Breve de Salazar
2/4 Steamed Milk Half and Half
1/4 Espresso-----
February 07
Dear Lucy,Palagi kong pinapaalala kung gaano kita kamahal at ikaw rin sa akin. Kahit nasa trabaho tayong dalawa ay hindi natin nalilimutang na magpadala ng mensahe na nilalaman ay: Mahal Kita. Para pa rin tayong teenager na kakapasok lang sa relasyon. Masisi ba tayo ng iba? We were so into each other. And that's all I could ever ask.
Tatlong buwan naman ang honeymoon natin pero bakit parang dalawang araw lang para sa akin?
Sa loob ng araw na kasama kita sa pagitan na iyon ay hindi ako kailanman tumingin sa orasan. Alam mo ba kung bakit? Kasi ikaw ang gabay ko. Ikaw ang oras ko. Sa dami-dami ng magagandang tanawin sa Switzerland ay ikaw pa rin ang nakakuha ng atensyon ko. Ano na nga ba itong tawag sa akin? Baliw na baliw sayo ay marahil. But can you blame me though? Kahit pa iharap nila ako sa pinakamagandang babae sa mundo, ikaw na ikaw ang mas pipiliin kong titigan. Bakit ang tanong ng karamihan? Simple. Ikaw ay ikaw. It was you captured my heart, Lucy. It was your name that my heart was always screaming. For my eyes, it was you who is the fairest.
At kung sakaling magkaanak tayo ay gusto ko ay maging kamukha mo. Yung kasing ganda mo. Yung kasing giliw mo bilang tao. With those curly brown hair that was swaying on your hips, those sweet smile that can tamed a lion, I got charmed. Way too charmed in fact. Sino ba namang hindi gugustuhing maging kamukha ka ng magiging anak natin? Pakiramdam ko ay nasungkit ko ang pinakamatamis ng mansanas sa puno ng puno ng mangga. Isang buwan na ang nakalipas pero parang kahapon lang nang maikasala ka sa akin.
Sabi nga ng iba, you're too perfect for me. They are right. Hindi ko iyon ikakaila. You were too perfect. Kaya minsan ay hindi ko maiwasan magtanong sayo na bakit ako ang napili mo sa nirami-raming lalaki sa mundo. Nang sinabi mong ako ang nakitaan mong makasama sa hinaharap ay sobra ang tuwa ko. Palagi mo naman iyon pinapaalala sa akin pero sa tuwing inuulit mo ay hindi ko maiwasang magalak. Hindi na rin ako masisi ng iba. Asawa na kita pero hanggang ngayon crush na crush pa rin kita. Patay na patay pa nga.
Everytime I look at you felt like a worth while. Ang mga pinagsaluhan natin sa itaas ng kama ay pakiramdam ko'y tumatak na sa aking memorya. It was our first time and you were worth the wait after five years. The way our heart beats in chorus, how our body respond to each other, and even the smallest detail that we shared, I knew that time that we were made for each other.
Kaya naman minsan ay natatakot akong matulog, iniisip na baka pangainip lang ang lahat ng ito. Na panaginip lang na minahal mo rin ako.Baduy ba? Tunong pocketbooks ba? Ah, ewan, basta... hindi ko rin alam kung bakit marami akong pinag-iisip tuwing gabi pero isa lang ang alam kong sigurado ako: Mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.
- N. Roman
------
"NOW I know why..." mapaklang sambit ni Nadia, pigil-pigil ang luha. "Now I know why Roman didn't like the thought of having Switzerland as their honeymoon destination..."
"Japan?" magiliw na suhestiyon ni Nadia habang ang kaniyang mata'y nakatuon pa rin sa mapa.
Nang hindi sumagot ang fiancé ay tumingin siya sa gawi nito. Abala pa rin ito sa ginuguhit na mga blueprint. Suot nito ang eyeglass na lalo lamang nagpaguwapo sa binata. Sometimes, Roman looks like Enzo Pineda in someway. Especially when he wear the accessory and the serious look. Marami-rami na rin ang nakapansin doon. He just look incredibly handsome with the glasses on that sometimes—No, not sometimes. Often is the word. Others often mistook him as the actor.
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...