Chapter 20

147 2 0
                                    

CHAPTER 20
When the summer's over

"Balak ko na sanang ipagtapat kay Jack 'yung nararamdaman ko para sa kanya."

Nabalik ang ulirat ni Madison sa pagkakatulala at napalingon sa katabing si Nana. Kasalukuyan silang nakaupo sa gilid ng basketball court habang nagmemeryenda.

"Really?" 'Yon lamang ang nasabi niya at bumalik sa pagkakatingin sa kawalan.

Matapos ipagtapat ang nararamdaman para sa binata kahapon at matapos din ang sinabi nito sa kanya ay hindi na naman niya ito masyadong pinapansin. She was still hurt about what Jack had said to her that it insulted her. Mali naman yata ang pag-isipan siya ng ganoon? Maaaring gusto niya ang binata ngunit kahit kailan hindi siya aabot sa punto na gagamitin na niya ang pera upang bilhin ang pagmamahal ng isang tao.

"Bakit parang... hindi ka yata masaya?"

She turned to Nana and smiled. "Of course, I'm happy for you. Sorry, I'm a bit feeling unwell today."

Nag-alala naman ito sa kanya. "Ayos ka lang ba? Nakainom ka na ng gamot?"

Ininom niya ang gulaman sa plastic cup na hawak. "Hindi pa. Later na lang siguro kapag nakauwi na 'ko."

"Sure ka, ha?"

She nodded and showed her weak smile. "What pushed you to confess your feelings na by the way?"

Sumilay ang matamis nitong ngiti. "W-wala lang." Hinawi nito ang buhok at inilagay sa likod ng kanyang tainga. "Gusto ko lang na malaman niya. M-malay mo, gano'n din pala ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi naman masama ang umasa, 'di ba?" Nana said then giggled.

Her face crinkled. "Siguro, walang masama ro'n." Napatingin siya sa malayo. "Except for getting yourself hurt."

Nang marinig niya itong napabuntong-hininga ay mabilis niya itong hinarap. "Oh no, but don't get me wrong, ha? I'm just concern lang naman para sa 'yo. You know naman Jack, he's so—cold. Nag-aalala lang ako sa part na baka hindi mo makuha 'yung gusto mo if mag e-expect ka nang gano'n. I just don't want you to get hurt."

Malamyang napangiti ang dalaga at hinarap siya. "Kaibigan talaga kita."

Paglubog ng araw ay umuwi na siya sa kanilang bahay. Naroroon na rin si Jack at hindi niya pa rin ito pinapansin.

"Madison," tawag sa kanya ni Ernesto mula sa sala.

"What is it?"

"Pwede mo ba akong kunan ng tubig?"

"Sure," aniya at dumiretso sa kusina. Before she could get the glass, Jack got it first and poured water in it.

"Ako na."

She avoided to have an eye contact with him so instead of replying, she just went directly to the bathroom. She could feel his eyes following her and it was triggering the butterflies to play in her stomach.

Naiinis pa rin siya sa katotohanang hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang pagkahumaling niya rito. Na sa simpleng galaw lang nito ay tila kaya siyang pabigayin. Ngunit hindi, kailangan niya na itong tantanan. Si Jack ay para kay Nana lang at si Nana, para lang kay Jack.

She took advantage of her anger as her way to finally forget everything about her feelings for Jack. Lalo na at napag-alaman na niyang magtatapat na ang dalaga sa nararamdaman niya para rito. Siguro, ito na ang tamang panahon upang talagang itigil niya na ang lahat pati ang kahibangan niya sa binata.

Buong gabi ay kapansin-pansin ang pagkawala niya sa mood. Masyado rin niyang ipinapahalata sa binata na galit siya rito sa paraang 'yon.

"Madison, ayos ka lang?" tanong sa kanya ni Elsa habang naghahapunan sila.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon