Chapter 10

484 21 0
                                    

Galao de Salazar
3/4 Steamed Milk
1/4 Espresso

-----

December 07

Dear Lucy,

Nagising akong nakatitig ka sa akin ngayong umaga. Tinanong kita kung ano ang problema ngunit ngingiti ka lamang sa akin at sasabihin mo kung gaano ka kasuwerte sa piling ko. Na laking pasalamat mo sa Diyos dahil binigay ako sa iyo. Na kuntento ka na sa akin at hindi maghahangad pa ng iba. Napangiti na lamang ako sa mga katagang iyon at iginiya ka ng yakap palapit sa akin. Napapadalas na ang gawain mong iyon noon pang nakaraan na buwan. Araw-araw. Bago matulog at bago tayo babangon sa umaga ay iyon ang ginawagawa mo. Like you was as if saying goodbye.

It was very unlike of you, Lucy, you know, I'm the most likely to do those things between us but I didn't mind it. Iwinaksi ko na lamang ang isipin iyon. I'm not going to lose you, am I? Hindi puwedeng mangyari iyon. Magsasama pa tayo ng matagal kasama ang ating magiging anak. You were seven months pregnant, Lucy, kaya hindi na ako nagtaka pa na ganoon ang tumatakbo sa utak mo. Ganoon daw talaga ang mga nararamdaman ng isang buntis, lalong-lalo na kung nalalapit na ang araw ng panganganak.

Mas naging maingat pa ako. Isang gabi, bago tayo matulog, tinanong mo ako kung papipiliin ako, ikaw ba o ang anak natin. Naguluhan ako sa pabiglaan mong tanong. Inisip ko muna kung bakit kinailangan mong tanungin ang bagay na iyon. Ang pagbawi mo ay gusto mo lamang malaman. Kaya wala na akong nagawa kundi ang isagot ang nais ko. Siyempre, ikaw ang pipiliin ko, Lucy. Nakakalungkot mang isipin pero ang unang panganganak ay napakakomplikasyon. Marami akong nababasang hindi raw maiwawasan ang mga bagay na ganoon. Kaya kung sakali mang hindi tayo biyayaan ng anak, ayos lang. We can always try again. That's how life works, if we failed, all we need to do is to stand up and try again. We would try harder with a prayer.

Ngumiti ka sa akin nang gabing iyon at hindi nagsalita pa. Hanggang sa nakaidlip ako sa iyong napakainit na bisig at nagising sa umaga na nakakapit ka sa akin na parang wala ng magiging bukas.

Sa nalalapit na pasko ay isa lamang ang hihilingin ko. Na maging mabuti ang iyong panganganak sa isang malusog na bata. Malakas ang kutob ko na magiging ayos lang ang iyong panganganak. Must be the a dad's instict. Nararamdaman kong kakayanin mo, Lucy. At hindi na ako makapaghintay pang masilayan iyon. Alam kong hindi magiging madali ngunit dadamayan kita, ipapangako kong nasa tabi kita sa araw na iyong pagbubuntis. Mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.


-N. Roman

-----

BINUKLAT ni Nadia ang ika-labing isang pahina at nagulat siya ng may nakadikit roon na isa pang liham. Ligaw lamang ba ito na liham o sadyang dinikit ito roon para mabasa? Tititigan niya pa lamang ang liham na nakatupi sa tatlo ay nararamdaman niya ang kakaibang aura nito. Na para bang may sentimental value ito kagaya ng aklat-sulatan.

Pinagpalit-palit niya ang mata sa pihina at sa liham, animo'y nalilito. Ano ang unang niyang babasahin? Naisipan niyang tawagan si Eselle upang magtanong. Kahit noong kolehiyo pa kapag hindi niya alam kung ano ang uunahin ay idinadaan niya ito sa pagtanong sa mga kaibigan. Ang naisipan niyang tanungin ngayon ay si Eselle.

Ilang segundo pa lamang ay sumagot ito ngunit siya naman ay pinanlakihan ng mga mata ng marinig ang ungol sa kabilang linya.

"Ohhh... Mark, yes baby... yes, there!" daing ni Eselle. "Ohhh..."

"Jesus!" pabigla niyang nausal at pinatay ng dali-dali ang tawag. Iiling-iling na tinawagan niya na lanang si Olivia.

Wala pang tatlong pag-ring ay sinagot agad nito ang tawag. "Yes?"

Nathaniel's Journal: Roman's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon