Chapter 12

462 26 0
                                    

Cafe Au Lait de Salazar
1/2 Steamed Milk
1/2 Coffee

-----

PATULOY pa rin sa pag-iisip si Nadia sa mga posibilidad na nangyari. The child must be four years old right now. Hindi niya na lamang pa inisip ang posibleng naging pangalan nito. Kung iisipin niya naman ang kinaroroonan nito ay hindi niya rin tiyak. Maaring nasa ina lamang ito ng pamilya ni Lucy o sa mga kapamilya ni Roman.

Hindi niya naman puwedeng magtanong na lamang sa nakilala niyang pamilya ni Roman tungkol sa nakaraan nito. At iyon rin ang isa sa rason kung bakit mahina ang posibilidad na nasa puder ito ng magulang. Ang kilala niya lamang sa pamilya ng asawa ay ang tiyuhin lamang ni Roman. Naalala niya pa noong unang beses na nagtanong siya kay Roman tungkol sa totoong magulang ay isa lamang ang naging sagot nito.

"They are far away." bulong ni Nadia kasabay ng pag-aalala niya sa misteryong memorya. "How the hell am I supposed to know exactly how far they were? Far away ba iyon na ibang bansa o far away lamang sa tinitirhan namin?"

Frustrated na napasabunot si Nadia sa buhok gamit ang dalawang kamay at ipinatong ang ulo sa mesa ng opisina. She never knew that a simple answer can make her baffled like ocean deep. Ngayon niya lamang napagtantong pinakasalan niya ang isang tao hindi lamang misteryoso kundi marami ring pinagdaanan sa buhay.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Daig niya pa ang isang detective na lutasin ang walang malakas na patunay.

"Nadi? Are you okay?"

Nang marinig niya ang pamilyar na boses ay mabilis na inangat niya ang ulo at tinignan ang lalaking suwabeng nakahilig sa hamba.

"Jonatan!" bati niya sa kaibigan, hindi naitago ang gulat sa boses. "You're here... of a sudden. Why?"

Inismiran siya ng kaibigan bago ito humakbang papasok. "I told you I will visit."

Awtomatik na naningkit ang kaniyang mga mata sa pamimilosopo nito. "Yes, I know, but I didn't expect it to be this soon, Jo."

"You know that I always prioritize you, Nadi, even before we're in college," Umupo ito sa visitor's chair at hinirap siya ng masinsinan. "Now, I'm ready to listen."

Pinigilan niyang pumalatak sa inakto ng kaibigan. "Jo... I—"

"Ready to share or not, I will listen. Hindi tayo uuwi hanggang hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo." pagmamatigas nito.

Pinaningkitan niya lamang ito ng mga mata.

"I'm serious so don't squit your eyes on me."

"But it's almost six pm, Jo. We need to have at least... dinner. I'm really famished." pagpapapalusot niya at nginiwian ito. "Alam mo na, dalawa na ang kaming kumakain."

"Famish?" Jonatan snapped his finger in front of her and smiled. "I got that cover! I order your favorite foods that will probably arrive..." Tinignan nito ang relong pambising. "Right..."

Napalingon si Nadia sa pinto nang pumasok ang sekretaryang si Mary habang dala-dala ang dalawang plastic na pagkain. Base sa tatak niyon ay Pepper Lunch Take Out iyon, ang paborito niyang puntahan at kainan kapag nagugutom.

"Right now!" pagmamayabang na pagpapatuloy sa kaibigan saka pabirong kumindat sa kaniya. "I miscounted the time. My order arrived earlier than the last time. Naunahan nila ako ngayon kaya mabibigyan ko sila ng five star rating."

Napatirik na lamang ang mata ni Nadia sa kayabangan nito. "Whatever, you time freak! I have no choice but to have it your way, do I?"

Naningkit pa ang mga matang nitong singkit na. "Yes, you won't. Buti naman pala alam mo."

Nathaniel's Journal: Roman's OriginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon