Chapter 22

131 2 1
                                    

CHAPTER 22
Ako lang?

Binalewala niya ang isipin na 'yon. Sumunod sila kay Jack habang itinatali nito si Wyper sa gilid ng bahay.

"Jack, hindi pa tayo tapos mag-usap," ani Sancho at lumapit dito.

Tumayo ito matapos itali si Wyper. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin?" walang emosyon na sabi nito kaya natawa ang kaibigan.

"Bakit parang sumama yata ang mood mo? Bro, kauuwi ko lang kahapon. It's been a year, man. Hindi mo ba ako namiss?" nakangising anito. "Ang ayos pa nga nang pagkakasalubong mo sa akin kanina. Nakangiti ka pa nga, eh."

"Ganyan po talaga 'yang si Kuya. Ang pagkamainitin, walang pinipiling oras."

Sinamaan naman ng binata ng tingin ang kapatid na si Elsa na nakaupo na roon sa upuang gawa sa kawayan sa labas ng kanilang bahay. Napahagikhik lang ito.

Umupo na lamang si Madison sa tabi ni Elsa habang pinagmamasdan si Jack na magkasalubong na naman ang mga kilay.

"Wala ka raw kasi ro'n sabi ni Oliver at hindi pumasok nitong hapon. Kaya binisita na lang kita rito. I even brought my convertible, bro. Hindi biro ang daanan papunta sa inyo rito," pagkwento pa ni Sancho.

"Wait, do you have a convertible?" ani Madison nang marinig ang sinabi nito.

Nilingon siya nito. "Yes, why?"

"Nothing. I just like convertibles. You know, very vintage and—Instagrammable!" napapahagikhik na aniya.

"Wanna ride?" nakangising sabi nito at napatingin na naman sa kanya si Jack ngunit dahil sa sobrang kasabikan ay hindi niya na 'yon napansin.

"OMG! Really? Well, can I?" nahihiyang aniya.

"Of course. Bakit hindi? Magkakilala naman tayo."

Napatili siya at napatayo. "Sama natin si Jack!"

Umiwas ang binata. "Kayo na lang. May trabaho pa ako."

"O? Akala ko ba hindi ka na papasok?"

"Papasok ako kung kailan ko gusto," anito at saka pumasok.

Naiwan silang tahimik sa labas at nagkatinginan. Natawa na naman si Sancho at nanatili namang tahimik si Madison.

What's his problem ba?

"Ano? May trabaho raw, eh. Tayo na lang."

She turned her head to Elsa. "How about Elsa na lang?"

Agad na umiling ang dalaga. "Naku, hindi na, Madison. May usapan kasi kami ni Lala na manonood kami ng kdrama sa bahay nila, eh."

Nagkatinginan sila ni Sancho. Itinaas nito ang susi ng kanyang kotse kaya sabik na naman siyang napangiti.

"Is it okay if I'll bihis muna? And is it okay if I'll take pictures na rin?"

Napangiti ito. "Sure."

"Thank you!"

Agad na siyang pumasok at naghanap ng masusuot. Mabuti na lamang at marami-rami ang nabili niya noong nakaraan sa ukay kaya marami siyang pagpipilian. Nalabhan na rin ang mga 'yon kaya mas mabuti.

She wore her usual denim shorts and paired it with a white tube with butterflies print on it. She even got her sunglasses and placed it on top of her head.

After tying her hair in a ponytail, she got her phone and went out. Naglagay siya ng kaunting liptint na hiniram niya kay Elsa sa harap ng salamin at natigilan naman siya nang maramdaman ang matalim na matang nakatingin sa kanya.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon