Pagbagsak ni Editha

589 7 0
                                    

Chapter 18

Celine*
POV

Sabi ni Daddy nararamdaman nyang gusto magpaka ama ni Ethan sa anak ko kaso ako mismo yung nagiiwas kay Cielo na makausap at makasama muli si Ethan. Naka-monitor din ako sa social media ni Cielo kung saan binlock ko si Ethan para hindi na sila magkausap pa.

"May karapatan si Ethan sa anak nya kaya sana wag mong ipagdamot yung karapatan nila sa isa't-isa. Panigurado kaya nagkakaganyan nanaman ang anak mo kase iniisip nya na hindi na nya makakasama o makakausap pa yung ama nya." Sabi ni Dad.

"H-Hindi ko tuloy alam Dad kung saan ako magsisimula. Ayoko na po kase ma involved pa kame ni Cielo kay Ethan. Gusto ko nalang po syang kalimutan e." Malungkot kong sabi.

"Gusto mo na nga bang kalimutan si Ethan? Sigurado ka ba?" Sabi ni Daddy.

Hindi ako nakasagot kase hindi ko din maintindihan yung nararamdaman ko. Isa pa e masaya lahat ng pinagsamahan namin ni Ethan mula nung nakaraan taon. Never pa kaming nagtalo tyaka dagdag din sa iniisip ko yung karapatan ng anak ko na makasama nya si Ethan kase alam na nila sa isa't-isa na mag ama silang dalawa...

*

Nagdasal ako sa puntod ni Mama Cory. Humihingi ako ng tulong sa Mama ko kung ano ba yung dapat kong gawin. Meron sa loob kong dapat lang yung ginawa ko kay Ethan na ipagtabuyan sya pero meron ding nalulungkot ako kase paano nalang yung anak ko dahil Tatay parin sya ni Cielo.

"Hindi ko na alam yung gagawin ko Ma. Tulungan mo po ako." Naiiyak kong sabi.

Nakatitig ako sa picture ni Mama sa lapida nya. Ang ganda ng ngiti nya kaya naaalala ko yung reaksyon nya nung malaman nyang na confine ako sa ospital dahil sinaktan ako ng sobra ni Editha.

"Anong gagawin ko Ma." Naiiyak kong bulong.

Meron sa loob ko na gustong pabagsakin yung negosyo ni Editha kaya nag-isip isip ako. Naiisip kong tapos naman na ko kay Ethan at hahayaan ko na muna kung ano ang magiging takbo ng buhay namin tatlo ng anak namen basta kailangan kong makaganti sa taong nagsimula ng paninira sa buhay ko kaya nangyari saken yung ganon dati.

"Tama, dahil sa kanya nagsimula lahat. Sya yung nag-utos kay Ethan na pahirapan ako ng sobra kase pinalabas nyang kabit ako ni Sir Nathaniel."

**

Humingi ako ng tulong kila Mommy at Daddy. Nag hire ako ng mga sikat na artista para pasikatin yung Monte Lucas Academy na tinayo lang last year at ngayon marami ng bata ang nag e enroll. Maging yung magagaling na Teacher sa Star University inaya kong lumipat nalang sa School ko at nag offer ako ng malaking pera para lang iwanan nila yung Eskwelahan ni Editha Star...

*****

Nagwawala si Editha nang malaman na unti-unti ng nagpapa drop out ang karamihan sa estudyante nya sa Star University. Galit na galit nyang sinigawan ang bagong Principal ng eskwelahan nya pati ang ibang naiwan na tauhan.

"Nasan yung ibang Teachers?! Diba nag email na ko sa inyong lahat na may meeting tayo today?! Kailangan naten mag-usap kung bakit sabay-sabay nalang nagpa drop out yung mga estudyante!" Hiyaw ni Editha.

Nagtinginan lang ang nasa pitong tao sa loob ng Principals office. Pare-pareho nilang hindi alam kung paano sasabihin sa boss na maging ang karamihan din sa Teachers ay nag-resign din sabay-sabay at hindi na binalak na hintayin pa ang huling sahod.

"Ano?! Lahat kayo pipi?! Hindi kayo makasagot sa tanong ko ha! Bingi na ba kayo?!" Hiyaw ni Editha.

Nagtaas nalang ng kamay si Teacher Marie. Nasa edad 37 ito at hindi alam kung paano magpapaliwanag.

Just a ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon