EJI 's POV
MATAPOS nga ang klase ay agad akong nagtungo sa library doon ko na lamang gugugulin ang natitirang oras ko para sa recess time wala din naman akong mabibili doon kasi ang mahal ng mga paninda nila kung hindi nga lang ako inililibre ni Adhie baka hindi ko pa maranasang matikaman iyong paninda doon.
Normal lang naman ang lasa neto walang pinagbago sa paninda sa mga public school, pero kung makapagbigay ng presiyo sa mga paninda nila akala mo hinaluan ng ginto.
Pagkarating ko nga sa library ay agad akong naghanap ng libro na may kunektado sa pinag-aaralan namin ngayon.
Tahimik ang loob ng library kaya payapa akong nakakabasa.
Simula ng mag-aral ako dito. Dito ko na ginagamit lahat ng mga natitirang oras ko, kesa makipag tsismisan kay Adhie. Pero minsan mapilit din kasi itong si Adhie e! Talagang pipilitin akong makipag-tsismasan sakaniya.
Sa akin lang naman ganon iyon. Ang sabi niya saakin kumportable daw siya kaya yung pilyong side niya ay saakin niya ginagawa. Pero pag kasama kona si Jang mas lalong nagiging madaldal ito, at lagi niyang 'binubwiset si Jang kaya hindi 'magkasundo si Jang at Adhie.
Pero iba yung napapansin ko kay Adhie e! Iba kasi yung tingin na ibinibigay niya kay Jang mayhalong paghanga. Hindi ko naman masisisi si Adhie kasi may taglay din kasing ganda si Jang kaya hindi na nakapagtataka na magkagusto si Adhie kay Jang.
Pero hindi ko lang sure kasi ang balita ko may tinatagong pagka playboy din kasi itong si Adhie at straight pa sa ruler ito. Si Jang ay katulad kong bading pero parehas kaming simple lang na gay. 15 years old na ito at malapit ng mag 16.
Hindi nga nagtagal ay narinig ko na ang pag ring ng bell hudyat na magsisimula na ang klase. Mabilis akong kumilis para hindi ako mahuli sa klase ko.
Paglabas ko ng library ay siyang salubong kay Jang hindi ko man lang namalayan na nasa loob din pala ito ng library.
"Jang nandito karin pala?"
"Oh! Ikaw pala kuya hindi manlang kita nakita sa loob."
"Oo nga e! Nasa pinakadulo kasi ako nagbabasa."
"Kaya naman pala kuya. Nasa bandang gitna rin kasi ako."
"Ganon ba, sige hintayin mo ako mamaya Jang huh! Sabay na lang tayong umuwi."
"Sige kuya." Huling saad ni Jang at nag-iba na kami ng landas.
Ng makarating ako sa room ay maingay parin ito dahil wala pa ang prof namin.
"Hoy Eji ang tagal mo sa library huh? May ginawa ka na naman sigurong kababalaghan doon."
"Baliw umayos ka nga. Anong kababalaghan na naman yang sinasabi mo. Loko ka talaga hahahaha." Medyo natatawa kong saad sakaniya.
"Siyempre biro lang iyon. Balita ko nga kanina may bago daw tayong kaklase ngayon lalake daw."
"Sinong source mo?" Tanong ko sakaniya.
"Yung mga tsismosa nating classmate narinig ko lang kanina."
"Ano bayan akala ko naman legit yung source mo sa mga tsismosa lang pala nating classmate mo iyan narinig. Tiyaka ano namang pakielam ko kung may transferee tayo? Tsismoso karin e."
"Hoy anong tsismoso hindi kaya. Nag shashare lang naman ako ng mga naririnig ko sa iba sayo."
"Edi anong tawag don? Tsismoso parin diba. Kalalaking tao napaka tsismoso."
"At least guwapo ako."
"Okay." Saad ko nalang para lalo pa siyang mapikon. Lagi kasing ipinagmayayabang ng lokong ito yung pagiging guwapo niya e!
"Nakakainis ka huh? Ayan ka na naman sa okay-okay mo. Ni minsan ba hindi ka man lang na napogihan saakin?" Madamdaming saad niya.
"Hindi." Simpleng saad ko. Nakabusangot na naman ito kaya tawang tawa na naman ako sakaniya. Lagi niya kasing dinadamdam pag sinasabi kong hindi ako na popogihan sakaniya pero ang totoo pogi naman talaga ito.
"Abat-" Hindi na neto naituloy ang sasabihin niya ng dumating ang teacher namin kasama ang bagong estudyante. So legit pala yung narinig na tsismis ni Adhie.
Naka yuko iyong bagong transferee matangkad ito at nakasuot ng fitted na uniform namin kaya naman bakat na bakat dito ang mga muscle niya.
"So guys this is Mr. Gonzales and I guess some of you know him dahil dati na siyang nag-aral dito pero sa mga hindi pa nakakakilala sakaniya. Please Mr. Gonzales can you introduce yourself."
Hindi ako familiar sakaniya kasi wala naman akong pakiealam sa mga tao dito. Anong pakielam ko sa mga buhay nila.
Halata dito na sikat ito sa school kasi rinig ko ang bulungan ng mga babae't lalake kong classmate.
"Sis! ayan na naman si fafa Carl. Madadagdagan na naman iyong pogi sa school natin buti nalang bumalik siya love na love ko pa naman siya." Si Pitchy
"Correct ka diyan Pitch basta akin na si fafa Adhie tapos saiyo na si fafa Carl."
"Go lang sis!"
"Brad tignan mo nandiyan na naman si Carl sigurado akong hindi na ako sasagutin ng pinopormahan ko lalo pa't nandito na naman siya. Gustong gusto pa naman iyan ng nililigawan ko." Si Benedict
"Putsa parehas tayo tol. Bakit pa kasi bumalik yan." Sari't saring bulungan ang naririnig ko sakanila. Yung iba gusto na bumalik siya pero iyong iba naman ay ayaw na bumalik pa ito lalong-lalo na iyong mga kalalakihan.
Pero iyong iba walang pakielam at isa na ako doon.
Humarap ito at tumingin ng diretso saakin. Ang weird ng tingin niya pero iniwas ko na lamang ang tingin ko sakaniya kasi naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya saakin.
Hindi ko naman masisi iyong mga lalakeng ayaw na bumalik siya kasi guwapo nga naman talaga ito. Matangos ang ilong mapula at manipis na labi perfect din iyong jaw line niya at iyong kaakit akit na hazel eyes niya. Na parang pag tinitigan mo ay para kang kinakausap. Pati narin iyong kilay niya makapal at maayos. Overall guwapo pero anong pakielam ko.
"Hoy Eji anong tingin iyon?" Tanong saakin ni Adhie.
"Anong tingin?" Curious kong tanong sakaniya.
"Iba iyong tingin niya saiyo e!"
"E! Anong pakielam ko sa tingin niya." May pagka taray kong sagot.
Hindi ko na narinig pa iyong pagpapakilala niya kasi natuon na ang atensiyon ko kay Adhie nagsimula na naman kasing mangulit at mag kuwento ng kung ano ano. Huli ko ng namalayan ng may umupo sa kabila kong side ng tignan ko ito ay si Mr.Gonzales pala.
Ito nalang kasi iyong upuan na bakante ayaw kasi ni Adhie na may katabi daw kaming dalawa. Wala namang magawa iyong mga classmate ko kasi ang balita ko pamilya daw ni Adhie ang may-ari ng school na ito.
BINABASA MO ANG
That Handsome Is A Jerk
أدب المراهقين[COMPLETED] What will happen if the truth is revealed? Eji is a simple man who lives in poverty. Philip was born with a silver spoon in his mouth. What will happen if they encounter each other? Start: 091120 End: 112320 9:40 AM TAGLISH ©® To the ow...