Caffee Affogato de Salazar
2/5 Espresso
3/5 Vanilla Ice Cream-----
October 07
Dear Lucy,You were gaining weight! And I think you are the most voluptuous woman I ever laid my eyes on. Inaamin ko, oo, ikaw ay nadadagan ng timbang ngunit hindi naman iyon naging masama sa iyo tignan. Maganda ka pa rin sa aking paningin, Lucy. Magandang-maganda. Para pa rin ako iyong lalaki nahumaling sa iyo simula nang makita noon sa kolehiyo. Ilang beses ko iyang ipinaalam sa iyo ngunit hindi mo pa rin mapigilang bigyang pansin ang kaunting pagbigat ng iyong katawan. Paminsan-minsan pa nga ay tumitingin ka sa salamin, na para bang sinusuri mo iyong katawan, ulo hanggang paa. Panay pa ang pagsukat mo sa iyong timbang araw-araw. Inilimit mo rin ang iyong mga kinakain na puwedeng makasama sa ating magiging anak. Pati ang kaunting mga linya nagsimula ng lumalantad sa iyong tiyan ay hindi lumampas sa iyong mga mata. Nagsimula ka ng mainggat sa iyong mga kaibigan na hanggang ngayon ay nakakasuot pa rin two piece bikini.
Nang hindi ko na natimpi pa ang iyong pagbabgo at pagiging-concious sa iyong katawan ay kinausap kita. Sinabihan kitang hindi mo kailangan gawin ang lahat ng mga iyon, na mas mabuting ipagpaliban muna ang gawaing iyon dahil sa pagbubuntis mo. Nakita ko ang kalungkutan sa iyong mata pagkatapos ng aking mga payo. Ang iyong tugon ay baka hindi na kita mahalin pa dahil sa pagbago ng iyong katawan. Binanggit mo na baka isang araw ay magising ka na lang na iba na ang magugustuhan ko. Na baka mapagtanto ko na lamang na isang araw hindi na ikaw ang balak kong mahalin dahil sa pagbago ng hugis ng iyong katawan. Sinabi mong para ka ng lobong naglalakad na iilang pang mga buwan ay may maibibigat pa sa timbang mo ngayon.
Muntikan na akong mapatawa doon ngunit pinigil ko na lamang dahil mukhang seryoso ka sa iyong nararamdaman. Nakalimutan kong nagiging emosyonal pala ang mga babae kapag nagbubuntis. Kahit noon pang nireregla ka lamang ay kung ano-ano na lamang ang iyon pinag-iisip, paano na lamang kaya kung ikaw na ay nag buntis? Siguro ay mas malala pa. Kung noon ay kinaiingitan mo lamang ay ang paglalaro ko ng basketball, baka ngayon ay mas malala pa doon. Ngunit alam mo namang hindi ko magagawa sa iyo iyon, hindi ba? Ikaw ang mahal ko at hindi na iyon magbabago pa. Alam ko na iyon simula pa noong una kitang masilayan noong kolehiyo.
Hinimas ko ang iyong pisngi at tinignan kita ng deretso sa mata. Ipinangako ko sa iyong kahit anumang magbago sa iyo, tatanggapin ko dahil mahal kita, Lucy. Pinaghirapan kong mapasagot kita noon at sa tingin mo ang pabigat lang ng timbang ay susukuan kita? Hindi ko magagawa sa iyo iyon. Asawa mo ako, Lucy at magkakaanak na tayo. At mas mamahalin pa kita, iyon ang tatandaan mo. Mahal na mahal kita at mas mamahalin pa kita sa paparating na hinaharap kasama ang ating magiging anak.
-N. Roman
-----
PATULOY na pinaikot-ikot ni Nadia ang ballpen na hawak sa kanyang mga daliri. Imbes na atupagin niya ang paglista sa bagong ingredients na nagawa niyang choco-ube pandesal ay mas pinagbigyan niya ng pansin ang pagbasa ang aklat-sulatan.
Ilang minuto pa lamang ay biglang nag-ingay ang kaniyang cellphone at kahit hindi niya ito tignan ay tiyak niyang ang sekretarya niya ito. Kahapon pa siya nito kinukulit sa panibagong recipe.
Pinulot niya ang cellphone at sinagot ang tawag. "Nadia Salazar-Roma—" Tumikhim siya ng maalalang hindi na siya karapat dapat pa sa apilyedo na iyon. "Nadia Salazar of Salazar de cafe speaking, how may I assist you?"
"Salazar..." ani ng pamilyar na boses ng lakaking sa kabilang linya.
Isang tao lamang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon; ang asawa. Hindi siya nakaimik ng sandali at hinintay na magsalita ulit ang asawa sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
Chick-LitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...