Alam na ni Cielo?

605 9 0
                                    

Chapter 11

Alas dos ng tanghali nang magwala si Editha dahil sa nalaman nyang nakikipag date ang asawa nyang si Nathaniel sa dati nyang scholar na si Ann. Nakumpirma nya ang balita ngayon lang kaya heto at nagwawala sya sa galit.

"Talagang ang kapal ng mukha mo Nathaniel!" Sigaw niya habang nagkakape si Nathaniel sa sala ng Mansion.

Tila wala na talagang pakialam pa sa kanya ang Lalaki kaya ganito nalang ang tindi ng galit ni Editha.

"Oh bakit nagagalit ka? Diba kelan lang may ka date kang halos kaedad na ng anak mo? Isipin mo maigi Edit, 57 kana pero ang lakas pa ng loob mong manlalake kaya syempre dapat gawin ko din kung anong gusto ko diba?" Pang-aasar ni Nathaniel.

"Ggrrrrr! Gago ka Nathaniel! Kadiri ka! Ang tanda mo na pero ang landi landi mo parin!" Sigaw ni Editha.

"Coming from you? Really?" Pang-aasar nanaman ni Nathaniel.

Nagalit si Editha saka sya kumuha ng baso at ibabato sana kay Nathaniel pero hindi manlang ito natitinag sa kanya. Talagang pinapakita na ni Nathaniel na hindi sya natatakot sa babaeng pinakasalan na ngayo'y pinagsisisihan na nyang inalayan ng pagmamahal. Labis na nasasaktan si Editha dahil nawala na ang pagmamahal sa kanya si Nathaniel pero alam nya sa sarili na marami syang kasalanan kaya nagkakaganito na sa kanya ang asawa.

"Hindi ako papayag na magiging kayo ng Ann na yun! Kahit na sino pa yang makarelasyon mo babanggain ko wag ka lang mapunta sa kanila!" Sigaw ni Editha.

"Baliw." Seryosong sabi ni Nathan at humigop na sa iniinom nyang kape...

*

Umiiyak na pumunta si Editha sa pangalawang palapag ng Mansion at kinatok ng malakas ang kwarto ni Ethan.

"Ethan?! Ethan! Please Anak I need your help!" Umiiyak na sabi ni Editha.

Sa loob ng kwarto nagtakip naman ng unan sa magkabilang tenga nya si Ethan dahil alam na nya kung bakit sya ginugulo ngayon ng Mommy nya.

*Knock knock knock!

"Ethan! Wake up anak! Please I need your help!" Pag-iyak ni Editha.

Bumangon agad si Ethan at binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. Bumungad sa kanya ang Ina na lumuluha ngayon at nagsusumbong sa kanya.

"Mom, can you stop being a childish? Sobrang nakakarindi na kase. Ano nanaman bang iniiyak mo? Hindi kaba nagsasawa? Ikaw lang din mismo yung gumagawa ng ikakagalit ni Daddy sayo..." Seryosong sabi ni Ethan na tila wala ng gana pa makipag-usap sa kanyang ina.

"Ethan! Naririnig mo ba yang sarili mo ha?! Hahayaan mo bang sirain ng Ann na yun yung pamilya naten!" Sigaw ni Editha.

"Matagal ng sira yung pamilya naten simula nung niloko mo kame ni Dad..." Sabi lang ni Ethan at isinara na muli ang pintuan ng kanyang kwarto.

Naiwan na nagwawala si Editha sa labas ng kwarto ni Ethan. Tinatawag sya nito para pigilan si Ann na sirain ulit ang pamilya nila. Wala ng pakialam pa si Ethan dahil nalaman na nya ang katotohanan na naunang nagloko ang Mommy nya kaya nagkaganoon at naghanap noon ang Daddy nya. Sobrang nasasaktan sya na maalalang nasaktan nya si Celine ng sobra dahil sa naniwala sya sa mga drama ng Mommy nya sa kanya. Buong akala nya'y si Celine ang naging number 2 noon ng Daddy nya...

***

Sa Mansion ng mga Monte Lucas...

Hindi makatulog ng maayos si Celine kakaisip kung ano na ang susunod nyang hakbang para mas mahulog pa sa kanya si Ethan. Nahihirapan na din sya habang tumatagal dahil nakikita nya yung kakaibang saya ni Ethan kapag magkasama sila. Tila pakiramdam niya'y mahuhulog sya.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon