Chapter 18

629 29 0
                                    

LUMINGA-LINGA ang batang si Nadia sa paligid. She's been going on circles for an hour now. Nang dahil sa dami ng tao sa undas ay napabitaw siya sa ina papauwi at naiwan siyang nag-aalala na baka hindi na siya mahanap pa ng mga magulang.

Mas lalo lamang niyang ikinaalala ang papalubog na araw. She was only ten. Still, the cemetery still gives her the creeps and goosebumps just like any other children could feel in the middle of cemetery. Paunti-unti na ring nawawala ang mga tao bumisita.

Natatakot na umupo si Nadia sa gitna ng daan at itinalungko ang mukha sa pagitan ng braso upang magtago sa takot. Bago pa man lumabas ang mumunting hikbi sa kaniyang bibig ay narinig niya ang hagulhol ng isang batang lalaki.

Dahan-dahan siyang tumayo at hinanap ang pinangagalingan ng ingay. Doon, nakita niya ang lalaking harap ang apat na puntod.

"Mom, D-dad, Grandpa, Grandma." sambit nito sa hangin sabay singhot at pinalis ang luha gamit ang dalawang kamay. "Sana ayos lang po kayo diyan kasama ni God. Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po naman kami ni Uncle Nicholas."

Umihip ang malamig na hangin ngunit nanatili ang atensyon niya sa lalaki.

"Sa totoo lang po..." Sumigok ito.

Imbes na kumilos at maghanap na lamang sa magulang ay mas napatitig siya sa estranghero.

"Hindi..." Mas lumakas na ang paghagulhol ng lalaki. "Hindi ako okay, Ma. Pa. Hinding-hindi ako magiging okay."

Pinakatitigan niya pa rin ang batang humagulhol ng malakas.

"Ma, Pa. Bakit gano'n? Bakit ang aga niyong nawala sa akin? Bakit ang aga niyo akong iniwan? Bakit pa ako nabuhay kong wala lang rin naman akong magulang na gagabay sa akin?"

Hindi na napigilan ni Nadia ang pagtulo ng kaniyang luha. Masasabi niya bang nahihibang na siya kung sasabihin niyang nararamdaman niya ang pinagdadaanan nito gayong estranghero lang naman ito?

"It's okay to cry, you know," pagkuha niya ng atensyon dito dahilan para mapatingin ito sa kaniyang gawi. "But constant sulking will be only a waste of time."

Tumayo ang lalaki ang tumingin ng deretso sa kaniyang mata. Unknowingly, she did the same. Those light-brown eyes made her unbelievably pinned on the ground. It was deep and it was... beautiful. Like a color of a cinnamon but lighter.

Puno ng pagkalito na hinawakan niya ang dibdib kung saan naroon ang puso. "Weird..." bulong niya sa hangin.

Bakit ganoon? Bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso? Iyong bilis na pagtibok sa tuwing dinadalhan siya ng chocolate mousse bilang pasalubong ng kaniyang ina.

He wasn't her favorite chocolate mousse cake, is he?

"Nadia!" Narinig niyang pagtawag ng ina na nasa di gaanong kalayuan. "Kanina ka pa namin hinahanap. Halika na, anak!"

"I'm coming mom!" sigaw niya pabalik sa ina. Tinignan niya ang lalaki at nginitian. "Cheer up. Hindi mo kasalanan ang lahat. Soon enough, all is going to be well for you."

Hindi na siya naghintay sa sagot nito at tumakbo na siya papunta sa ina. Tinanggap niya ang alo ng ina na makipaghawak kamay at nginitian ito. Mas lalong lumuwang ang kaniyang ngiti nang makita ang ama kumakaway sa kaniya habang naghihintay sa entrance ng sementeryo.

"Sino 'yong bata kausap mo anak? Kilala mo ba 'yon?" tanong ng ina.

"No, mom," Umiling si Nadia. "I don't know him. All I know was he was like a lost chocolate mousse cake."

Nathaniel's Journal: Roman's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon