nahanap na daw nila ang inaakalang patay na nilang anak ay nagulat at nagalit ako dahil ang akala ko ay magiging misirable nalang sila habangbuhay pero magiging masaya na naman pala sila.
Hindi ko pa nga natatapos na patayin ang anak nilang isa may dadagdag na naman. Kaya habang maaga palang ay sisiguraduhin ko ng hindi na sila magkakasama ng anak niyang inakala naming patay na pero buhay pa pala.
Na ako din ang may dahilan sa pagmamatay niya pero hindi pala siya pinatay ng tauhang kinuha ko at kinupkop pa nila ang bata at itinuring na anak.
Ng malaman ko na buhay pa pala ang bata at nakatira ito sa kinuha kong tauhan na papatay dapat sa bata dati ay agad kong ipinapatay ang tauhan kong iyon. Mga traydor sila. Buong akala ko ay pinatay na nila ang bata at nagpakalayo-layo pero hindi pala.
Dapat sabay na mamatay ang tauhan ko at ang kinupkup niyang bata pero wala daw ang bata nung mga oras na iyon kaya ang tauhan kong traydor lang ang napatay.
Hindi ako makakapayag na masabi ng babaeng iyon kung nasaan ang bata. Kaya naman agad ko na siyang pinapatay.
Mabuti na nga lang at napatay ng tauhan ko agad ang babaeng iyon dahil ng pumasok daw siya sa bahay nila ay nakita niyang may katawag ito sa telepono at ng sinend saakin ang number ay labis ang pagpupuyos ko dahil numero ito ng pamilya ng taong pumatay sa asawa't anak ko.
Mabuti na nga lang at hindi nasabi ng babaeng iyon ang totoo kung hindi malaking problema para saakin ang kakaharapin ko. Hindi ako makakapayag na hindi man lang ako makapaghiganti sa pamilya nila.
Hanggat nabubuhay ako ay sisiguraduhin kong babagsak at babasagsak kayo. Humanda kayo dahil hindi ko kayo titigigilan kahit ikasawi pa ng buhay ko ang gagawin ko.
"Do the next plan!" Text ko sa tauhan kong matagal ng naglilingkod saakin.
EJI POV's
NAPAMULAT ako ng mata ng maramdaman ko ang mga taong nasa harapan ko. Ng biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari saakin. Mangiyak ngiyak nalang ako habang inaaalala kung bakit ako nasa ganitong sitwasiyon ngayon.
Flashback
Pauwi na kami ngayon ni Jang hindi pa naman kami malayo sa university pero wala nang masyadong mga tao ngayon dahil
Kanina pa ang uwian. Hinintay ko pa kasi si Jang dahil marami parin kasi silang project. Ayoko namang umuwi siya ng mag-isa at baka mapano pa siya. Marami pa namang manyak dito. At baka matulad siya kay Pitchy hindi pa naman marunong si Jang mag self defense."Kuya bakit hindi ko na masyadong nakikita s-si A-adhie." Nahihiyang tanong saakin ni Jang.
"Uy na mimiss niya." Pang-aasar ko habang sinusundot siya sa tagiliran. Kaya naman napaigtad ito at agad na lumayo saakin.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
Jugendliteratur[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...