KABANATA 48

3.1K 163 19
                                    

EJI's POV

NANG maimulat ko ang mga mata ko ay agad akong binalot ng kaba ng maalala ang nangyari. Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid at nakitang maayos lang naman ito at normal lang. Hindi rin ako nakatali kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na ako palabas pero laking dismaya ko ng makitang nasa gitna kami ng dagat at wala man lang akong makitang mga bangka na pwedeng pagsakiyan.

Kaya agad na nangiligid ang luha sa mga mata ko labis nadin ang pag-aalalang nararamdaman ko ngayon dahil baka hinahanap na ako ng mga anak at pamilya ko sa mga oras na ito. "TULONG!!!" Sigaw ko kahit alam kong wala namang makakarinig saakin.

Napaupo nalang ako sa buhangin dahil sa nangyayari saakin ngayon. Anong balak ng taong nanguha saakin dito ang kidnapin ako at iwan mag-isa sa isla hanggang mamatay. At sino na naman kayang tao ang may balak na gawin ito. Iisa lang naman ang taong alam kong makakagawa nito saakin pero nasa kulungan na siya ngayon.

"Tulong!" Pagsigaw ko ulit.

"Tsk! Pinangalala mo ako nandito ka lang naman pala." Narinig kong saad sa likod na nagpakaba saakin. Dahan dahan akong humarap at hindi ko inaasahan ang taong nasa harapan ko ngayon.

"PHILIPHE?!! Anong ginagawa mo dito? Kinidnap kadin ba?" Gulat kong tanong sakaniya. Pero tanging iling lang ang isinagot niya saakin na nagpakunot ng noo ko. "Edi anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sakaniya pero ng may pumasok na idea sa isipan ko ay agad din akong napahinto.

"I'm sorry." Yoon na agad ang sinabi niya saakin ng makita ang naging reaksiyon ko kahit na wala pa naman akong sinasabi. "Wala na akong maisip na idea para kausapin mo at makapagpaliwanag ako sayo. Patuloy mo akong tinataboy kaya naman kinidnap nalang kita." Pag-amin niya saakin.

Agad akong tumayo at tumingin ng seryoso sakaniya. "Iuwi mo na ako dahil baka nag-aalala na ang mga anak at pamilya ko."

"Hindi ka aalis dito hanggat hindi mo ako pinapatawad at hinahayaang makapagpaliwanag sayo." Sagot niya saakin hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na sampal ko na siya ngayon.

"Ano sa tingin mo itong ginagawa mo HUH?! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala na akong pakeelam sa paliwanag mo." Naiiyak kong saad sakaniya. "ILANG BESES KO BANG DAPAT NA SABIHIN HUH!?" Pag-uulit ko habang sumisigaw. "Ilang beses mo ba akong dapat na saktan. Wala ka man lang bang natitirang kahit na katiting na awa para saakin. Sana inisip mo muna kung anong mararamdaman ko bago mo sabihin saakin na gusto mong magpaliwanag at bago mo ako dukutin. Hindi mo alam kung gaano ako natakot sa maaring mangyari ulit saakin." Lumuluha kong saad habang hinahampas siya sa dibdib. "Napakasama mo bakit mo ito ginagawa saakin?" Nasasaktan kong tanong sakaniya.

Kaya naman agad niya akong niyakap. Kumakalas ako pero hindi magawa dahil sa lakas niya at ramdam ko din kasing nanghihina ang katawan ko. "Shh! I am really sorry kung hindi ko muna inisip ang mararamdaman mo sa ginawa ko sayo pero sana hayaan mo lang akong makapagpaliwanag sayo."

"Ayoko ng malaman pa kung anong sasabihin mo saakin kaya naman kung may natitira ka pang malasakit saakin ibalik mo na ako sa bahay." Paikusap ko.

"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo ako pinapatawad." Pinal na desisyon niya saakin tsaka ako pinakawalan kaya muling dumapo ulit sa muka niya ang mga palad ko. "Sige saktan mo ako kung yan ang gusto mo para kahit papaano namna ay mabawasan ang galit mo saakin. Sige saktan mo ako." Saad niya saakin kaya naman muli ko siyang sinampal ng mas malakas ngayon.

"Kulang pa ang sampal sa mga ginawa mo saakin kaya wag ka ng mag expect na mapapatawad kita. Uulitin ko pauwin mona ako baka nag-aalala na saakin ang pamilya ko."

"Hindi sila mag-aalala sayo." Kampanteng saad niya saakin. "Dahil alam nila ang plano kong ito at ang mga kambal pa nga ang nakaisip na gawin ito para daw mapatawad at makapagpaliwanag na ako sa iyo." Dagdag niya pa. Hindi ako makapaniwala na alam ng nga magulang ko at ang anak ko ang plano niyang ito ano na naman bang pakulo nila. At hindi ko ineexpect na ang kambal pa ang makakaisip ng planong ito. Pero agad din akong natigilan ng sinabi niyang ang mga bata ang may plano nito.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon