Unconscious Celine

675 9 0
                                    

Chapter 12

Ethan*
POV

Pagkagising ko narinig kong may nagtatawanan sa sala kaya agad akong lumabas ng kwarto at nakinig. Mukhang sila Mommy at Elisse yun. Pinag-uusapan nila ngayon si Celine. Kinukwento ni Mommy na pinahirapan ko si Celine dahil sa mga sinusumbong nya saken na hindi naman pala sya sigurado na si Celine ang naging kabit dati ni Daddy. Kumukulo tuloy ang dugo ko kase parang masaya pa si Mommy na nakasira kame ng buhay kaya agad akong bumaba.

"Mom! What the hell is wrong with you! Bakit hinahalungkat mo pa yang pass ko!" Sigaw ko.

Agad na tumayo si Mommy sa kinauupuan nya. Nakangiti pa sya kaya mas lalo nag init ang dugo ko.

"Why? What's the matter anak? I'm just telling Elisse kung paano naten pinagtripan si Celine before. I was proud kase panigurado hanggang ngayon dala dala pa nya yung trauma na ginawa natin sa kanya. Besides, nag enjoy ka? She's virgin right?" Masayang sabi ni Mommy.

"Sumosobra kana Mom! Hindi mo dapat ika proud yung ginawa mo sa kanya!" Sigaw ko.

"Oh come on Son. Ako ba talaga yung may ginawang hindi maganda sa kanya o ikaw? Wag mong ipapasa saken yung pinaggagagawa mo sa kanya." Sabi pa nya.

Nagalit na ko at nagwala sa sobrang inis dahil hanggang ngayon pinapamukha saken ni Mommy na dapat kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyari noon kay Celine. Agad na pumasok si Daddy at sinigawan din si Mommy na nababaliw na para isisi saken na anak nya yung kabaliwan na ginawa nya noon.

"Talagang wala kanang pinipiling oras Editha! Baliw kana! Dapat sayo nag-iisa! Pati anak ko sisirain mo yung ulo sa kabaliwan mo! Ayan magsama kayo ng inaanak mo! Tuwang-tuwa pa kayong dalawa hanggang sa likod bahay naririnig ko kayo!" Sigaw ni Daddy.

Tamang sorry at paliwanag si Elisse ngayon na hindi naman nya ginustong matawa sa kwento sa kanya ni Mommy. Sinigawan ko din sya at binalaan na wag na wag ng lalapit saken dahil parehas sila ng Mommy ko na nababaliw na...

*

Nag impake ako ng gamit. Binilisan ko para makaalis na ko dito sa bahay kase ayoko na talagang makasama sa iisang bahay si Mommy. Nagsasawa na kase ako sa mga sinasabi nya patungkol kay Celine. Parang masaya pa sya sa ginawa nya. Hindi ko na kaya mag stay dito kaya dun nalang ako sa Condo na binili ni Daddy para saken.

"Don't you dare to leave this place Ethaniel!" Sigaw ni Mommy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.

Hindi ko sya kinikibo basta nag-iimpake lang ako.

"Ethan, halika na." Sabi ni Daddy.

Hinarap ni Mommy si Daddy at sinigawan na walang aalis dito sa bahay. Hindi din sya kinibo ni Daddy basta inaaya lang ako. Agad naman akong sumama kay Daddy kaya wala ng nagawa si Mommy kundi magwala at umiyak...

**

Habang nasa byahe kame ni Daddy naluluha ako kakaisip kay Celine. Halos araw-araw bumabalik ako sa nakaraan kung paano ko sya saktan at gahasain.

"Tamana, ang importante nakaalis na tayo sa Mommy mo. Sa kanya na yung Mansion. Dun ka sa condo. Ako naman dun ako sa rest house naten. Umuwi ka nalang dun pag gusto mo okay?" Mahinahon na sabi ni Daddy.

Tumangu-tango ako at nagpasalamat dahil hindi sya kagaya ni Mommy na baliw.

"Matagal ko na dapat iniwan ang Mommy mo. Kung hindi lang nakiusap saken noon si Celine edi sana okay na kame ni Ann ngayon tyaka malaya kang gawin lahat ng gusto mo na walang nagbabantay sayo. Sobrang baliw na yung Mom mo Ethan. Pinapasundan nya tayo. Pinapasundan ka nya kaya alam kong may nakaka date ka. Hindi din basta basta yung babaeng dine date mo dahil anak sya nila Tasya and Liandro Monte Lucas." Sabi ni Daddy.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon