Meet Her Again

642 10 0
                                    

Chapter 14

Celine*
POV

Pinagmamasdan ko si Cielo na masayang masaya habang kakuwentuhan si Ethan. Nakakatuwa silang titigan kase may pagkakahawig silang dalawa. Nalulungkot tuloy ako kase hindi ko pa pwedeng sabihin na ako si Celine at may anak kaming dalawa. Natatakot ako na baka magbalik kame sa nakaraan pero itutuloy ko parin ang paghihiganti sa Mommy nya at sa Ex nyang si Elisse pati na din sa mga nanakit saken noon kasama na mismo si Ethan...

*

11:25pm

Nagpaalam na si Ethan na kailangan na nyang umuwi sa Condo dahil maaga pa daw ang pasok nya sa Opisina. Nalungkot naman ng sobra ang anak kong si Cielo dahil aalis na ang ama nya. Napansin ni Ethan na malungkot ang anak ko kaya mahinahon nya itong kinausap at niyakap.

"Don't worry anak babalik naman ako. Magkikita at magkikita tayo okay?" Sabi ni Ethan kaya nakita ko ang saya sa mga mata ng anak ko.

Ngumiti sya't niyakap ng mahigpit si Ethan. Dito ako nanlambot dahil sa kanila. Kita ko kasing masayang masaya ang anak ko. Ngayon ko lang sya ulit nakitang sumaya ng ganito. Napapaisip tuloy ako kung paano nalang ang plano ko kay Ethan. Kay Cielo palang naiisip ko ng magagalit sya ng sobra kapag napalayo si Ethan sa kanya.

"Uuwi na po kayo? Kelan po kayo babalik?" Malungkot na sabi ng anak ko.

"Uhm, bukas pupunta ako dito okay? Mga bandang 7pm out ko yun sa work then sa Saturday mamamasyal tayo. Gusto mo ba nun?" Masayang sabi ni Ethan.

Tumalon sa tuwa ang anak ko dahil pakiramdam nya kumpleto na ang magulang nya. Para saken nasasaktan parin ako lalo't wala manlang ginawa si Ethan noon habang sinasaktan ako ng Mommy nya...

**

Umabot na ng alas tres ng madaling araw. Hindi parin ako dinadalaw ng antok kakaisip sa susunod kong hakbang para makaganti na ko sa taong nanakit saken ng sobra. Naiisip ko palang na masaya ang anak ko e gusto ko nalang patawarin sila Ethan at ang magulang nya pero kapag pumipikit na ko naaalala ko kung gaano kasaya si Editha na sinasampal at dinuduraan ako. Naluluha tuloy ako dahil dun.

*Knock knock!

Agad kong pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. Naghintay ako kung sino ba yung kumakatok na yun.

"Ma? Gising kapa po ba?" Sabi ni Cielo.

Agad akong bumangon kase ang tagal kong hinintay na kausapin ako ng anak ko. Namiss ko din syang katabi sa higaan kaya pinagbuksan ko kaagad sya ng pintuan.

"Anak, B-Bakit gising kapa?" Tanong ko.

Bakas sa reaksyon nitong maamo sya't wala na sigurong tampo na nararamdaman saken. Basta lang syang pumasok at dumiretso sa kama ko. Yakap yakap nya yung Teddy bear na binili ni Mommy Tasya para sa kanya. Hindi na ko kumibo basta isinara at ni-lock ko na tong pintuan ng kwarto.

"Tabi tayong matulog Ma. Hindi kase ko makatulog. Iniisip ko kung anong itatawag ko kay Papa Ethan." Sabi nya.

Napatingin ako bigla sa anak ko. Mukhang may ibig sabihin sya dun kaya nilapitan ko agad sya.

"Nak, p-pwede mo syang tawaging Tito." Sabi ko.

"Tito? Mama naman. Tatay ko sya tapos Tito yung gusto mong itawag ko sa kanya?" Mataray na sabi ni Cielo.

"Oo Tito k-kase hindi pa kame okay? Anak naman, please lang wag ka munang magmadali sa bagay bagay. Kailangan kong mag-ingat kase kailangan ko syang kumprontahin kung bakit pinabayaan lang nya ko dati." Naiiyak kong sabi pero mataray padin si Cielo.

Pinagpipilitan nitong bakit hindi nalang daw ako maging masaya lalo't may Mama at Papa na sya. Bakit mas inuuna ko pa daw ang paghihiganti kesa sa kanya. Isang masakit na sinabi pa ni Cielo ay sana pinalaglag ko nalang daw sya kung ganito lang ang mararanasan nya...

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon