KABANATA 27

2.8K 189 12
                                    

EJI's POV

MATAPOS naming manuod ng sine ay naging awkward na atmosphere saamin. Nahihiya kasi ako dahil sa nangyari kanina. Ayoko namang maging tahimik lang kami magdamag habang nag d-date. Kasi kung ganon parang wala din lang saysay ang pag d-date namin.

"Nagugutom kana ba? Punta muna tayo doon bili ng pagkain?" Pagtatanong niya saakin. Mabuti naman at siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Sige medyo gutom narin ako eh!" Pumasok nga kami sa loob ng restaurant at siya na ang pinag-order ko kasi ngayon lang ako nakapasok sa restaurant na ito.

Hindi pa kami masyadong nakakapag bonding ng pamilya ko kasi busy sila ngayon sa trabaho. Tinatapos na daw nila ang lahat para magkaroon kami ng oras bilang pamilya.

Si Kuya Adhie naman ayun busy sa pagpapapogi kay Jang HAHAHA!!! Lalo na at nakatira na kami sa iisang bahay ngayon kaya madalas na silang magkakasama.

Hindi pa kasi mag-aminan ang dalawang iyon eh! Nagmamatigasan pa sila kung sino ang unang aamin sakanila. Halata naman na sa mga kilos nila na gusto nila ang isat isa.

"Pasensiya ka na sa nangyari kanina." Si Philiphe na nakatingin saakin ng diretso habang humihingi ng tawad. Biglang namula ang muka ko dahil sa paraan ng pagtingin niya. Madalas na ata akong namumula ng dahil sa kaniya.

"A-ano ayos lang iyon h-hindi naman big d-deal." Nauutal kong saad habang naalala ko ang nangyari kanina lamang.

"Hmmmm. Pagkatapos nating kumain may pupuntahan tayo." Nakangiti na niyang saad ngayon. Kaya naman tumango nalang ako sakaniya.

Ng maihain ang pagkain ay agad kaming kumain masasabi kong masarap ang pagkain dito. Nag-uusap lang kami ng kung ano anong bagay. Ng may biglang pumasok sa isipan ko.

"Philiphe may tanong ako sa iyo?"

"What?" Nag-aabang niyang tanong saakin.

"Do you really scared at ghost?" Tanong ko sakaniya. Wala akong intensyong manginis gusto ko lang malaman kung ano ang totoo. Napabuntong hininga muna siya bago sumagot saakin.

"I'm not scared at ghost or horror movie. I just have a coulrophobia. A fear of clowns." He said so hindi nga siya takot sa horror movie kundi sa clown.

"Dapat sinabi mo na saakin kanina na may coulrophobia ka para hindi na tayo tumuloy naguguilty tuloy ako sa pagtawa ko sayo kanina."

"Do not feel guilty. I'm happy na kahit sa maliit na bagay napapatawa kita. At tsaka ayoko namang hindi ka mapagbigyan sa unang date natin." Nakangiti niyang saad. Grabe ang sweet niya lang talaga kasi kahit may phobia na siya sa clown tiniis niya parin para saakin.

"Thank you." Nakangiti ko ding saad sakaniya.

"No It's nothing diba gaya nga ng sinabi ko sayo pag nagmahal ako inispoiled ko."

"Eh! Ayoko naman ng palagi mo akong inispoil ang gusto ko magsabi ka kung ayaw mo sa isang bagay mamaya sa kaka spoil mo saakin nasasaktan kana pala." Ewan ko kung bakit ganon ang sinabi ko sakaniya.

Nakita kong napangiti lang ito sa sinabi ko sakaniya kaya naman napangiti narin ako. Nakakahawa ang ngiti niya eh.

"May isa pa akong tanong sayo?"

"What is it?"

"I'm so curious kung saan kinuha ang pangalan mo."

"HAHAHA!! Yoon ba you don't believe kung paano nakuha ang pangalan ko."

"Ano nga?"

"I'm born at June 21 and that is Philippines day I don't know kung anong nakain ni Dad at binase niya ang pangalan ko sa Philippines." Natatawa niyang saad.

"Hahaha! Ang meaningful naman pala ng pangalan mo. Eh iyong Carl saan nakuha?"

"We have a Car business right? Si Mom naman ang nakaisip na ibase sa kotse ang pangalan ko HAHAHA!! How about you? Saan binase ang pangalan mo?" Tanong niya din saakin. Tuluyan ng nawala ang awkward atmosphere saamin. Ang epic lang ng nagkuhan ng pangalan niya. Pero masasabi kong magaling ang magulang niya sa pag-iisip ng ibibigay na pangalan sa kaniya.

"Ang sabi saakin ni Mom base ito sa pangalan nilang dawala iyong Xerces nakuha sa pangalan ni Dad samantalang iyong Ejin naman nakuha sa name ni Mom." Mabuti na nga lang at hindi pinalitan ni Inay Hanna ang pangalan ko ng kunin niya ako sa totoo kong magulang.

"That nice bumabagay naman iyong pangalan mo saiyo."

Ng matapos nga kaming kumain ay agad kaming nagtungo sa parking lot para pumunta sa lugar na sinasabi niya saakin. Marami pa kaming nalaman tungkol sa isat isa.

Ilang saglit pa ay nasa loob na kami ng sasakiyan. Habang nagmamaneho siya ay nakahawak ang isang kamay niya sa kamay kong nakapatong sa hita ko.

Hindi ko nalang siya pinigilan kasi wala din lang naman akong magagawa at tsaka kahit papaano komportable ako kapag hawak niya ang kamay ko.

Medyo lumalayo na kami sa syudad ng huminto kami sa isang mapunong lugar. Gumagabi narin kaya naman medyo madilim na dito. Pansin ko lang hobby niya ang magpunta sa mga ganitong klaseng lugar.

Kahapon nga lang sa gubat na naman kami pumunta tapos ngayon sa ganitong lugar na naman. Hindi naman ako nagiinarte nahahalata ko lang kasi sakaniya ang pagiging nature lover.

Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan. Gentleman din siya huh! Iniabot niya saakin ang kamay niya kaya naman kinuha ko ito.

Naglakad lang kami saglit hanggang makarating kami sa isang lugar kung saan makikita mo ang buong syudad dito sa kinaroroonan namin.

"Woah! Ang ganda naman dito. Paano mo nalaman ang ganitong lugar?"

"It's my favorite place dito ako nagpupunta kapag gusto kong mapagisa. Aksidente ko lang na nalaman ang ganito kagandang lugar kaya dito na ako nagpupunta."

"Mahilig ka sa ganitong lugar ano?"

"Hmmm!! Kasi sa ganitong lugar nakakaramdam ako ng kapayapaan."

"Payapa nga dito at maganda ang lugar tahimik kaya naman makakapagisip ka ng payapa sa lugar na ito."

"Hmmm!!" Saad niya tapos niyakap niya ako mula sa likuran nagulat pa nga ako sa ginawa niya kaya naman tinignan ko siya at nakita kong nakapikit lang siya habang yakap ako sa likuran.

"Kung papipiliin ka ako o si Crystal?" Wala sa sarili kong tanong. "Isa lang akong bading hindi kita mabibigyan ng mga anak sa hinaharap."

"Ikaw lang sapat na tungkol naman sa magiging anak natin sa hinaharap pwede naman tayong umampon o magpa surrogate."

"Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko."

"Kung papipiliin man ako ikaw lang ang pipiliin ko. Wala na akong nararamdaman pa kay Crystal. Dahil ikaw nalang ang tinitibok ng puso ko."

"Aasahan ko iyang sinabi mo saakin Philiphe at sana kung dumanting iyong araw na hindi mo na ako mahal. O nagsawa kana saakin. Sabihin mo lang at papalayain kita ng kusa." Saad ko sakaniya. Kung mahal mo nga ba talaga ako.

That Handsome Is A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon