Chapter 2
Hindi maintindihan ni Ethan kung saan na nya nakita ang dalagang nakaupo sa dulo malapit sa kinapupuwestuhan nya. Nang makaupo ang binata ay bumulong sya kay Arnold na katabi at tinanong kung bagong estudyante ba yung dalagang naka-titigan nya.
"Uhm, yeah. She's newbie. Sya si Celine. Isa sya sa scholar ng Mom mo." Bulong naman ni Arnold.
Nangiti si Ethan na tila nakaisip ng plano. Halos lahat kasi ng mga nagiging scholar ng Mommy nya ay nagiging Plaything o laruan nya. Karamihan din ng magaganda at bagong estudyante sa eskwelahan ay hindi nya pinalalampas na hindi magagalaw o maikakama. Napaisip si Ethan na paano nya sisimulan akitin si Celine...
*****
Celine*
POVMatapos ang klase ni Sir Raul ay lumipat naman kame ni Vixen sa kabilang classroom. Hati pala yung pagtuturo ng mga teachers dito sa Star University. Sa isang klase din e magkasama na mag-aaral ang 4th year highschools at 4th year colleges. Nagtataka nga ko kase kung magkasama yung 4th year highschool at 4th year college sa taon na to e ibig sabihin kaya na nakaligtaan ituro sa mga college yung tinuturo ngayon samin?
"Ang galing lang. Ganun pala dito sa school na to." Sabi ko.
"Oo, pero napag-aralan na nila dati yun. Kumbaga inuulit lang pero sa ibang classroom naman kung ano na yung course nila is yun na din yung kailangan nilang aralin." Sabi ni Vixen.
"Uhm, ganun ba? Bali, anong year na ba si Ethan?" Sabi ko.
"4th year college na si Ethan. Business management yung inaaral nya kase may business yung family nya." Sabi nito.
"Oh, okay. B-Bali kasama pa ba natin sya dito sa isang classroom?" Sabi ko.
"Hindi na, dun lang natin sya makakasama sa classroom ni Sir Raul. Ewan ko ba pero hindi naman nakikinig si Ethan e? Sabagay, matalino kase sya. Sa totoo lang hindi na nya kailangan mag-aral kase kaya naman nyang magpatakbo ng business." Sabi ni Vixen.
Pagpasok namin sa pangalawang klase nakinig parin ako kay Vixen habang kinukwento kung anong klaseng tao si Ethan Star. Anak pala sya ni Ma'am Editha kaya pala ganun nalang sya kasikat kanina. Sabi pa ni Vixen saken mag-iingat ako kase bully daw si Ethan at walang pinapalampas na babae kapag gusto nyang galawin o ikama...
*
4pm
Natapos din lahat ng klase ko. Sumama ako kay Vixen na magpunta sa canteen nitong school. Sobrang ganda ng school na to kase malawak masyado. May sariling court at kung anu-ano pa gaya ng mga swimm class, music room at studio para sa mga gustong kumanta. Nakakatuwa tapos eto at nasa malaking canteen na kame. Mataas yung kisame tyaka maraming mabibili dito. Parang park ang dating ng canteen na to.
"Hey hey hey girls..."
Nawala ang ngiti ko ng salubungin kame nila Ethan. May mga kasama syang lalaki. Yung isa e lumapit pa kay Vixen at humalik sa labi nito. Mag boyfriend girlfriend pala sila kaya nailang ako. Eto namang si Ethan saken nakatingin. Nakangisi sya't malagkit ang titig sa mga mata ko.
"Uhm, Ethan this is Celine. Celine sya si Ethan. Anak sya ni Ma'am Editha Star." Pagpapakilala ni Vixen.
"Oh, h-hi po?" Naiilang kong sabi.
Walang kibo si Ethan. Basta nalang kame inaya ng boyfriend ni Vixen na kumain. Ayaw ko sanang sumama pero naisip kong hindi naman siguro ako pagtitripan ni Vixen...
*
Bumili sila Vixen at yung boyfriend nyang si Joshua ng spaghetti at fried chicken. Yung drinks nila Manggo shake kaya nakisali din ako na gusto ko ng ganon. Si Vixen na mismo yung nag order para saken kase nahihiya ako lalo't nasa likuran ko lang si Ethan na ramdam ko ang presensya na malapit sya masyado. Nararamdaman ko kase yung may humahawi sa buhok ko dito sa kaliwang tenga ko. Sya yun at wala ng iba kase binulungan pa nya kong susubuan daw nya ko magsabi lang ako ng "Please Daddy..."
![](https://img.wattpad.com/cover/242317581-288-k99944.jpg)
BINABASA MO ANG
Just a Toy
Short StoryMasayang simula na mauuwi sa Impyernong buhay. Hindi lubos akalain ni Celine na magiging laruan sya ng isang anak mayaman na si Ethan. Kahulog hulog ba ang pang-aakit ng binata? O pwersahan nyang ipapamukha kay Celine kung sino sya sa buhay ng Dalag...