EJI's POV
"KUYA diba ikaw po iyong guy na nagsundo saamin?" Xeji curiously asked.
"Hmm! So you still remember me?" Tanong naman ni Philip habang nakatitig sa muka ni Xeji tsaka nito hinaplos ang buhok niya. "You really look like your mom." Manghang saad niya.
"Of course naman po she's my mom eh!" Proud na saad niya kay Philiphe. "Kuya what's your name po pala? Kasi you look familiar po?" Tanong ni Xeji.
"I'm Philiphe Carl Gonzales your father." Bulong niya sa dulo pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama. Na sinuklian niya lang ng pagtaas baba ng balikat at pag sabi ng what gamit ang walang boses.
"I'm Xeji naman po and this is my brother Carlo." Pagpapakilala niya sa sarili at sa kambal niya na tahimik lang na nakatingin kay Philip habang nakahawak sa kamay ko. Ayoko ng pahabain pa ang usapan nila ng mga bata kaya naman balak ko na sanang umalis ng magsalita ulit si Xeji.
"Kuya you know our house naman po diba? Our birthday is near so I want you to invite po. Mommy pwede po ba?" Pagbaling niya saakin kaya hindi agad ako nakasagot sakaniya.
"Please mom." Dagdag naman ni Carlo na ikinagulat ko dahil hindi ko ineexpect na gusto niya din iyong naisip ng kapatid niya kasi wala namang pake si Carlo sa mga taong hindi mahalaga sakaniya. Minsan lang din siyang humingi ng hiling saakin kaya mahirap na tumanggi sakaniya.
"Wag na mga baby mukang ayaw ng mommy niyo eh!" Paguudyok niya kaya naman muli ko siyang tinignan ng masama ulit kasi ang laki na naman ng nakapaskil na ngiti sa labi niya.
"Sige na mommy please parang awa niyo na po." Pakiusap nilang dalawa kaya napabuntong hininga nalang ako dahil kahit na ayoko ay wala naman akong magagawa kung iyon na ang gusto ng mga bata.
Bumuntong hininga muna ako tsaka mas matalim siyang tinignan pero ng makita ko ang mga batang nakatingin saakin ay agad akong ngumiti ng peke. Masama man sa loob ko ay pumayag narin ako. "Sige kung yan ang gusto niyo mga anak." Narinig ko pa nga ang pagtunog ng ngisi niya ng marinig ang pagpayag ko na ikinainis ko lalo.
"Yehey thank you po mommy I love you."
"I love you too mga anak. Magpaalam nadin kayo sakaniya para makauwi nadin tayo maggagabi na kasi eh!" Saad ko sakanila kaya naman agad na silang nagpaalam sakaniya at ganon din siya sa mga bata.
"Bye! take care babies wag na kayong lalayo sa mommy niyo para hindi na siya nag woworry sainyo at wag din kayong maging makulit."
"Sige po." Magalang nilang sagot.
Nakasakay na kami ngayon sa kotseng dala ko. Ako narin mismo kasi ang nag da-drive dahil sa lumipas na taon ay nag-aral akong magmaneho kasi sayang naman yung mga kotse sa bahay kung masisira lang ng hindi man lang nagagamit ang mamahal pa naman ng presyo.
Lutang ang isipan ko habang nagmamaneho ako mabuti na nga lang at walang nangyaring masama saamin. Masyadong na o-occupy ng isipan ang pangyayari kanina grabe ang takot naramdaman ko kanina ng mawala ang mga bata sa tabi ko. Kaya labis ang pagpapasalamat ko sa Diyos na walang nangyaring masama sakanila isa pa sa ipinagpapasalamat ko ay hindi niya pagsabi sa mga bata na siya ang totoong ama nila dahil kung nagkataon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nakakasama lang ng loob dahil kung kaylan ko siya iniiwasan tsaka naman nag ko-krus ang landas naming dalawa at kasama pa talaga ang mga bata. Ang ipinagdarasal ko nalang sa ngayon ay sana hindi sabihin ng taong iyon sa mga bata na siya ang totoong ama nila. Ayokong sumama ang loob saakin ng kambal.
Ng makauwi kami ay agad na tumakbo ang mga bata papunta sa loob ng bahay. Ng makapasok sa bahay ay naabutan ko doon sila Kuya at ang mga magulang ko. Paakyat palang sana ako sa kuwarto ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Mom.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
Jugendliteratur[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...