Chapter 34

94 2 0
                                    

CHAPTER 34
#PaspasMarino

Maagang sinamahan ni Madison si Jack pabalik sa bahay nila sa gilid ng dagat upang ayusin ito. Halos bubong lang nga talaga ang kinain ng apoy at ang kanilang sala.

"Tell me if you need something, okay?" aniya rito habang may minamartilyo itong pako sa kahoy. Tumango naman ang binata kaya hinalikan niya ito sa pisngi.

Napansin naman niyang nakangiwi sa kanya si Picolo na kasalukuyang itinitipon ang mga nasunog na kahoy at nipa sa gilid. Pinaikutan niya lang ito ng mga mata.

"Picolo, dagdagan mo nga 'tong mga pako," ani Jack kaya agad namang lumapit ang kaibigan rito. May mga sinabi pa ang binata rito na sinagot naman ng tango ni Picolo.

"Sama mo si Madison."

Napaangat ang dalawa niyang kilay. "Me?"

"Sige na. Mababagot ka lang dito."

She pouted and when she saw Picolo's grin, she rolled her eyes at him before crossing her arms.

Sinunod niya ang sinabi ni Jack at sumama siya kay Picolo.

"Ang bilis niyong nagkaayos ng buddy ko, ah."

"Sinasabi mo bang marupok ako?" She glared at him.

Natawa ito. "May sinabi ako? Ikaw talaga, Kana. Kalma lang."

Nagpatuloy pa silang maglakad hanggang sa labasan.

"Pero, hehe. Hindi ako maniniwalang basta-basta na lang kayong nagkaayos nang ganoooo'n!" he said teasing.

She gave him a confused look. "What the hell are you talking about?"

Bahagya itong lumapit sa kanya at bumulong.

"Ano, Kana? Ayos ba buddy ko?"

Nakakunot pa rin ang kanyang noo na tila hindi niya maintindiham ang sinasabi nito.

"Magaling bang mag..." Hindi nito tinuloy ang sinabi at umaktong sumisisid sa dagat.

"I don't get you," naguguluhang aniya.

"Si Jack ba tinatanong ko kung magaling sumisid! Nyeta ka."

Her eyes widened. "I don't know w-what you're talking about, Picolo!"

"Ano? Sabihin mo na. Magaling ba sumisid ang mga Marino?" Tinaas-baba nito ang mga kilay.

Pinagpawisan naman siya sa tanong nito. Pakiramdam niya ay namumula na ang kanyang mga pisngi sa hiya.

"Ano? 'Wag ka nang mahiya! Tayong dalawa lang naman makakaalam, eh."

"N-no, hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo." Inirapan niya ito.

"Sabihin mo na kasiiii!"

"Ayoko!"

"Sasabihin mo o hindi?"

Nainis naman siya rito. Kaunti na lamang ay mababatukan niya na ito sa sobrang kulit.

"Wala naman akong sasabihin!"

"Magaling bang sumisid si Jack o hindi! 'Yon lang naman."

"You're so b-bastos!"

"Sabihin mo lang kasi kung oo o hindi—"

"Hell, yes!" she blurted out. "N-now, shut up, Picolo..." Umiwas siya ng tingin dito. Her cheeks flushed in embarassment.

Narinig niyang napahalakhak ito kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"#PaspasMarino! Hahahahaha!"

Kahit pa nainis siya kay Picolo ay natawa na lang din siya rito at asar na pinaghahampas ang braso nito. Natatawa ring umiwas ang binata hanggang sa nagkulitan na lang sila patungo sa daan nila papuntang hardware.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon