Flat White de Salazar
2/3 Steamed Milk
1/3 Espresso-----
April 07
Dear Lucy,Binuksan mo ang diskusyon tungkol sa pag-aanak. Sandali akong natigilan. Sa loob-loob ko ay masiyadong pang maaga. Hindi naman sa isa akong takot na asawa upang bigyan ka na ng anak kundi sa iniisip ko ang kahihinatnan mo pag nagbuntis.
Alalang-alala ko pa noon. Sobrang sakit daw ang pagbubuntis sabi ng mama. Yung tipong mas masakit pa daw sa isang taong literal na naatake sa puso. I would want to have a child, too. God knows it. But I wouldn't want to see you hurting; to see you in affliction about giving birth or even just bearing a child. Ayoko ang nasasaktan ka, alam mo iyon. Masiyado kitang mahal kaya naman mahihinuha kitang masasaktan ay nabibiyak na ang puso ko. Kahinaan ko iyon, Lucy. Kahinaan ko ang nasasaktan ka.
Dalawang linggo mo akong kinulit dahil doon. Pero buo pa rin ang desisyon ko. Masiyado pang maaga. Ayokong ipagkait sa iyo ang bubay ng wala pang inaalagaan. Wala pang inaarugang bata. Dahil alam ko, hindi rin magiging madali para sa iyo iyon; para sa atin.
You were just twenty-six and I was twent-eight. Para sa akin ay hindi pa tayo masiyadong may kaya para magka-anak ng maaga. Marami pa tayong plano at mga pangarap na kailangan sundin. Na kailangan tuparin. Katulad ng pagbili ng bagong bahay na ikaw na mismo ang mag de-decorate. Naghihintay pa rin akong tumaas ang posisyon ko sa pinagtratrabuhan kong architect firm. Marami pa tayong plano katulad ng pagbakasyon sa Canada at kung saan mong gusto puntahan sa hinaharap. At ang pag-aanak ay maaring makasupil sa pangarap mo na iyon.
You know that I lived for your dreams, Lucy. Pinagarap mong maging isang kilalang interior decorator sa buong mundo. Magkaroon ng sarili mong subdivision na ikaw lahat ang nagdisenyo. At sa tingin ko'y kaya mo naman iyon. Kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo bilang isang propesyonal na tig-disenyo. Simple lamang ang pangarap ko sa buhay. Ang makasal sa iyo, bigyan ka ng magandang buhay at isa na doon ay pagkamit mo sa iyong mga pangarap.
Kaya masiyado pang maaga, ang masasabi ko. Nakakabakla mang pakinggan na mas determinado ka pang magkaanak kaysa sa akin pero iniisip ko lang ang kapakanan mo, Lucy. Iniisip ko lang ang magiging buhay mo kapag nagkaanak tayo ng maaga.
Ipinaliwanag ko sa iyo at nagpasalamat ako sa Diyos dahil naunawaan mo naman. Pero hindi ko kailaman ikakakaila ang lungkot na bumahid sa iyong mukha ng gabing iyon. You were so into kids. I knew because of how much you loved your little neices and nephews. Sa tuwing bibisita tayo ay nakikita ko ang kislap sa iyong mga mata. Paumanhin pero hindi ko talaga kayang supilin ang mga pangarap mo para lamang sa anak na hindi pa natin, sa tingin ko, ay maalagaan. Pero ito ang tatandaan mo, hindi man kita pinagbigyan sa iyong gusto ngunit mahal na mahal pa rin kita, Lucy. Mahal na mahal.
- N. Roman
-----
BILANG isang kapwa babae ay hindi naiwasan ni Nadia na malungkot para kay Licy. Parang kahit papaano ay nararamdaman niya ang pakiramdam ni nito. Ayaw rin ni Roman na magkaanak noon kay Lucy pero may maganda naman itong rason. Pero paanong pagdating sa kanya ay hindi nito sinabi ang dahilan?
Paanong kapag binubuksan niya ang tungkol sa pag-aanak at mga bata ay palagi nitong binabara? Siguro nga ay hindi siya ganoon na minahal ni Roman gaya ng pagmamahal nito kay Lucy.
BINABASA MO ANG
Nathaniel's Journal: Roman's Origin
Chick-LitThe appearance of the mysterious journal tests the love and loyalty of a coffee franchise owner and an architect's marriage that later set the result to an everlasting outcome. ** After four years of being married to a man who despise children, pop...