Chapter 6
Ethan*
POVAlam kong nainis si Celine sa sinabi ko. Oo at nagpaalam nga ako sa Mama nya na isasama ko sya sa birthday party ng Mommy ko. Sinabi ko na din sa Mama nya na boyfriend nya ko. May mga naging tanong din ang Mama ni Celine kung kelan naging kame at paano ko niligawan ang anak nya. Para makumbinsi ko ang Mama nya ay gumawa ako ng kwento na nainlove ako at nagkataon namang may gusto saken si Celine kaya nanligaw ako sa loob ng isang taon hanggang sa sagutin na ko ni Celine. Dalawang taon na kako kameng magkarelasyon. Nakiusap din ako sa Mama nya na wag ng tatanungin si Celine tungkol samin ng anak nya dahil may sinabi kako saken si Celine na hindi muna sasabihin sa Mama nya ang sikretong pagkakaroon namin relasyon at wala pang nakakaalam kundi kami lang dalawa ng anak nya.
"Nagalit sya." Sabi ni Troy.
"Nagdadabog tuloy. Bakit mo naman kasi sya isasama?" Sabi naman ni Evo.
Hindi ko sila pinansin basta nalang akong tumayo at sinundan si Celine...
*
Nakita ko syang kumakain ng pancit. Lumuluha din sya habang ngumunguya. Nalulungkot ako, Oo dahil nagsasawa na ko sa pananakit ko sa babaeng alam kong inosente. Sobra tuloy akong nagsisisi sa mga ginawa ko sa kanya. Pero, kapag naiisip kong tugma ang mga sinasabi saken ni Mommy tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ni Celine sa Daddy ko ay nanggagalaiti ako sa kanya.
"Celine..." Sabi ko kaya napatingin agad sya saken.
Lumapit ako't tinabihan sya sa kinauupuan nya. Ramdam ko ang kaba at takot sa tingin at kilos nito pero mas gusto kong ganito sya para hindi nya subukan na kausapin muli ang Daddy ko.
"Bastos ka ah, bakit umalis ka agad kanina? Anong pinagmamalaki mo nyan..." Sarkastikong sabi ko...
*****
Celine*
POVNatatakot tuloy akong baka saktan ako bigla ni Ethan dito pero hindi nalang ako kumibo. Para saken mas gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko gusto ang ideya nyang isama ako sa party ng Mommy nya.
"Sabi ni Mommy isama kita. Ayaw mo non? Para matahimik na tayong lahat. Isa pa, kapag sumama ka o nagpakita ka sa party ng Mom ko edi dun mo masasabi kung wala talaga kayong relasyon ng Daddy ko..." Sabi ni Ethan.
"Dun ba yung basehan nyo Ethan? Hindi ba pwedeng dahil kaya ayaw kong sumama kase nataon na wala tayong pasok tyaka para makasama ko ang Mama ko." Mahinahon kong sagot pero inakmaan nya kong susuntukin dahil nga sumagot ako.
"Talagang ang lakas ng loob mong sumagot sagot ah..." Gigil nitong sabi.
Napailag ako't naiyak kung saan nagmakaawa ako sa kanya na wag akong sasaktan. Hindi naman tinuloy ni Ethan ang gagawing pagsuntok. Basta nalang paglingon ko e naglalakad na sya palayo saken...
*
Habang nasa klase natutulala ako. Nalulungkot ako na kabado kung bakit gusto akong isama ni Ethan sa birthday party ng Mommy nya. Iniisip ko din kung totoo bang gusto akong makita ni Ma'am Editha sa birthday nya. Baka kase magkagulo lang kung pupunta ako pero ano bang magiging desisyon ko...
*
Kinagabihan...
Dumating si Ethan sa dorm ko. May binigay syang box at yung laman daw nito ang isusuot ko sa birthday party ng Mommy nya. Nagpanggap akong masama ang pakiramdam pero wala raw syang pakialam basta sumama daw ako...
**
Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinakatakot ko. Heto at maraming tao dito sa malawak na garden. Nahihiya akong lumabas dito sa kotse pero hinila ako ni Ethan at kinaladkad papasok sa isang malaking bahay kung nasaan ang mga taong nagsasaya at nag-iinuman. Nakita ko agad si Sir Nathaniel na nakikipagkwentuhan sa mga ka-edad nyang kalalakihan. Agad namang piniga ni Ethan ang braso ko dahil nahuli nya kong nakatingin sa Daddy nya.
BINABASA MO ANG
Just a Toy
NouvellesMasayang simula na mauuwi sa Impyernong buhay. Hindi lubos akalain ni Celine na magiging laruan sya ng isang anak mayaman na si Ethan. Kahulog hulog ba ang pang-aakit ng binata? O pwersahan nyang ipapamukha kay Celine kung sino sya sa buhay ng Dalag...