Chapter 32

101 2 0
                                    

CHAPTER 32
Captain

Madison was resting her body on top of Jack's while eyes closed. Jack was gently brushing her hair.

"I enjoyed everything that happened tonight," bulong niya at saka ngumiti.

"Hmm?"

Umangat siya ng tingin dito. "Nag-enjoy ako, Jack."

Jack chuckled and kissed her head.

"I guess, I'm the only one who did that to you," she said then grinned. Ibinalik niya ang pagkakahilig ng ulo sa dibdib nito.

"Salamat."

Umangat ulit siya ng tingin dito at ngumiti. Her finger traced his jaw.

"I want your everything just for myself."

Napangiti ito at bahagyang piningot ang ilong niya. "Ito ang unang beses na nagustuhan ko ang pagiging sakim mo."

Napahagikhik siya rito. Ilang sandali lamang ay kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?"

Pinisil-pisil niya ang ilong nito.

"How unfair," she complained. "I was born with a half british blood. But your nose is more matangos than mine." Pinisil niya rin ang sariling ilong.

Bahagya itong natawa. "Matangos din naman ilong mo, eh."

"No. Your nose bridge is so—strong. Alam mo 'yon? Gets mo?"

Hindi ito sumagot at nakangiti lang na ipinikit ang mga mata.

"You got Yaya Jackie's eyes. But, I wonder where the hell did you get that handsome face. Siguro, sa father mo? Are you half?"

"Hindi."

"Weh?"

Napadilat ito at sinakmal na naman ang mukha niya kaya naiinis niyang tinapik ang kamay nito.

"Stop that!"

"Hindi nga kasi."

She pouted. "Ang gwapo niya siguro, 'no? Sayang, may iba na yata siyang family."

Natahimik ito at hindi sumagot. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang mapagtanto ang mga sinabi.

"Oh my gosh, Jack. I'm sorry. I d-didn't—"

"Ayos lang," anito at malamyang ngumiti. "Totoo rin naman 'yon."

Nalungkot siya para rito. "I'm sorry. Naikwento kasi sa akin 'yon ni Lolo Ernesto. Please, don't get mad at him. Ako naman 'yung pumilit sa kanya na mag kwento, eh."

He continued to brush her hair. "Naiintindihan ko. Ayos na rin 'yon. Wala namang rason para ilihim ko pa 'yon sa 'yo. Dapat nga alam mo ang mga bagay na 'yon na tungkol sa akin."

Her heart warmed in awe. She realized how Jack was really trusting her. Ngayong nagiging open na ito sa kanya, doon niyang mas napagtanto na komportable na ito sa kanya sa lahat ng bagay at 'yon ang kanyang gusto na mangyari.

"Umalis na siya habang hindi pa ipinapanganak si Elsa. Limang taon pa lang ako no'n at halos hindi ko na nga matandaan ang mukha niya."

"Wala kang picture niya?"

Umiling ito at nagpatuloy sa pagkwento. "Balita namin may pamilya nang iba kaya kami iniwan. Pero, mabuti na rin 'yon para naman wala nang rason pa para bumalik siya."

Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago magsalita. "Are you still willing to find him?"

"Para saan pa?" Bakas sa lamig ng boses nito ang galit sa ama. "Para saan pa para hanapin ko siya? Kung mahahanap ko rin naman siguro siya, siguro para sumbatan. Hindi masama ang loob ko na lumaki ako nang walang ama. Iniisip ko si Elsa. Ipinanganak lang ito na hindi man lang naranasang magkaroon ng ama... pati na ina."

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon