Chapter 17

522 24 0
                                    

"SO saan tayo tutungo sa Batangas?"

Rinig niyang tanong ni Jonatan habang nakatuon pa rin ang mata niya sa himpapawid. Nag-isip siya sa una nilang pagkikita ni Roman. Saan nga ba iyon? Saan niya nga ba ulit nakilala ang asawa?

"4TH honor, Marielle Santos." masiglang sambit ng kanilang advicer na si Ms. Cruz.

Humihikbi si Nadia habang patuloy na naririnig niya ang pag-aanunsyo ng mga honor roll ng seksyon nilang St. John. Ngayon ang araw nang recognition ng bawat outstanding students ng eskuwelahang St. Martin Academy.

Pinalis niya ng marahas ang luha at nagpatuloy pa rin sa paghikbi. Ang malapit na kaibigan na ang sinabitan ng medalya ngunit ang nasa isip niya pa rin ay ang namatay na pinakamamahal na pusa. Bakit sa lahat pa ng araw na puwedeng mamatay ang kuting ay mas mismo niya pang recognition. It was her beloved cat named Nata.

"3rd honor, Olivia Oliveros."

Sumunod naman ang isa pang kaibigan ngunit hindi pa rin naalis ang lungkot sa kaniyang mukha. She loved her cat so much that she don't want to accept the fact that her pet... died. It was never coming back to life. Unang beses iyon para sa kaniya kaya naman napakasakit iyong tanggapin.

Isang pangalan na lamang ang natitira at siya na ang susunod na aakayat sa entablado. At heto siya, nagmumugto ang mata dahil sa nakakaiyak na balitang natanggap niya sa ina.

"2nd honor, Eselle Elle."

Ang tinawag namang sunod ay ang isa pa niyang kabigan. She was happy for her friends achievement but she was still sad about her cat. Napakabait nitong pusa ngunit maaga itong nawala sa kaniya. Maaga itong binawi ng Diyos sa kaniya.

Tumalungko siya sa mga braso at patuloy na umiyak. How can she be able to to take the pain? Para niya na ring itinuring ang pusa na kapatid.

"You know what... it's okay to cry."

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Nadia at binigyan ito ng masama tingin nang makita ang lalaking nakakuha sa kaniyang atensyon simula pa noong first year high school dahil sa napakatahimik nitong katangian.

Umingos lang siya dito kahit pa napakaguwapo nitong nakasandal, angat at nakatukod ang isang paa sa pader habang nakatingin ng deretso sa tanawin kung saan makikita ang buong hallway ng eskuewelahan.

"'I mean 'yon naman talaga ang silbi nang mata maliban sa pagtanaw, hindi ba? Kaya ayos lang na umiyak."

"What do you know..." Umismid siya. "Hindi naman ikaw ang namatayan."

Tinawanan lang nito ang kaniyang sinabi at ngumiti ng pagak pagkatapos. "Believe me. I had more than enough that I have no tears to spare for them."

Nagtatakang tumingin siya sa binata.

"Crying, as per other say, doesn't make a person any less braver, Salazar, so go on, it's okay to cry. Just continue crying."

"If that is what other's believed," Naoosyong tumayo si Nadia at hinarap ang lalaki. "Then what is... crying for you?"

"Crying? Well, I don't know," Kumibit-balikat ito at tumingin sa kaniyang mata sa napakanangungulilang paraan. "Acceptance perhaps?"

"You have a point." pagsang-ayon niya dito matapos ang sandaling katahimikan.

"People died, you know. Kasama na roon ang mga hayop. The only sad thing about it was once they died, you can never see them again." wika nito, halata sa boses ang pangangamba. "It's okay to cry, Salazar. But constant sulking will be only a waste of time."

Nathaniel's Journal: Roman's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon