SIMULA pa lamang ng recommendation meeting ay pasipat-sipat na si Nadia sa aklat-sulatan na bitbit papunta sa trabaho. Abala sa pag-uulat ang naatasan sa pagrekomenda ng produkto ngunit sa iba nakatuon ang kaniyang atensyon kundi sa sunod na nilalaman ng aklat-sulatan. Iisipin niya pa lamang na maganda na ang mangyayari sa susunod na pahina ay hindi niya mapigilang matuwa. Roman finally took himself back. At hindi masusukat ang kasiyahan niya ng matuklasan iyon.
Noong una ay hindi siya makapaghintay upang maikuwento sa kaibigang si Jonatan ang natuklsan ngunit nang malaman niyang hindi ito makadadalo sa meeting ay ganoon rin nawala ang kanyang pagkagalak.
Kung tama nga ang kaniyang hinala, sana naman ay hindi nga ito umiiwas sa kaniya. Iyon ang ginawa nito noong una itong nabigo sa pag-amin, kaya naman hindi niya mapigilan ang mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano. Hangarin niya mang gustuhin ang kaibigan ay hindi niya magagawa. Ang mismong puso na ang nagsabi sa kaniya na ang asawa pa rin ang nasa puso.
"Ma'am Salazar?" pagtawag sa kaniya ng sekretaryang si Mary na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. "I've been calling you for five times, ma'am? Are you okay?"
Napakurap-kurap si Nadia sa harap ng mga kasamahan. "W-what? What is it?"
Pilit na ngumiti ang sekretarya na si Mary sa mga stakeholders ng franchises pagkatapos ay tumayo sa kaniyang tabi. "Uhm, hindi ba po, ma'am, agree po kayo sa chocolate cake and strawberry tea for August's Cafe de Salazar's menu combo?"
"H-huh?" walang kamuwang-muwang na untag niya sa sekretarya."W-wala ako sinabing agree—"
Pabiglang hinila ni Mary ang aklat-sulatan na hawak at nagulat na lamang siya nang mawala na ito sa kaniyang kamay. "Diba, ma'am? Agree kayo?"
Pinanlakihan siya ng mata ni Mary at inihudyat ang pinto senyas bilang pagsabi na sumang-ayon na lamang para matapos na ang pagtitipon.
Pilit na ngumiti si Nadia sa kasamahan at tumango na lamang gaya ng nais ng sekretarya. "Oo! Yes, tama si Mary. Sige, iyon na ang special menu ngayong Agosto. Meeting, dismissed."
Nang matapos ang pagpapasalamatan ay agad na siniko siya ng bahagya ng sekretarya.
"Nako. Muntikan na tayo doon, Ma'am Nadia. Tulala ka kasi buong meeting," Inilahad ni Mary ang kaniyang kuwaderno, ang pinagsusulatan niya ng importante pinagusapan sa mga pagtitipon. "Hayan, hindi mo man lang napansin, ma'am, na kinuha ko na galing sa kamay mo ang notebook at ako na mismo ang nagsulat,"
Napabuntong-hininga na lamang siya at nginitian ng pagak ang sekretarya senyas bilang pagpaumanhin. Kahit siya mismo ay hindi rin napansin na natapos na pala ang pagpupulong sa buwan ng Agosto.
"Ayos lang iyon, ma'am. Wala namang pong nagkaproblema sa franchise. Except na lang po doon sa nagreklamo kasi hindi daw gaano kainit ang kape na na-serve," Sandaling nag-isip ang sekretarya. "Sinabi po daw kasi na nasorahan sila sa Aircon noong araw na iyon dahil mainit po ang panahon. Nasolusyunan na naman po ng Manager agad. Iyon lang naman po ang naging problema. Lahat na po ng tinalakay sa meeting, nandiyan na po, from sales, revenues at iba pa."
Pakundangang napatingin na lamang si Nadia sa sekretarya. Hindi niya na napigilan ang pagyakap dito ng mahigpit.
"Thank you so much, Mary. What am I going to do without you?"
"Nako, ayos lang 'yon, Ma'am. Pero yung totoo may problema po ba kayo? Should I announce your maternity leave to the company?"
Napaisip muna si Nadia ng saglit. "Uhmm, actually... yes, Mary. May pinagdadaanan ako ngayon pero kinakaya ko naman. And... yeah, you're right. Mukhang kailangan ko muna ng paghinga sa trabaho sa ngayon. The maternity announcement, can you handle that for me, please?"
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...