Chapter 27

131 3 0
                                    

CHAPTER 27
Happy Birthday
(WARNING! SPG scene ahead!)

Ilang sandali lang ay bumalik na sina Elsa at Ernesto. Bigo ang mga ito sa paghanap ng signal.

"Pasensya na, apo. Wala talaga, eh."

"I understand. Anong oras na rin kasi, eh. I'll try na lang bukas sa kabilang island," ani Madison at napatingin kay Jack na kasalukuyang nagluluto para sa hapunan. Magkasalubong na naman ang mga kilay nito. She knew he was mad at her. Her decision was sudden, yes, but that was the only thing she could do to escape from those things that were bothering her inner peace.

Nagsimula na silang maghapunan sa hapag-kainan. Kapansin-pansin na hindi nagsasalita si Jack. Nanatili rin siyang tahimik. Nakokonsensya siya at sa tuwing tinitingnan niya ito, nagdadalawang-isip siya sa desisyon niya kung matutuloy pa ba siya o hindi na.

She maybe happy with him but seeing her friend suffering was unbearable. Mas mabuti na lang na wala na lang may masaktan kahit pa kapalit n'on ay ang kasiyahan niya.

"Sigurado ka na ba, Madison? Aalis ka na ba talaga?"

Napatingin pa muna siya kay Jack na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin bago sumagot sa katabing si Elsa. "Y-yeah..."

Napasimangot ito. "Mamimiss ka namin."

Bahagya siyang napangiti. "Me, too. I'm sorry for making such decision. I know that summer's not yet over but I guess, I've learned enough already to get back to UK. Like, 'yon naman yata ang dahilan kung bakit dito ako pinadala ni Mom."

Napangiti si Ernesto. "Salamat, apo. Salamat kasi marami kang natutunan dito sa amin."

She smiled weakly. "Ako nga dapat ang magpasalamat. Thank you for everything."

Napangiti sila sa kanya maliban sa binata na tumayo na dahil tapos na itong kumain. Napayuko siya at napabuntong-hininga.

Nang matapos ay nauna na ang binata sa paghuhugas ng mga plato. Natulog na rin ang mag-lolo at naiwan silang dalawa roon. Hindi pa rin siya nito pinapansin at nais niya itong makausap. Nasasaktan siya sa ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.

Pinagmamasdan niya lang ito sa ginagawa nito at kahit pa sa ganoon ay nasasaktan siya. Kilala niya ang binata sa hindi masyadong pagpapakita ng tunay na nararamdaman ngunit kahit hindi niya batid, ramdam niya ito.

Iniisip pa lamang niya na iiwan niya ito ay nasasaktan na siya. Kahapon lang nila sinimulang maging masaya tapos ito na agad ang mangyayari.

Naisip niya rin na kung hindi siya magiging selfish para sa kapakanan ni Nana, hindi kaya nagiging selfish naman siya para kay Jack?

Mangiyak-ngiyak siyang lumapit dito at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Pinatong niya ang noo sa likod nito at doon umiyak sa likod ng binata.

Napatigil ito sa ginagawa ngunit hinayaan siya nito. Nanatili siyang umiiyak doon.

Ilang sandali lang ay hinarap siya nito. Inangat nito ang kanyang mukha at sinalubong niya ng tingin ang mga mata nitong may bahid pa rin ng lamig.

He wiped her tears away. She continued to sob.

"Jack—"

"Matulog ka na," sabi nito gamit ang walang emosyon na boses.

"But, gusto ko sanang sabihin—"

"Magpahinga ka na sabi."

Ilang sandali pa bago siya tumango. Iniwan niya na ito roon at dumiretso na siya sa taas upang matulog.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon