EJI's POV
EVERYTHING is now okay. Naparusahan na ang mga taong gumawa nito saakin dahil narin sa tulong ni Adhie. I'm super blessed because I have him.
But I found him weird nitong nagdaan
dahil halos tumira na siya sa bahay namin ni Jang. One week na ang lumipas ng mangyari saakin ang insedenteng iyon. Nakita ko pa sa kulungan ang limang lalakeng iyon at hindi ko napigilan ang sarili kong bigyan sila ng sapak sa muka.Ayoko ng sampal masyadong mahina iyon. Tsaka kulang pa iyon kumpara sa ginawa nila saakin. Adhie is very angry that time na halos mapatay na niya ang mga taong gumawa saakin ng katarantaduhan.
At ang ipinagtataka ko ay ang labis din na galit ng magulang ni Adhie. I didn't even know them pero ganon sila umasta kahit na nagtataka ay hinayaan ko nalang.
Ng tinanong ko ang mga taong gumawa nito saakin kung sino ang nag-utos sakanila ay wala silang sinabi, nagmaang maangan pa saakin at sinabing wala daw nag-utos sakanila gusto lang daw nila maghiganti sa ginawa ko sakanila.
Pero malinaw sa akin na may nag-utos sakanila kagaya narin ng narinig kong sinabi ng isa sakanila. Hindi ko na ito sinabi kay Adhie dahil alam kong nakaka-abala na ako sakaniya. Posible namang imahinasyon ko lang ang narinig ko dahil malinaw parin sa isipan ko ang mga katagang narinig ko.
Pinagbantaan din ni Adhie ang mga lalakeng iyon na sisiguraduhin niyang ibabagsak niya ang kompanya nila dahil sa ginawa nila saakin pero parang wala lang sakanila ang sinabi ni Adhie.
Dahil sa nangyari saakin ay naging paranoid ako. Simpleng kaluskus lang sa paligid ng bahay namin ay kinakabahan na ako. Paano kung nakalaya na naman sila at balikan ako? Paano kung mapatay na talaga nila ako? Yaan ang mga katanungang pumapasok sa isipan ko.
"Little brother are you okey? I've been talking you a but you are not listening."
Isa pa sa pinagtataka ko ay ang lagi niyang pagtawag saakin ng little brother. It's kinda cute but weird also.
"You're always calling me little brother. Why? Tsaka anong hindi nakikinig sayo." Pagsisinungaling at tanong ko sakaniya.
"Sige kung nakikinig ka anong sinabi ko sayo? At ilang beses ko bang sasabihin sayo na I just want to call you little brother."
"Ganon ba okey." Sagot ko sakaniya at hindi pinansin ang pagtatanong niya saakin kung ano iyong sinasabi niya kanina. "Mag one week kana dito huh?! Bakit hindi kapa umuuwi sainyo hindi kaba hinahanap ng magulang mo?"
"Nagpaalam naman ako sakanila kaya wag kang mag-alala. Gusto lang kitang bantayan bawal ba?"
"Hindi naman pero buti natitiis mong matulog sa lapag. Hindi kaba nangangalay doon?" Tanong ko sakaniya. Tumingin muna siya sa likod ko kaya napasunod naman ako ng tingin sakaniya.
"Ayos lang basta mabantayan kita ng maayos." Saad niya pero sa likod ko padin nakatingin. Kay Jang to be exact. Pumunta lang ata dito para makipagharutan kay Jang eh!
"Ako ba talaga parang iba naman ata eh!"
"Syempre ikaw hindi naman puwedeng si bubwit."
"Hoy! Kahit wag mo akong bantayan wala akong pake sayo." Si Jang na halatang naiirita kay Adhie. Puro sagutan at asaran lang sila ganito ang namayani sa loob ng isang linggo. Wala pang araw na hindi sila nagkasundo.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang katok ng pintuan sa labas kaya naman agad ako tumayo para tignan kung sino iyon. Pero agad ako pinigilan ni Adhie.
"Ako nalang titingin kung sino baka mabinat pa iyang saksak mo sa tiyan." Saad niya. Nito ring nakaraan ay halos wala na akong magawa sa loob ng bahay dahil pinagbabawalan niya akong gumalaw galaw dahil baka daw magdugo ulit ang sugat ko. Pati narin si Jang ayaw niya rin akong pagtrabahuin sa bahay.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
Jugendliteratur[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...