Chapter 15
Hindi nagpatinag si Celine sa sinabi ni Editha na namumukhaan sya nito. Ngumiti lamang sya't naghintay sa sasabihin ng matandang babae. Si Elisse naman naghihintay din at hindi na mapakali sa kinauupuan dahil gusto din nyang malaman kung kakilala ni Editha ang babaeng sinasabi ni Shiela na pinsan nila.
"Nakita ko yung Billboard nyo sa Pasay. Ikaw yung model dun sa bagong tayo na university. Yung sa Monte Lucas Academy right?" Sabi ni Editha.
Nakangiting tumango si Celine. Napansin nyang nabigla si Elisse sa nalaman. Agad namang sumabat si Shiela kung sino nga ba si Celine o Malia.
"She's Amalia Monte Lucas by the way Tita. Cousin namin sya ni Elisse pero hindi sya kakilala ni Elisse kase sa states kame tumira ni Malia. Dun kame nagkasama ng 20 years." Ani Shiela kaya nabigla nanaman si Elisse.
"So, are you telling me na pinsan mo tong ka date ng anak ko?" Sabi naman ni Editha na nakaramdam naman ng tuwa dahil nalaman nyang isang Monte Lucas ang nililigawan ng anak nyang si Ethan.
Napapaisip ang matandang babae na pwede nyang gamitin si Malia para pagtulungan kung paano lalago ang Star University dahil mayaman ang Liandro na kilala nya.
"Oh really? Anak nyo po pala si Ethan?" Sabi nalang bigla ni Celine na kunwari'y nabigla at pinakita sa kanila na wala syang alam na mag-ina ang dalawa.
Maayos na nakipagkamay si Editha kay Malia. Tinanggap naman ito ni Malia at parehas silang nakangiti sa isa-isa. Dito na nagsimula ang pagkukuwentuhan ng dalawa na tila para bang walang Elisse sa paligid nila. Si Ethan naman tahimik lang at nakikinig sa mga sinasabi ng Mommy nya. Ramdam nyang naging maaliwalas ang mukha ng Mommy nya habang kausap si Malia kaya nakagaanan nya ito ng loob...
Makalipas ang ilang minuto...
Nagpaalam si Shiela na magpupunta muna sa restroom para makapag ayos na sya dahil kakatapos lang nilang kumain. Masaya namang nakikipagkwentuhan si Editha kay Malia kaya na out of place si Elisse at sinundan na lamang si Shiela.
"We need to talk!" Ani Elisse pagpasok nya sa restroom at nakitang nagsasalamin si Shiela at nakangiti lang sa kanya.
"So, matagal na kayong nagkasama ni Malia sa states?!" Mataray na sabi ni Elisse habang papalapit kay Shiela.
"Yeah? Why did you ask coz?" Ani Shiela na kunwari'y walang kamalay-malay.
"Yung totoo Shiela?! Sino yung babaeng yun kase i know that Tita Tasya cannot give a birth dahil baog sya! She already told us about that!" Ani Elisse.
"Did she?" Nagtataka lang na sabi ni Shiela.
"Are you really telling me na dapat maniwala akong pinsan naten yang Malia na yan ha?!" Ani Elisse.
"Well, hindi kita pinipilit na maniwala? Basta ako alam ko yung totoo kase anak sya ni Tito Liandro at Tita Tasya. Plus, like I already said na nagkasama na kame ng matagal sa states simula nung ipagpalit mo ko sa mga barkada mong taga dito sa Pilipinas." Sabi ni Shiela.
Napabuntong hininga si Elisse dahil pinaalala nanaman ni Shiela sa kanya ang tungkol sa nakaraan na palagi silang magkasama pero nagbago ang lahat simula maging pala-kaibigan si Elisse at natutong gumimik sa edad na 13.
"Hindi pa ganong kalawak yung isip naten pero tandaan mo Elisse. Hindi mo na kailangan magtaray kung wala ka namang alam sa buhay namen nung panahon na pinili mong makisama sa feeling rich kid mong mga naging classmates." Seryosong sabi ni Shiela saka ito naglakad at dinaanan si Elisse na natameme lang.
Lumabas na si Shiela at naiwan si Elisse sa restroom. Inis na inis sya dahil papaanong naging pinsan nila si Malia tapos ngayon ay ito pa ang pinalit sa kanya ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Just a Toy
Short StoryMasayang simula na mauuwi sa Impyernong buhay. Hindi lubos akalain ni Celine na magiging laruan sya ng isang anak mayaman na si Ethan. Kahulog hulog ba ang pang-aakit ng binata? O pwersahan nyang ipapamukha kay Celine kung sino sya sa buhay ng Dalag...