Chapter 44

116 7 0
                                    

CHAPTER 44
Joke

Sinalubong si Madison ng mahihigpit na yakap mula sa kanyang mga kaibigan. Hindi maitatanggi ang tuwa sa mukha nina Nana, Lala at Elsa na ngayon ay tumatalon-talon pa habang kayakap siya.

"Namiss ka namin nang sobra!" tumitiling sabi ni Nana.

"I missed you, too, guys," matamis ngunit matamlay na sabi niya. Hindi niya pa ring maiwasang tingnan si Jack sa hindi kalayuan na ngayon ay nabaling na ang atensyon sa babaeng kasama nito.

Mas maganda pala talaga ito sa personal. If she was not mistaken, the girl's name is Trisha.

"Ang ganda mo, Madz!" ani Lala at bahagya pa siyang sinabunutan kaya natawa naman sila rito.

"Nabati mo na ba si Kuya, Madison? Tara!" pag-aya ni Elsa sa kanya at hihilahin pa sana siya ngunit hindi siya umalis sa kanyang kinatatayuan.

"L-later na. Mukhang busy pa siya, eh."

Pansin naman niyang makahulugang nagngitian ang mga kaibigan. Nailang tuloy siya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin mula sa mga ito.

"Maddie!"

"Yaya," nakangiting pagsalubong niya ng yakap kay Jackielyn.

"Hindi ko inaasahan ang pagdating mo!" anito habang nakayapos pa rin sa kanya.

"I was really planning not to tell anyone."

Humiwalay ito sa yakap nila. "Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo ngayon. Halatang pinaghandaan mo ang pagpunta rito, ah?" Makahulugan din itong ngumiti at saka lumingon kay Jack na ngayon ay kinakausap ng kanilang mga kapit-bahay na tila binabati.

Madison shook her head awkwardly. "N-no. I mean, yes, pinaghandaan ko. But not in a way na iniisip mo, Yaya," aniya na muntik pang pumiyok ang boses. Natawa na lamang ito sa kanya.

Nagsimula nang magsalo-salo ang mga tao roon. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa mga taong naririto. Sa pagkakaalam niya, ginagawa raw nila ito palagi kapag may gumagraduate na estudyanteng taga-barangay nila. Nag-aambagan sila ng pagkain upang ipagdiwang ang mahahalagang araw katulad nito.

"Kana! I miss youuu!" ani Picolo at sinalubong siya ng yakap na tila naiiyak pa.

Madison laughed before hugging him back while holding a plate on her right hand. "Kumusta? How is it going with you and Elsa?"

Humiwalay ito sa yakap nila at nakangising bumulong sa kanya.

"9 years na lang," sabik na anito kaya kumunot ang kanyang noo.

"9 years?"

"9 years na lang at sasagutin na niya 'ko."

Nanatiling nakakunot ang kanyang noo. Ilang segundo rin siyang hindi nagsalita nang ilang sandali lamang ay napahalakhak siya.

"Bakit ka tumatawa?" nakasimangot na tanong nito.

Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "I like your patience, Picolo!"

Mas lalo itong napasimangot. "Ngayon ko lang nga narealize, ang tagal pa, eh."

Mas lalo siyang natawa rito. Napansin naman niya na nakatingin si Jack sa kanya sa hindi kalayuan at ito na rin ang unang umiwas bago ibinalik ang atensyon sa pakikipag-usap sa babaeng kasama nito.

Madison stopped laughing and turned her attention to Picolo.

"Everything will be worth it, Picolo. Always remember that. In the end of this God-knows-how long of waiting, you still have Elsa as your prize," she said and smiled then nudged his shoulder before proceeding to get some food to eat.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon