KABANATA 42

2.6K 176 41
                                    

EJI's POV

"EXCUSE me!" Saad ko kina Pitchy at Andrew at dali daling tumakbo.

"Hoy beshie ang pangit nitong picture muka kang namatayan sa itsura mo." Sigaw pa ni Pitchy pero hindi kona nagawang sumagot pa dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Everyone know that Philip and I are in relation. Kaya masakit para saakin na makitang naghahalikan sila mismo dito kahit na maraming nakakakita. At ipinagdarasal ko na sana hindi ito nakita ng pamilya ko.

Everything was blur kaya hindi ko na napansin ang mga taong nababangga ko. Hindi ko na din magawa pang humingi ng tawad sakanila. Pakiramdam ko nanghihina ako kaya naman napaupo nalang ako sa sahig pero may naramdaman akong yumakap saakin.

Pinunasan ko ang mata ko at hindi ko ineexpect ang taong nakikita ko na siyang nagpaiyak saakin ng lalo. Medyo malayo kami sa event kaya walang masyadong tao dito.

"A-anong ginagawa mo dito?" I try to be casual at pinipigilan ang luha sa mata ko.

"Sinundan kita dahil nakita kitang tumatakbo."

"Ganon ba sige aalis na ako." I was about to walk again when I suddenly felt his hug behind me. Na siyang nagpaiyak saakin.

"Why Philiphe?"

"I-I'm sorry."

"Sorry about what? M-may nagawa kabang mali s-saakin?" I try to be innocent. Aarteng walang nakita.

"I am really sorry."

"You're hurting me so much Philiphe. Why are you doing this to me? Am I deserve this?"

"No hon you deserve more. You deserve to be happy."

"Paano ako magiging masaya kung mismong ikaw ang nanakit saakin." Wala siyang naging tugon sa sagot ko sakaniya. Inipon ko lahat ng lakas at tapang ko bago ako muling nagsalita. "M-mahal mo pa ba a-ako?" Alam kong pumiyok ako habang tinatanong ang katagang iyon.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi padin siya nagsasalita. "Answer me. Be honest p-please to your answer." Pero hindi parin siya nagsalita. "Sabihin mo lang na mahal mo ako at magpapanggap akong walang nakita. Magpapanggap akong ayos lang tayo sabihin mo please."

"We should break." Walang preno at emosyon niyang saad saakin na siyang nagpatigil saakin.

"M-mali lang ako ng narinig diba? Hindi mo yan sasabihin saakin diba? Sabi mo mahal mo ako diba? May sakit kaba kaya kung ano ano ng sinasabi mo saakin." Tsaka ako pekeng tumawa sa huli habang ang luha ay patuloy na umaagos sa mata ko.

"We should break." Pag-uulit niya saakin.

"Philiphe nangako ka saakin na papasayahin mo ako. Nangako ka saakin na mamahalin mo ako habang buhay tuparin mo please."

"Wala akong sinabing ganon." Still no emotion in his word and face. I cried more because of what he said.

"Philiphe naman. Sabihin mong nagbibiro kalang." Ang luha ko ay mas naging doble habang pinalalo siya sa dibdib. "Sige ganito nalang hahayaan kitang makasama si Crystal basta wag ka lang makikipaghiwalay saakin." I am really desperate now. Wala na akong pake kung nagmumuka na akong tanga dito.

"I don't love you. You should forget me now. Pinaglaruan at ginamit lang kita kaya kalimutan mo na ako. Burahin mo na ako sa buhay mo."

"Bakit mo ito sinasabi saakin Philiphe wala ba akong halaga sayo?"

"You're nothing to me. Isa kalang bakla na dapat paglaruan at gamitin diba dapat maging masaya ka panga kasi natikman mo itong katawan ko. Parang quits lang tayo kasi natikman din naman kita." Pagmamalaki niya saakin.

Hindi ko namalayan na nasampal ko na pala siya. Ang sakit sakit na marinig mismo ito sa taong mahal mo. "N-ni hindi pumasok sa isipan ko na g-gagawin at sasabihin mo ito saakin Philiphe."

"Ang sarap mo pa naman. Gusto pa naman sana kitang paglaruan pero bigla akong nag crave ng totoong babae yung alam kong mapapaligaya ako." Pagpapatuloy niya not minding my slap.

"Tumigil ka." Pakiusap ko habang nakaluhod at umiiyak sa mismong harap niya.

"Mahal na mahal ko si Crystal kaya bumalik ako sa kaniya. Kesa naman sayo hindi ka na nga babae bading kapa."

"TUMIGIL KANA!!!" Sigaw ko. Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi niya saakin. I can't believe na kaya niyang sabihin ang mga salitang iyon ng hindi manlang nauutal o nag-aanlinlangan. "Parang awa mo tumigil kana. Ang sakit Philiphe bakit mo ako sinasaktan ng ganito may nagawa ba akong mali sayo?"

"Oo dahil sinaktan mo si Crystal kaya ako gumaganti sayo."

"A-ang kapal ng muka mo. Napaka sama mo. Wala kang kwentang tao at wala kang karapatan para saktan ako ng ganito. Oo alam kong ganito lang ako isang bading hindi totoong babae. Ano nga ba namang panama ko kay Crystal babae siya ako bading. Mahal mo siya ako hindi doon palang talo na ako."

"At lease you know that you're nothing than her." Bawat salitang binibitawan niya ay tumutusok at pumupunit sa puso ko.

"Kung gusto mong makipag break saakin hindi muna kaylangang saktan ang damdamin ko. At sana maging masaya ka sa naging desisyon mo."

He remain silent kaya para saakin sign iyon para magpatuloy sa pagsasalita. "Kapag ba nakipaghiwalay ako sayo magiging masaya kana?" I ask.

"O-oo naman." Sagot niya habang hindi nakatingin saakin.

"Sabihin mo yan habang nakatingin ka ng diretso sa mga mata ko." Saad ko sakaniya sa una ay nag-alinlangan siya pero hindi nagtagal ay tumingin na siya saakin.

"Magiging masaya ako kapag nag break na tayo." Tsaka siya ngumisi saakin.

Hinawakan ko muna ang muka niya bago nagsalita. "Alam mong mahal na mahal kita diba? Kung ang pakikipag break sayo ang magpapasaya sayo sige break na tayo." Ang luha sa mata ko at hindi na matigil. "Basta tatandaan mo na mahal na mahal kita kahit na anong mangyari. Patawarin mo din ako kung hindi man ako naging sapat sayo. Patawarin mo ako kung hindi ako tunay na babae. Patawarin mo ako kung nasaktan ko ang babaeng mahal mo sana maging masaya kayong dalawa. Mahalin mo siya ng tapat wag kang magloloko sakaniya." Masakit para saakin na sabihin ang mga katagang ito. At muka lang akong tanga kasi nagawa ko pang sabihin ang mga salitang ito.

"Ang hiling ko nalang sayo wag mo akong kakalimutan. Kahit bilang kaybigan nalang mahal na mahal kita." Lumuluha kong saad tsaka tumingkayad upang halikan siya sa huling pagkakataon at masaya ako dahil hindi siya tumutol. "Paalam." Huling saad ko tsaka tumalikod.

Nasa pangatlong hakbang palang ako at umaasa na sana pigilan niya ako. Ng tinawag niya ang pangalan ko kaya naman agad na bumulis ang tibok ng puso ko at umaasang pigilan niya ako.

"I'm sorry." Yoon lang ang sinabi niya at nakita ko nalang siyang naglalakad palayo saakin. Umasa akong pipigilan niya ako pero sinong niloko ko.

"Mahal na mahal kita sana maging masaya ka." Saad ko habang nakatingin sa papalayong bulto niya.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon