"1989?" nagtatakang tanong ni Nadia sa sarili.
She was born in 1991. The journal was thrity plus years old. At ang asawa ay nasa edad lamang na treinta. Dalawa taon lamang ang agwat nilang dalawa. Hindi maaring iba ang nagmamay-ari ng aklat-sulatan na kaniyang mga nabasa.
Ikiniling-kiling niya ang ulo at inisip ang mga posibilidad. "Hindi ba kaya't namali lang ang taon ng pagkasulat?"
Kung iisipin ay napakaimposible namang sa taong 1989 nga iyon isinulat. Bagaman imposible nga ba? O siya lamang ang nag-iisip ng ganoon? Maari nga bang mas matanda pa sa kaniya ang aklat-sulatan.
Base sa mga nabasa niya ay tiyak niyang ang nagsulat nito ay si Roman. Walang iba kundi si Nathaniel Roman na asawa niya. Ang sulat kamay naman ay pasado. Kung ibabase niya sa mga sulat ng asawa ay magkatulad lamang ang pagkasulat ng mga ito. Natitiyak niya iyon. Kilala niya ang asawa. Bawat kampay ng letra ay alam niya kung paano ito sumulat ng mga kataga. Bagaman maari rin namang maging katulad lamang ang sulat-kamay, hindi ba? A penmanship can be learn. Kung ang pirma nga ay nagagaya, paano na lang kaya ang sulat-kamay?
Naningkit ang mga mata ni Nadia saka sumipat sa aklat-sulatan. Hindi nga ba talaga ito pagmamay-ari ng asawa?
Siguro nga ay ilagay niya ngang nagloko ang asawa sa pagitan ng relasyon nila noong kolehiyo. Kung hindi sa asawa ang aklat-sulatan... ay kanino naman iyon?
-----
January 07, 1989
Ang pinakahihintay na araw ni Nathaniel, ang araw ng kapanganakan ng anak at ang araw kung kailan namatay ang asawa. Galing sa trabaho, pagod at namumugto ang mata dahil sa puyat, sabik na sabik na umuwi si Nathaniel pauwi upang humabol sa selebrasyon. Imbes na umuwi ito ng diretso upang bumati na lamang sa anak ay naisipan na muna nitong bilhan ng laruan ang anak bilang regalo sa kaarawan. Kapagkuwa'y bago tumuntong sa oras ng alas-otso ng gabi ay dali-daling umuwi si Nathaniel sa bahay sa takbo ng mabilis pa sa nakaugaliang nitong takbo sa sasakyan. Kahit na ang biglaang pagbagsak ng malakas na ulan ay hindi nakapigil kay Nathaniel upang makita ang anak sa pinaka-importanteng araw.
Ngunit isang pangyayari ang umapula sa pinakamagandang araw para sa nawiling binata. Isang pangyayari na wala ng nagawa pa ang mga kamag-anak nito kundi magluksa na lamang sa nangyari nang marinig ang malungkot na balita. Nahagip raw ang sasakyan nito sa humahagibis na malaking trak na nawalan ng preno. Bago pa man ito naaksyonan ng mga taong naroroon ay namatay ito sa kalye na hawak-hawak ang regalo para sa anak—
-----
HINDI na naituloy ni Nadia ang pagbasa sa aklat-sulatan at patuloy na tumulo ang mga butil sa kaniyang mata. Nanginginig ang kamay na natuptop niya ang labi, tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nabasa.
"Oh my g-god..." Pakiramdam niya ay nanikip ang dibdib niya sa natuklasan at anumang oras ay puputok na iyon. "Nathaniel... he died... and h-he... he was obviously not my husband..."
Huminga muna siya ng napakalalim ng ilang beses bago bumalik ang kaniyang katinuan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nababasa niya ngayon. Ang aklat sulatan na hawak ay hindi kay Roman. Hindi ito pagmamay-ari ng asawa... At isa lamang ang sa tingin niya ang patutunguhan ng aklat-sulatan.
"If Nathaniel died in this journal, then this journal... was from Lucian... and Lucian was... h-he was... he was my..."
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...