Chapter 10

143 7 0
                                    

CHAPTER 10
Dokdok

The moment they arrived at their village, she walked fast after Jack, making it obvious that she was still mad on what happened.

Habang naglalakad nang mabilis, hindi niya namataan ang malaking bato sa kanyang daanan dahilan upang matipalok siya at lumipad ang kanyang tsinelas sa ere.

Tiningnan niya nang masama si Jack mula sa kanyang likuran sa isiping tinatawanan siya nito na wala namang naging reaksyon sa nangyari. Tinulungan niya ang sarili na makatayo at kukunin na sana niya ang kanyang tsinelas nang bigla siyang makatapak ng isang kabibe dahilan para siya ay mapasigaw.

"Ouch!" she whined and sat on the sand. Naiyak siya nang makitang dumudugo ang kanyang talampakan.

Jack walked infront of her. She lifted her gaze at him, helpless.

"Tsk," anito at pinulot ang kanyang tsinelas. Wala sali-salita siya nitong tinulungan na makatayo at inakay hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.

Tahimik lang siyang nakaupo sa mahabang upuan sa may sala habang nakalatag ang kanyang binti roon.

"Bakit ka ba kasi nasugat? Nakapaa ka?"

Umiling lang siya bilang sagot kay Elsa.

Nang magsimula na silang maghapunan, hinatiran naman siya ng pagkain ni Jack sa kanyang kinauupuan kaya napatingin siya rito.

"W-what?"

"Kumain ka muna. Maya na natin gamutin 'yan pagtapos ng hapunan."

Tinanggap naman niya 'yon at saka niya tinulungan ang sarili na makakain.

Makalipas ang ilang minuto, ibinigay sa kanya ni Jack ang isang first aid kit.

"What am I gonna do with this?" naiinis na tanong niya.

"Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa 'yo?" walang emosyon na anito.

"'Di ba, you told me na ikaw gagawa?"

"May sinabi ako?"

Hindi naman siya makapaniwalang natawa sa hangin. Umalis na ito at umakyat habang naiwan siya roon nang mag-isa dahil natutulog na rin sina Elsa at Ernesto.

Hindi naman niya alam kung paano gamutin ang sarili. Naiyak na lang siya nang mapagtanto na malaki-laki pala ang sugat na natamo niya.

"How can I still wear stilettos with this?" mangiyak-ngiyak na aniya.

Nilagyan niya ng betadine ang bulak at marahan 'yong idinampi sa kanyang sugat.

"Ouch! Dad!" naiiyak na sabi niya.

"Hindi pa nga dumadapo. Ang arte mo."

Napalingon siya sa taas at nakatayo lang pala roon si Jack habang tinitingnan lang siya. May tuwalya itong nakasabit sa kanyang leeg at halatang kagagaling lang sa banyo dahil mamasa-masa ang buhok sa gilid ng mukha nito. Inirapan niya lang ang binata.

Ilang sandali lang ay nasa harap niya na ito. Wala sabi-sabi nitong binuhat ang kanyang binti at umupo roon saka ipinatong 'yon sa kanyang kandungan.

Wala sali-salita rin nitong inagaw sa kanya ang hawak niyang bulak na may betadine.

Hindi niya maiwasang pagmasdan ang binata. Bahagya pa siyang napapangiwi sa tuwing dinadapo nito ang bulak sa kanyang sugat ngunit, ramdam din niyang maingat ang bawat galaw nito.

She leaned her head against the wood panel still staring at Jack. "I'm sorry," she said out of the blue.

"Marunong ka pala magsabi niyan," nakatutok pa rin sa kanyang sugat na sabi nito.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon