Espresso de Salazar
Espresso (1 shot)-----
ABALA sa paggawa ng cake si Nadia ng tanghaling iyon. Binuhos niya lahat ang atensyon sa paggagawa ng mga panibagong cake na sa tingin niya ay papatok sa karamihan. Isa na rin iyon sa paghahanda ng bagong produkto na ilalabas sa buong franchise kaya namab todo sulat siya sa mga ensaktong ingredients at product. Mas mabuti na iyon ang ginagawa niya kaysa naman umiyak ng umiyak kung alam niya namang hindi na magbabago pa ang desisyon ng binata at mauuwi lang ang mga luha niya sa wala.
Bilang isang product innovative agent, every little quantity counts. And her tears made of sadness were included of that. Ayaw niyang may nasasayang. Ayaw niyang nauuwi ang mga pagod niya sa wala.
Pagkapasok ng pagkapasok niya sa chocolate base sa oven ay ensakto ring tumunog ang doorbell. Hindi na nakapag-ayos sa mukha na puro harina ay tinungo niya agad ang pintong umaasa na si Roman iyon.
Kaya naman kung gaano siya kagiliw na pumunta sa pinto ay ganoon rin siya nadismaya nang makitang delivery boy lang iyon.
"Ms. Nadia Salazar, right?"
"Yes?" kiming sagot niya sa lalaki.
"I have a small parcel to you. Pakipirma na lang po dito linyang 'to po para maibigay ko na po sa inyo ang box." aniya ng lalaki.
"It must be a mistake. Wala po akong pinadala dito o ni anumang alam na nay papadala sa akin."
"Pero nakalagay po sa address na ito po ang oagdadalhan ng box. At ensakto po ang nakapangalan. Baka po may nagpa-surprise package sa inyo."
Nag-isip siya ng sandali. Her mom and dad never surprise her a package ever since without her being informed. Kung ang mga lalaki niya namang nakakatandang kapatid ay hindi rin minsan nagpadala sa kanya simula nang nagtapos siya sa kolehiyo. Kung ang mga kaibigan niya naman ang magpapada ay sa mimsong shop nito pinapadala at hindi sa condominium niya.
Is it Roman? tanong niya sa sarili. Bumalik na naman ang kung lungkot na bumalot sa kanyang kaibuturan. Hindi niya naman masisi ang sarili dahil isang buwan pa lamang ang lumipas at napakasariwa pa ng ginawa ni Roman sa kanya. Simula nang pangyayari ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam.
Nang wala ng maisip si Nadia na taong puwedeng pinanggalingan ng package ay minabuti niya na lamang na tinanggap ang pinadala saka pa nagpasalamat sa delivery boy.
Muli, pinakatitigan niya ng maigi ang box. Noong una ay nahinuha niyang bomba ito pero nang mapagtantong masyado itong magaan ay iwinaksi niya agad ang naisip. At saka masyado siyang mabait para padalhan ng bomba. Sa kanilang apat na magkakaibigan, siya itong pinakamature sa grupo. At kung mayroon mang mapapadalhan ng bomba o kung anumang panakot at tiyak na si Marielle ang may pinakamaraming matatanggap.
Tuluyan ng iwinaksi ni Nadia ang pag-agam-agam at binuksan iyon. It was a notebook. Pero hindi pangkaraniwang na notebook. Kung titignan niya ito ay tiyak na mamahalin ito at halatang pinaka-iingatan ito ng may-ari.
Pinulit niya ang kapirasong papel at doon niya nalaman na galing iyon kay Roman. She knew it right away because of the penmanship. Sulat malinis ito na parang sulat babae. Every stroke of it send her the signal that it was Nathaniel's. Nathaniel Roman.
"Please read this... read this until the end and find out, Salazar. Once you read this, there's no turning back. I am so sorry..."
Napapikit siya ng mabasa ang sulat sa kapirasong papel. What was the sorry for? Is that the goodbye sorry? Imbes na magalit ay mas namayani ang pagkalito sa kanyang sistema.
Ano ang dapat niyang malaman? Ano ang dapat niyang mabasa? Ganoon na ba ito ka-importante upang malaman? Ano ang nasa loob nitong aklat-sulatan na ito? Sekreto? Mga saloobin na hindi napahayag sa kanya? Pero kilalang-kilala niya ang binata. Roman was never the type of guy who wrote. Instead, he alwasy doodle and draw. Never in their relationship swnd him the signal that Roman could be a diary type of guy. Not until now.
Ngayon, sigurado pa ba talaga siyang kilala niya ang binata gayong may pinadala itong napakamisteryosong aklat-sulatan? Ang aklat-sulatan na mismo ang nagpatunay sa kanya na mali siya sa inakala.
Kapag binuklat niya ito ay wala ng urungan pa. At sa tuwing mahihinuha niya pa lamang ang kalalabasan ay natatakot siya. Mas lalong lumaki lamang ang pag-aagam-agam niya para sa binata. Gayundin, may kung ano ang bumubulong sa kanya na kailangan niya itong buklatin. Buklatin para malaman ang gusto nitong ipabatid. Buklatin para mahanap ang kasagutan na sunod-sunod niyang mga tanong.
"Yes. I have to do this..." sambit niya sa sarili.
Hindi pa rin nawalan ang pag-aalangan, sinimulan niyang buklatin ang pinakaunang pahina.
"Property of Nathaniel Roman"
Iyon ang pinaka-unang bumungad sa kanya. Nakasulat ito sa malinis na cursive na kung titignan ay aakalain ng iba na babaeng nagsulat sa kataga. Kasama doon ang N+L na nakasulat sa pinakapal na tinta at may tatlong maliliit na puso sa tabi ng equals.
"What is this?" tanong niya sabay tinignan ang aklat-sulatan.
Who is L? And why not N like the first abbreviation of her name? May naging babae ba ito maliban sa kanya? The expensive notebook was totally not for her to read, obviously. Sigurado siya doon dahil iba ang nararamdaman niyang aura sa aklat-sulatan.
Pero kahit na iba ang binibigay nitong aura ay patuloy pa rin siya sa pagbuklat...
----
January 07
Dear Lucy,Did I mention how lucky I am to be your one true love? Sa tagal ng naalala ko, sa tagal ng pagsasama natin ng limang taon bilang magkasintahan, ay oo.
Ngayong araw ng ika-pitong araw ng Enero ay sa wakas ay napasaakin ka. Parang kailan lang ng nililigawan kita noong kolehiyo at ngayon ay naging asawa na kita. Parang kailan lang ay sinusungitan mo ako sa tuwing nilalapitan kita kapag uwian na sa eskwelahan. Parang kailan lang ng ayawan mo ang pag-aalok ko sa iyo ng date sa plaza.
I almost give up on you, Lucy, honestly. I mean who wouldn't be? You are the most beautiful woman in our batch. And I was one of the ten suitors. Sino ba namang mag-aakalang mapapasagot kita sa oras na iyon? But then you smile at me. That smile gave me hope. And I didn't stop. And look what I am to you now?! I am your husband! Your husband, finally! Ako ang nawagi sa sampu mong manliligaw.
At kung huminto ako? Saan kaya ako pupulitin? Sigurado ay single pa rin ako ngayon. Ikaw lang kasi ang babaeng gusto kong papakasalan simula pa lang ng naligawan kita at kung mabasted man ako sa panliligaw ko sayo ay ipinangako kong tatanda na lang akong binata.
Okay. Back to the wedding reaction...
Do you know what it feels like to be your husband, finally? I feel like I am the luckiest of men, Lucy. I feel like my stomach would burst any minute while saying the vow right in front of you, right in front of families. Pakiramdam ko ay nasungkit ko ang pinakamakinang na tala sa kalangitan. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa loto ng mahigit pa sa sampung milyon. Ganoon ako kasaya ng maikasal sa 'yo, Lucy. Para akong mababaliw na matatae na ewan. Oops. Sorry sa part na natatae. Wala akong maisip na ibang termino para doon. Basta... ang alam ko lang ay mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.
- N. Roman
-----
Natulala si Nadia nang matapos mabasa ang unang pahina ng aklat-sulatan. "Who is she? Who is Lucy?"
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...