Chapter 1

700 26 0
                                    

Americano de Salazar
2/3 Water
1/3 Espresso

-----


ALAS-TRES pa lamang ng hapon ay naghanda na si Nadia sa sasabibin para sa kasintahan. Siyempre, hindi niya sinunod ang payo ni Marielle nang araw na iyon. It sounded so demanding and a bit of comical. Gusto niya kapag sinabi niya ang balita kay Roman ay magtunog siyang kapanga-pangako, yung mapapagkatiwalaan siya ni Roman na magdala sa magiging anak nila bilang asawa nito.

A couple cannot be called family without children. Siguro naman sa apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay handa na itong dalhin ang relasyon nila sa mas mataas antas. Ang hindi niya nga lamang magawa ay sabihin dito na may dinadala na siyang supling sa sinapupunan. Pakiramdam niya kasi ay kapag nalaman ito ni Roman ay hindi nito magugustuhan.

Hindi niya rin naman maiwasang mag dalawang-isip. Sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi nito nabanggit ang pag-aanak. Akala niya noong naging naging mag asawa sila ay mapag-uusapan na nila ang pag-aanak. Ngunit sa tuwing mababangit niya ang katagang baby o bata ay binabaling nito sa iba ang diskusyon katulad ng kung ano ang nangyari sa araw niya at kumusta na ang inaatupag na chain franchises. Kahit noong mga high school pa sila ay hindi na nito nagugustuhan ang tungkol sa mga bata. Like it was as if he hate children. He despised them.

Minsan ay napapatanong na lang siya sa sariling kung may plano ba talaga itong mag-anak gayong iniiwasan nito ang ganoong diskusyon. Lalong-lalo na nang pinakasalan nito ang isang uri ng tao na may malambot na puso pagdating sa mga bata.

Lumaki si Nadia napakalapit sa pamilya. Her family can be called the perfect of perfects. Lovable parents with their respectful kids of three. Salazar family was well known to be the most influential family of Luzon. Ang ina ay isang magaling na doctor at ang kanyang ama naman ay isang magiliw na dentista. Sa kanilang tatlong magkakapatid na puro lalaki ay siya lamang ang pumasok sa business industry habang ang mga kapatid sumunod sa yapak ng magulang.

Sa edad na bente-nueve ay nakapag-deal siya ng franchise na ensaktong labing tatlo. Kailanman ay hindi niya inakalang pagkakatiwalaan siya ng labing tatlong franchisee gayong bago pa siya sa larangan ng business at sa paglabas ng kanyang franchise. Sa tuwing maalala niya ang achievement na iyon ay hindi niya mapigilang matuwa. At sobrang nagpasalamat siya sa Diyos sa biyayang ibinagay nito.

She was in a good family and in a right career. Kaya naman kung papalain na magka-anak sa hinaharap ay aalagaan niya ang mga ito gaya ng pag-aalaga ng magulang sa kanya.

Napatayo si Nadia nang makita na sa wakas ang asawa papasok sa coffee shop. Sobrang lakas ng tibok ng pagkabog ng puso niya na pati ang tainga ang nabibingi na sa sobrang lakas niyon.

"Any problem, Salazar?" nag-aalalang tanong ng asawa.

Dahil sa pagkauligat ay hindi niya namalayang nakaupo na pala ang kasintahan sa harap at nanatili pa siyang nakatayo, nagmukhang hindi mapakali.

"Ahh... wala." sagot niya saka umupo na ulit. "Wala naman."

Kagaya ng mga nakaraang buwan, ang pag-uusap nila ay nauwi na naman sa inaasahan. How's your day? How are the franchises? How's your mom and dad? How's her apartment? Really, those conversations were getting out of hand. At sa tuwing iisipin niya iyon ay hindi niya mapigilang malungkot. The Roman she knew since high school was not the same anymore. They weren't the high sweetheart that was into each other. Parang may sangga na itong nakapalibot sa pagkatao na kahit anong gawin niyang gibaiin iyon ay hindi niya magawa-gawa. Unti-unti na itong nagbabago.

"Roman, do you still love me?" diretsahan niyang tanong matapos maipon ang lakas ng loob.

Tumingin ito ng deretso sa kanyang mata bago ito napabuga ng hangin. "Of course, Salazar. Why would ask the obvious?"

Nathaniel's Journal: Roman's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon