EJI's POV
"EJI please let me explain." Yaan agad ang bungad saakin ni Gonzales ng makapasok ako sa room namin.
"You don't need to explain." Simpleng saad ko.
"But please let me explain. Nagsisi ako sa ginawa ko pero totoong mahal kita maniwala ka saakin." He's about to kneel in front of me kaya naman nataranta ako.
"Ano bang ginagawa mo. Sinabi ko diba wag ka ng magpaliwanag dahil ayos na. Hindi na ako galit sayo pero wag mo ng uulitin ang ginawa mo." Saad ko sakaniya. Ang iba sa nga classmates namin ay napapatingin na saamin kaya nakaramdam ako ng hiya.
"Talaga!?" Tumango lang ako sakaniya habang nakangiti. "Hinding hindi ka magsisi honey. I love you." Saad niya tsaka ako hinalikan sa labi kaya naman nanglalaki ang mata ko habang kahalik parin siya.
Agad din siyang kumalas sa halik ng itinulak ko siya. "Ano kaba bakit ka nalang nanghahalik ng walang paalam. Nakakahiya ang daming nakakita." Saad ko habang nakalagay ang kamay sa pisngi ko.
"So papayag kang halikan kita kapag nagpaalam ako?" Nakangisi niyang saad.
"A-ano syempre h-hindi no!!" Pagtanggi ko. "Nangiinis ka pa diyan ah! Kakabati palang natin."
"Hahaha! Sorry na pero thank you talaga kasi napatawad mo ako sa nagawa ko sayo."
"Basta wag ka ng uulit! Dahil talagang magagalit na ako sayo." Pagbabanta ko sakaniya.
"Yes honey! by the way pagkatapos ng klase mag date naman tayo." Yaya niya saakin.
"Ikaw ang bahala." Saad ko tsaka hinaplos ang muka niya. Tumutubo na ang balbas sa baba niya at halata din ang pagkapuyat niya dahil sa eye bags niya. Pero hindi naman nabawasan noon ang kapogihan niya.
"Tumutubo na itong mga balbas mo." Saad ko sakaniya.
"Ganon ba? Hindi na kasi ako nakapagayos. Don't worry tatanggalin ko ito mamaya para pogi padin ako."
"Kahit hindi mo naman tanggalin pogi ka padin." Nakangiti kong saad habang ang kamay ay nasa muka niya padin. Parang balewala nalang saakin ang mga tingin ng classmate ko kahit nakakaramdam ako ng hiya. "Pero ayoko sa lalakeng mabalbas HAHAHA! pero syempre exemption ka doon." Nag cricringe kasi ako kapag nakakahawak ako ng balbas.
"Ops! Tama na ang harutan lovebirds dahil magsisimula na ang klase." Si Kuya na kakarating lang din. Hindi kami sabay na pumasok ni Kuya.
"Hindi naman kami nag haharutan Kuya naglalambingan lang HAHAHA!"
"Tsk! Ikaw talaga." Si Kuya tsaka gulo sa buhok ko. Pansin ko lang parang ang happy ng vibes ni Kuya ngayon ano kayang nangyari dito.
"Ginulo na naman eh!"
This past few weeks marami na kaming ginagawa dahil malapit na ang graduation namin. At malaki ang chance na ako ang mag valedictorian at si Kuya naman ang salutatorian kaya nga proud na proud si Mommy at Daddy. Mabuti naman at walang nagaganap na kompetisyon sa pagitan namin ni Kuya.
Tungkol naman sa ginawa kong pagpapatawad kay Philip. Dahil sa mga sinabi ng mommy niya ay nalinawan ako. Siguro nga ginamit niya ako noong una pero ngayon ay mahal na niya talaga ako sana lang.
Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya saakin para mapatunayan ko kung talagang mahal niya nga ako. Kahit naman bading ako totoong pagmamahal parin ang hangad ko.
Maswerte pa nga ako kasi may taong handa akong mahalin kahit na ganito ang kasarian ko dahil sa panahon ngayon mahirap maghanap ng taong tapat ang pagmamahal sayo.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
Teen Fiction[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...