Cielo

819 12 0
                                    

Chapter 7

Matapos painumin ni Cielo ng vitamins si Celine ay inalalayan nya itong magpunta sa kwarto sa taas para makapagpahinga na. Nang maihatid na ang Mama nya sa kwarto ay bumaba muli si Cielo saka nanood ng tv sa sala. Maganda ang palabas at teleserye ito patungkol sa babae na hinahanap ang ama.

"Ano kayang pangalan ng Tatay ko." Bulong niya sa sarili.

Nawala na sa palabas ang focus nya't nauwi sa kung ano ang pangalan ng totoo nyang ama. Hanggang ngayon iniisip nya kung ano ang ikinamatay dahil sabi ni Celine sa kanya ay patay na ang ama nya.

"10 years na mahigit syang patay? Ganun kaya yun?"

Napapaisip parin sya kung namatay ba ang ama noong pinagbubuntis na sya ng kanyang ina o kung anu-ano pa ang pumapasok sa isip ni Cielo...

*

12:13am

Hindi makatulog si Cielo kakaisip kung ano ang pangalan ng kanyang ama. Kahit sa pangalan lang sana ay malaman nya para maipagdasal. Sa kabilang kwarto naman gising pa si Celine na nag-iisip din kung ano ang gagawin sa kinabukasan. Kapwa hindi makatulog ang mag-ina kakaisip sa kanya kanya nilang mga problema...

****

Sa Mansion ng mga Star...

Nagkakasiyahan ang mga tao dahil sa Birthday ni Ethan. 31 na sya ngayon at excited na sa magiging gabi nila ng nobyang si Elisse. Nangako kase ang babae sa kanya na magiging wild ang gabing ito dahil birthday nya.

"I can't wait. Excited na ko babe..." Bulong ni Ethan sa girlfriend nya.

"Oh sure. Akong bahala sayo mamaya." Pang-aakit naman ng babae.

Nasa kabilang table naman sila Editha at Nathaniel na mukhang hindi okay. May pinagtatalunan silang dalawa na ayaw nilang malaman ni Ethan.

"Kasalanan mo kaya nangyari kay Celine yun. Kung nakuntento ka lang sana edi hindi nagkaganon diba?" Gigil na sabi ni Editha.

"Ako pa yung sisisihin mo? Kasalanan ko ba talaga o sadyang malisyosa ka lang. Tyaka alam mo sa sarili mo na wala kaming kahit na anong relasyon ni Celine. Ikaw yung nagsimula hindi ako. Sino ba yung unang nanla-lalaki dito? Tsk! Dapat pala hindi na ko nakipagbalikan pa sayo. Kung hindi nakiusap saken si Celine dati edi sana kinasal na kame ni Anne." Sarkastikong sabi ni Nathaniel.

Nainis si Editha kaya kumuha sya ng basong may lamang alak at binuhos ito kay Nathaniel. Dito na nagsimula ang gulo dahil sa ginawa ni Editha. Inaakmaan syang susuntukin ni Nathaniel kaya umilag sya't nagpaawa sa anak na si Ethan kunwari ay natatakot sya sa asawa. Agad namang lumapit si Ethan at pumagitna sa dalawa.

"Dad! What's going on?!" Sigaw ni Ethan sa ama.

"Pagsabihan mo yang Nanay mong kala mong biktima! Pa inosente kahit na sya tong lalakero ha! Nananahimik ako bigla nyang binabanggit si Celine na nananahimik na!" Sigaw naman ni Nathaniel.

Napalunok si Ethan nang maalala muli ang babaeng sinaktan nya ng sobra. Agad nyang nilingon ang ina saka kinumpronta sa harap ng maraming tao.

"Ma, hindi kapa ba kuntento sa pinaggagagawa mo kay Celine? Nananahimik na sya! So please! Tamana! It's my birthday today pero anong ginagawa mo?!" Hiyaw ni Ethan na tila maluluha pa.

Matapang namang tumayo si Editha at nagtaray sa anak. Sinigawan din nya itong hindi sya titigil hangga't hindi nagsisisi ang ama sa pambababaeng ginawa habang nagsasama sila sa bahay. Agad namang sumigaw si Nathaniel at sinabing sabihin ni Editha sa sarili ang sinabi nya dahil ito pala ang nagsimulang magloko sa kanilang mag-asawa. Mula harap at likod naririnig ni Ethan ang sigawan ng Mommy at Daddy nya sa araw pa mismo ng birthday nya. Narindi sya kaya....

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon