Kontrabida Style

496 9 1
                                    

Chapter 16

Celine*
POV

Hindi tuloy ako makatulog ng maayos. Iniisip ko kung paano nalang bukas dahil magkikita nga pala kame ni Ethan. Nag-iisip ako mabuti kung paano sya makakausap kung bakit sinabi nya kay Cielo na mag-ama silang dalawa.

"Alam na kaya nya?"

Sumasakit tuloy ang ulo ko kakaisip. Naisipan ko nalang i-text sila Shiela, Rona at Ynna...

*

Gumimik kameng apat kase baka sa alak makapag-isip ako ng maayos pero mas lalo lang kong na-stress dahil nakita namin si Elisse. May kasama syang mga babae. Nahuli ko yung mga tingin nya samen kaya nagtanong ako kay Shiela kung bakit ganyan nalang makatingin samen yung pinsan nya.

"Wag mong intindihin yan Malia. Hindi naman makakagulo saten yang babaeng yan. Ako bahala." Sabi ni Shiela.

Tumingin ulit ako kay Elisse. Ayan at papalapit na sya kaya tumayo kagad si Shiela na para bang makikipag-away.

"Oh bakit?" Sabi ni Shiela.

"Masama bang makipag bonding ako sa mga pinsan ko?" Sarkastikang sabi ni Elisse.

"Ows? Really? Mga pinsan? Kala ko ba hindi ka naniniwala na pinsan ko si Malia so bakit ka lumapit samen? Close kaba namen?" Mataray na sabi ni Shiela.

Napaiwas ako ng tingin kase natameme si Elisse. Gusto kong tumawa pero dinaan ko nalang sa pag-inom ng alak. Maya-maya nagsalita nanaman si Shiela at pinagsabihan si Elisse na lumayo samen dahil baka hindi nya matantsa at simulan ito ng away. Agad naman lumayo si Elisse kaya naupo na muli si Shiela at nagsimula na kameng mag-inom...

*

Makalipas lang ang ilang oras...

May lalaking lumapit saken at nagtatanong kung may nakita daw ba akong babae na pinapakita nya sa phone nya. Sabi ko wala at hindi ko alam kung sino yung sinasabi nya kaya sa iba nalang kako sya magtanong. Kahit anong iwas ko sa lalaki ayaw nyang lumayo saken kaya tinawag ko sila Shiela, Ynna at Rona na galing lang sa restroom kase naiihi na silang tatlo.

"What's going on?! Sino to Malia? Ginugulo kaba nya?!" Naiinis na sabi ni Shiela.

"For sure ginugulo nyan si Malia." Sabi naman ni Rona.

Lumapit agad si Ynna sa lalaki saka nya ito hinawakan sa kwelyo ng suot nitong polo shirt. Bakas sa reaksyon ng lalaki yung pagkabigla dahil akala siguro nya e makakaligtas sya sa pangungulit nya saken.

"What the hell do you need huh!" Sigaw ni Ynna.

"Relax girl? I was just asking her kase hinahanap ko yung girlfriend ko. Nag-away kase kame and bigla nalang syang nawala sa paningin ko. Kanina lang magkasama kame pero ngayon nagbabakasakali ako na namumukhaan nitong kasama nyo yung girlfriend ko." Sabi ng lalaki.

"So anong sinabi mo Malia? Nakita mo ba yung hinahanap nyan?" Mataray na sabi ni Shiela.

"Sabi ko nga hindi kaso ang kulit kulit nya." Sabi ko.

Matalim na tiningnan nila Shiela, Ynna at Rona yung lalaki. Kinausap nila ito na lumayo na saken dahil nanghaharass na sya. Mapilit kase tong lalaki kahit anong sabi kong hindi ko nga nakita o namukhaan yung sinasabi nyang girlfriend nya pilit pa syang dumidikit saken. Ngayon nagso-sorry sya samin saka na sya umalis. May kakaiba akong nararamdaman. May parang hindi tama sa lalaking yun dahil parang kanina e nakita kong kausap ni Elisse yun sa sulok banda ng club na to.

"Hmm."

*

Humanap ako ng anggulo kung saan hindi mapapansin ni Elisse kung nasan ako. Pinagmasdan ko maigi yung kilos nya. Ayan at palingun-lingon sya na para bang may hinahanap. Malamang e ako yung hinahanap nya kaya natatawa nalang ako dito sa taas.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon