November 07
Dear Lucy,Wala pa rin akong maisip na pangalan ng anak natin. Ganito ba talaga kahirap iyon? O sadyang ako lang itong gusto maging perpekto ang magiging pangalan ng bata. Hindi ko rin mawari kung bakit. Pinapili ako ni mama ng mga pangalang sa pagitan ng Lucas at Lucho. Lahat na ata ng pangalan na nagsisimula sa "L" ay nabanggit na ng mama. Pati na rin ang nakakatandang kaibigan na si Nicholas ay nakisali na rin at bandang huli ay sumuko na. Masiyado raw akong pahikan.
Napapaismid lamang ako sa suhestyon ng ina at ng kapatid. Hindi naman iyon mga pangit pakinggan. But the names doesn't sound like you, Lucy. I wanted to be the name that sounds like you but in a male version. Gusto kong ipangalan sa iyo ang bata. Maging katulad mo na matapang balang araw upang harapin ang mga darating na problema sa buhay. For me, Lucy sounds elegant and feminine. But at the same time that name was the bravest of women. Kung wala ka ay wala ang ating anak. Kung wala ka ay hindi ko masisilayan ang ganitong mundo kasama ng ating anak. Kung hindi sa iyong pagsakripisyo ay hindi ko mararanasan ang buhay na pagiging ama. Kung wala ka ay hindi magbabago ang pananaw ko sa buhay.
Our baby was starting to feel the need to walk. Patemblong-temblong pero palagi ko namang inaalalayan. From nine kilos to ten. Malaki ang pinagbago ng timbang na bata. Maligalig. Ang paborito nitong laruin ay ang mga sasakyan at mga dinosaurs. Ang sabi pa nga ng kapatid ay kasing bigat na raw ito ng bato. Sino ba naman mag-aakalang makakayanan ko ang pag-aalaga ng isang napakamasakitin na bata? Kahit kaunti ay naipagmamalaki ko ang bagay na iyon. Hinding-hindi ko kailanman ikakahiya ang bagay na iyon. Nakayanan kong alagaan ang anak natin nang buong lakas ko. At wala akong planong huminto. Magiging gabay ako ng anak natin hanggang sa mamatay ako. Mahal na mahal kita, Lucy. Ikaw at ang anak natin. Panghabang buhay ko kayong mamahalin.
Sa naganap na Halloween Party pala. Muntikan ko ng malimutan. Ang napili kong costume ay si Robin habang ang anak naman natin ay ang boss na si Baby Batman.
- N. Roman
-----
NAPANGITI si Nadia pagakatapos niyang mabasa ang pahina. Naalala niya noong kolehiyo ang pinuntahan nilang Halloween Party. Sa bahay iyon ng kaibigan ng asawa. They were dressed as couple that day. Ito na mismo ang nagdesisyon na maging si Catwoman siya ng DC habang ito naman ay naging si Batman.
Wari niya noon pa man, kahit na noong high school pa sila ay tagahanga na ito ng DC. Ang pinaka-idolo ng asawa ay si Batman sa kadahilanang na kahit naman daw wala itong kapangyarihan ay nagagawa pa rin nitong makipagsabayan sa ibang mga tagapagtanggol. Kahit na talong-talo ito sa kakahayan ni Superman ay si Batman pa rin ang pipiliin nito.
Sa katunayan, para sa kaniya, Roman was a her living Batman. Ito ang naging takbuhan niya sa problema at naging tagapagtanggol niya noon. Iyon ang pinakahinangaan niya sa binata. Ang determisnasyon at katapangan sa pagharap sa problema. At mas lalo lamang siyang humanga nang malaman ang pagtanggap nito sa katotohanan, ang pagiging mabuti nitong ama sa anak nila ni Lucy.
Ngayon, tiyak niyang hindi siya nagsisisi o kailanman ay magsisisi na si Roman ang pinili at pipiliin niya. Kahit wala ito sa hanay ng pagpipilian, ang asawa pa rin ang pipiliin na pililiin niya.
-----
December 07
Dear Lucy,I finally came up with a name but still wasn't sure If I'm going to use it. Kapag nailagay ko na iyon ay iyon na ang pangalan na gagamitin ng anak natin panghabang buhay kaya mas mabuting pinag-iisipan ng mabuti. I was so busy with work back in your pregnancy days that we haven't even discuss it even once. And I'm so sorry for that. I should have known. Kaya ngayon ay nahihirapan akong mamili.
Palaki na ng palaki ang penalty natin sa late registration ng bata. But it doesn't matter. I can always find a way. Kailangan kong maging tiyak sa pipiliin ko. Pipiliin ko ang pangalan na sana magustuhan mo. Paubos na ng paubos na rin pala ang naipunda ko. I've been jobless for eleven months. And I need to earn at least, for our baby's first birthday at ang mga kakailanganin niya para sa hinaharap. Nang makatanggap ako ng job offer na maging isang company arhitect ng isang chain na malapit lamang sa bahay natin ay pinag-isipan ko muna ng masinsinan. Kung tatanggapin ko ay mahahati na ang oras ko sa bata. Gayun pa man ay kailangan ko pa ring magtrabaho.
Ang sabi ng mama ay ayos lang daw na magtrabaho na ako. Mom and Nicholas offered to look out for a child while I'm going too work. Kaya naman sinunggaban ko na ang oportunidad at pumasok bilang company architect. Noong una mga araw ay nahirapan akong mag adjust. Siguro sa kadahilanang nahinto rin ang nakasanayan ko sa trabaho. Sa tuwing umuuwi ako ay pagod na pagod ako. Minsan ay hindi ko na nakakausap ang anak natin at dideretso na sa pagtulog. Bumabawi na lamang ako sa dalawang araw na aking day-off.
Oo, mahirap, Lucy, masasabi kong mahirap nga pero kung iisipin kong mabuti ay ginagawa ko naman ito lahat para sa ikabubuti ng anak natin, Lucy. At hindi na ako makapaghintay sa araw ng kaarawan nito at araw na iyong kamatayan. Mahal ma mahal kita. Ikaw at ang anak natin. Asahan mong hindi na iyon magbabago at dadalhin ko sa hukay.
- N. Roman
-----
"OKAY, January is next. The baby's first birthday," Huminga ng malalim si Nadia at pilit na ngumiti. "And Lucy's death anniversary..."
Paulit-ulit na kinagat niya ang pang-itaas na labi at hinanda ang kamay sa pagbuklat sa sunod na pahina. Why does she have this bad feeling about January? Partida ito pa ang simula ng taon ngunit napakabigat ng aura ang bigay nito sa kaniya. Hindi niya maunawaan kung bakit may kutob siya na may nangyari na naman sa buwan ng Enero.
Sana lang wala...
Ipinilig ni Nadia ang ulo at tuluyan ng binuklat ang sunod na pahina. Laking gulat niya na lamang na imbes na ang mga sulat ang bumungad sa kaniya ay malinis na papel ang nasilayan dinapuan na kaniyang mata.
"What? No—W-where—Where's the next page?" natatarantang tanong niya sa sarili sabay iiling-iling.
Kunot-noong pinagbubuklat niya ang mga susunod na pahina ngunit parehas lamang ang bumubungad sa kaniya sa bawat pahinang dinaraanan ng daliri niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Ang mga naiisip niyang mga masamang bagay ay pumailanlang sa kanyang isipan. Hindi... hindi maaaring hindi niya matuklasan ang tungkol sa nangyari sa bata. At mas lalong hindi maaring may masama na namang nangyari. Roman's suffering was enough when he lost Lucy. At kung may nangyari ngang masama sa bata ay pakiramdam niya'y hindu niya na rin kakayanin.
Hindi tumigil si Nadia sa kakabuklat. Tinignan niya naman lahat ng nasa pahina ngunit wala naman siyang nakitang bakas na kahit anumang pinunit na papel. Simula at hanggang padulo ay tinignan niya ng maigi. Hanggang sa lumapag na ang kamay niya sa pinakadulong pahina at nakita ang taon na 1989.
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...