Caffee Strawberry de Salazar
1/5 Espresso
1/5 Steamed Milk
3/5 Strawberry Ice Cream-----
August 07
Dear Lucy,I can't stop staring at you, Lucy. Bago gumising sa umaga ay ganoon ang ginagawa ko. Sa gabi naman bago ako matulog ay hindi ko maalis ang mata ko sa iyo bago matulog. Ako lang ba talaga o mas lalo ka lamang gumaganda sa paningin ko? Siguro nga ay mas nahuhumaling na ako sa iyo, Lucy. You were the most beautiful pregnant woman in my eyes. Nobody can change my mind about it. And the fact that it's ours made you even more endearing.
Nagsisimula ng mas lumaki ang impis ng iyong tiyan. I would catch you smiling. Caught you holding your laugh. I can see how delighted you are while holding your baby bump. The twinkle of your eyes says it all whenever you looked at me. Nakakataba lang ng puso na imbes na inaabot mo dapat ang pangarap mo ay iba ang ginagawa sa ngayon. I knew how much you love your job, Lucy. Kaya naman hindi ko napigilan ang manghingi ng tawad sa iyo sa tuwing naalala ko ang bagay na iyon.
Kung pakundangan akong humanga sa pagpapaubaya mo ay mas lalo lamang akong naapektuhan nang tinignan mo ako sa mata ng deretso at sinabi mong, "May iba na akong gustong gawin ngayon at iyon ay ito, kasama ka, Nathaniel." Nakita ko kung paano mo himasin ang iyong tiyan sa sobrang pag-aalaga na paraan pagkatapos ng napakasamyo ng katagang iyong binuntong. Tinitigan kita sa mata at napangiti ako. Kahit noon pa man, noong nililigawan pa lamang kita, alam kong magiging mabuti kang ina. At hindi na ako makapaghintay na masilayan iyon.
Sabi ng mama kapag daw mas nagiging maganda ang babae kapag buntis ay tiyak na babae raw ang kasarian. Natuwa ako sa isiping iyon. Paano na lamang kung babae nga talaga? Siguro ay ako na ang magiging pinakamapalad na tatay at pinakasuwerteng lalaki sa mundo bilang asawa mo. At sa tuwing iisipin kong may maliit na supling na tumatakbo sa bahay sa mga susunod na buwan ay hindi ko mapigilang mapangiti. I'm gonna be a dad and that's for six months.
Inaamin ko, hindi pa rin tayo tapos sa pagbabangayan kung ano ang kasarian. Gusto ko pa rin ng babae habang lalaki pa rin naman ang gusto mo. Masisi ko ba ang sarili ko kung gusto kong maging katulad mo ang magiging anak natin sa hinaharap? You were beyond perfect for me. And I thank God every day for giving you to me for forever. I love you, Lucy. Mahal na mahal kita.
- N. Roman
-----
UNTI-UNTING naningkit ang mata ni Nadia, pinigilan ang sarili huwag masiyadong maapektuhan sa kanyang mga natuklasan. "Ganito rin ba ang mararamdaman mo kung sasabihin ko sa 'yo babaeng man kung sakali ang kasarian ng ating magiging anak, Roman?"
Sa kabila nang mga luhang patuloy na kumuwala sa mga mata ay ibinaling ang mga mata sa susunod na pahina, ang buwan ng Setyembre.
-----
September 07
Dear Lucy,You were four months pregnant and your morning sickness got worsen. Galing sa pakaunti-kaunting sakit sa ulo ay mas lumala sa pagsunod-sunod na pagsusuka. Kaya naman hindi mo na nakatiis at humingi na maagang martinity leave. Kung puwede nga na ako na lamang ang magbuntis ay hindi na ako magpapatumpik pa. Ako ang sasalo sa lahat ng iyong paghihirap, Lucy. Sumusikip ang puso ko sa tuwing nakikita kitang nahihirapan. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing pinapalis mo ang iyong luha kada lalabas ka sa banyo at ngingiti sa akin na parang balewala lamang ang mga nangyayari. Na para bang wala kang dinadamdam na masakit. I'm so sorry.
Ganoon ba talaga dapat kapag mag buntis? Ganoon ba talaga kalalala ang hatid niyon sa isang babae kapag may dinadalang supling sa sinapupunan? Noon ay nababasa ko naman ang pagdudusa ng babae sa pagbubuntis sa mga article at newspaper ay hindi naman ako nadismaya ng ganito, pero ngayong nakikita ko kung paano mo indahin ang sakit ay hindi ko mapigilang mapaluha at humingi ng tawad, Lucy. Patawad dahil kailangan mong magtiis ng ganito para sa anak natin.
Woman are really fragile. Alam ko na iyon kahit noon pa. Dahil lagi iyong pinapaalala sa akin ng mama. Kaya naman hindi ko mapigilang magalit sa mga taong nasisikmura ang saktan ang isang babae. Hindi ko mawari kung bakit kailangang magloko ng ibang lalaki para lamang rin sa ibang babae. Simula pa lang ng pagbubuntis ay nasa babae na ang hirap. Simula pa lang ng pagrerelasyon ay nasa na babae na ang pag-aalala. Batid kong iba kung paano magmahal ang babae at lalaki ngunit hindi naman kailangan saktan ang isang babae. Because that was the purpose of men, to take care of women and vice versa. Just like how I take good care of my Lucy and my dear wife to me. I was beyond contented in your arms, Lucy. At hindi na ako maghahangad pa ng iba.
Lahat ng babae ay dapat iniingatan at pinapahalagahan. At pinapangako ko, alam iyon ng Diyos, na hinding-hindi kita sasaktan. Hinding-hindi ko magagawa iyon sa iyo. Mahal na mahal kita, Lucy. Mahal na mahal.
- N. Roman
-----
Hindi napigilan ni Nadia na mapahanga sa kaniyang mag nabasa sa ika-siyam na pahina. The audacity of his promise to Lucy contradicts how he treated her after the baby announcement. Masiyado nitong pinapahalata na hindi nga siya minahal nito gaya ng pagmamahal nito kay Lucy.
Ngunit kung iisipin niya naman ng masinsinan ay mukhang naging ganoon din naman ito kay Lucy. Magkasintahan na sila noong nangliligaw ito kay Lucy pero unti-unti na silang nagkakalabuan noon. Pagkatapos nila sa kolehiyo ay tuluyan na silang naghiwalay ni Roman at napagdesisyunang na mas mabuting hindi na magkita pa. After that, Lucy obviously appeared on the picture. Habang nakakahulugan ang dalawa, siya naman ay nasasaktan sa paghiwalay nila ni Roman at umiiyak gabi-gabi, iniisip kung bakit hindi nito pinaglaban ang relasyon nila gaya ng inaakala niya.
Kung noong una ay misteryo iyon para sa kaniya, ngayon ay alam niya na ang dahilan niyon. Roman started cheating on her with Lucy. Lucy on the other hand didn't have the idea about it. Para bang naghihintay na lamang itong siya na mismo ang makipaghiwalay sa binata at nang ginawa niya na nga ay dumiretso ito sa piling ni Lucy. Masiyadong magaling maglihim ang naging asawa na si Roman at kailanman hindi niya inakala ganoon ito katinde maglihim.
"Very very lovely..." ani Nadia sa napakawalang ganang boses matapos mapaismid.
Kung susukatin niya ay mabilis lamang nakahulugan ng loob ang dalawa at nauwi agad iyon sa kasalan. Ngayon lamang luminaw sa kaniya ang tungkol doon. Sa parte niya ay para bang napakalaking dagok iyon sa kaniya bilang dating kasintahan ni Roman. Hindi man lang nito pinaabot na kahit tatlong buwan bago nito pakasalan si Lucy.
"Roman was a cheater and Lucy was a fool... like me." pagpapatuloy niya.
Sa hindi alam na kadahilanan ay bigla siyang nakaramdam ng matinding poot at pagkamuhi kay Roman at sa naging asawa nitong si Lucy.
Malamig ang ekspresyon na isinarado ni Nadia ang aklat-sulatan kalaunan matapos ang mahabang katahimikan. Kung noong una ay napapaiyak siya sa kaniyang mga nababasa, ngayon ay mas nasusupil niya na ang kaniyang mga luha.
Unti-unti naningkit ang kaniyang mga mata. Ang tangi niya na lamang dapat alamin ay kung bakit nagkahiwalay ang dalawa at anong nangyari sa dinadalang anak ni Lucy na pinakamamahal ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
ChickLitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...