Chapter 14

139 6 1
                                    

CHAPTER 14
Liquor
(WARNING! SPG scene ahead!)

Matapos ang tahimik nilang hapunan ay napahikbi si Elsa na ipinagtaka naman ni Madison bago umupo sa sala habang tinatanggal pa ang tinga sa kanyang ngipin.

"Sorry na, Kuya," anito habang pinapahiran pa ang mga luha.

Hindi sumagot si Jack at patuloy lang sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila.

"Matututo rin naman 'yan. Malaki na 'yan. O, gusto niyo bang magkaaway kayo sa birthday mo bukas?" ani Ernesto na ikinalaki naman ng mga mata ni Madison.

"Who's birthday is it tomorrow?" tanong niya sa matanda nang umupo ito sa tabi niya at inginuso naman nito ang binata na dinadala ang mga pinaghugasan sa lababo.

Napamaang siya at doon niya rin naalala ang nakasulat sa diary nito nang minsan niya na itong makita. Pagkatingin niya sa kalendaryo ay doon niya napagtanto na 'yon nga ang araw na 'yon.

"Ako na riyan, Kuya. Ako na lang ang manghugas para patawaron mo na ko." Ako na lang 'yung maghuhugas para patawarin mo na ako, ani Elsa at pilit pang inaagaw ang hugasin dito.

"Tsk, ako na nga, eh. Hindi na ako galit. Maghalf bath ka na ro'n at ang dugyot mo na," kunot ang noong sagot ng binata at kahit bakas pa rin ang lamig sa boses nito ay tila uminit naman ang puso ni Madison habang pinagmamasdan lang ang magkapatid.

"Salamat, Kuya!" naiiyak na sabi ng dalaga at yumakap sa kapatid.

Naiilang naman na tinapik-tapik ni Jack ang ulo ni Elsa. Hindi napigilan ni Madison ang mapangiti habang nakatitig lang sa kanila at nang makita ng binata na nakatingin lang siya sa mga ito ay nauna na itong kumalas sa yakap nila.

"'Wag ka nang uulit, ha? Kababae mong tao hindi bagay sa 'yo ang nagmumura," sabi pa nito at tumango-tango naman si Elsa at tinaas pa ang kanang kamay.

"Promise, Kuya."

"Ang sweet nila, 'no?"

Napalingon naman siya nang magsalita si Ernesto sa tabi niya. Ibinalik niya ang tingin sa magkapatid na patuloy pa rin sa pakikipag-agawan sa hugasin.

"Nagpapasalamat ako at kahit nabuhay sila nang wala masyadong pag-aalaga ni Jackielyn, pilit na pinapalaki ni Jack nang maayos si bunso. Kahit pa ilang beses na sabihin ni Jack sa akin na ako ang bumuhay sa kanila, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanang siya 'yon at hindi ako."

Lumambot na naman ang kanyang puso. Nakapagtataka at ngayon niya lang napagtanto na maaari pala siyang mabihag sa isang tao nang ilang ulit at 'yon ang nararamdaman niya kay Jack hanggang sa umabot na siya sa punto na pakiramdam niya ay hindi na niya mapipigilan pa ang kanyang sarili.

She shifted her attention to Ernesto. "Do you have work tomorrow?" she almost whispered.

"Bakit, hija?"

Umiling-iling siya. "'Di ba you said, birthday ni Jack tomorrow? April 25, isn't it?"

The old man nodded. "Oo, bakit?"

She smiled before returning her gaze at Jack. "I think I'll be needing your help."

She woke up early in the morning to set her plan for today. Nang mag-almusal na sila ay hindi niya masyadong pinapansin ang binata.

"Birthday ni Kuya!" ani Elsa sa kanya at kumunot naman ang kanyang noo na tila hindi alam 'yon.

"Oh, really? Happy birthday, then," aniya kay Jack at tumayo pagkatapos.

Napangisi siya nang ihatid sa lababo ang kanyang pinagkainan. Pansin niya rin na kanina pa hindi umiimik si Jack kaya mas lalo niya pang ginalingan ang pag-arte na tila wala siyang pakialam.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon