Chance

542 7 0
                                    

Chapter 19

Nagdadalawang isip si Ethan kung pagbubuksan ba nya ng pinto si Elisse o papabayaan nalang hanggang sa umalis ito. Halos hindi na sya mapakali kung aakyat ulit sa kwarto para makapagpahinga o kakausapin pa ba nya si Elisse.

"Elisse, what do you want..." Sabi ni Ethan na alam nyang naririnig naman ng babaeng nasa labas ng unit nya.

Narinig ni Elisse na nagsalita si Ethan kaya ngumiti sya at kumaway.

"Uhm, pwede mo bang buksan yung pinto? Can we talk Ethan? Please?" Pakikiusap ni Elisse.

Ayaw sana ni Ethan pero naisip nyang kailangan nya ng makakausap sa panahon na malungkot sya dahil in-ignore na sya ni Celine at ng anak nya. Kaya pinagbuksan nya si Elisse ng pinto at pinatuloy sa sala ng Condo unit nya. Naupo sila sa sofa at awkward na nagtinginan.

"Uhm, how are you Ethan?" Sabi ni Elisse.

"I'm good. How about you..." Seryosong sagot ni Ethan.

"Well, sad? Simula nung nakipag break ka saken hindi na ko sumaya." Sabi ni Elisse.

"Elisse, maayos akong nakipaghiwalay sayo you know that. I already told you na kailangan naten ng break kase naging toxic kana. You know what I mean..." Sabi ni Ethan.

"A, i know Ethan p-pero why not giving me a chance? Magbabago na ko promise. Hindi na ko magiging selosa and eskandalosa. I promise just give me a chance." Pakikiusap ni Elisse.

Napasapo tuloy sa noo si Ethan. Tila nagsisisi pa syang pinatuloy sa unit ang Ex girlfriend nya. Akala nya magka-kamustahan lang sila't aalamin kung anong lagay pa nya pero nauwi lang ito sa pangungulit sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko Ethan para lang bumalik kana saken ah? D-Diba wala na kayo ni Malia? Nabalitaan ko sa office nyo malungkot ka daw ilang araw na kase wala na kayo? So, ano pang kailangan kong gawin para bumalik ka saken? I promise Ethan I'll do everything para ma-satisfy ka. G-Gusto mo ba maghubad ako and sasayaw just the way you like nung bago lang tayo?" Pangungulit pa ni Elisse.

"No Elisse. Please stop okay? Hindi ko kailangan ng ganyan ginagawa mo. Lalo lang akong naiistress. Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko kaya please lang umuwi kana..." Sabi ni Ethan.

Sumimangot si Elisse at sinampal bigla ng malakas si Ethan. Sinigawan sya nito at tinawag na walang kwentang tao. Pinamukha pa ni Elisse kay Ethan na kaya ito iniwan ni Malia ay dahil ginamit lang talaga ito.

"Tinikman ka lang ni Malia! Inuto ka lang nun para makalibre sya kapag lumalabas kayo! Oh I know hindi sya gumagastos kapag lumalabas kayo gaya nung saten kaya alam kong manggagamit yung gusto mong ipagpalit saken! It's your lost Ethan para pakawalan pa yung gaya ko!" Pagwawala ni Elisse kaya tumayo na si Ethan sa kinauupuan at inakay na ito para palabasin sa unit nya.

"You are not gold para sabihin saken yan Elisse! We're so done!" Sigaw ni Ethan at pabagsak na sinara ang pinto. Narinig pa nyang nagsisisigaw si Elisse at sinasabing papasukin sya pero umakyat na si Ethan sa taas at hinayaan na ang security para paalisin si Elisse sa condo building...

*****

Celine*
POV

May nareceive akong text galing sa isang unknown number. Sabi dito ay pwede ba kaming magkita para mapag-usapan ng maayos ang lahat. Kaya naisip kong si Ethan ito kaya bigla akong kinabahan.

"Hmm."

Nagreply ako na tumawag sya para makumpirma kong sya itong katext ko pero ayaw nya.

"Sino to."

*Knock knock!

"Ma?" Boses yun ni Cielo.

"Oh bukas yan anak. Sige pumasok ka." Sabi ko kaya pumasok naman ang anak ko.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon