CHAPTER 11
Diary"Bakit ba kasi hindi mo siya sinamahan na umuwi?" may halong pag-aalala sa boses na ani Ernesto.
Sasagot pa sana si Elsa nang inunahan na siya ni Madison. "No, Elsa has nothing to do with this. Pinagpilitan ko na u-umuwing mag-isa," nangangatal ang boses na pahayag niya.
"Pasensya ka na talaga, Madison. May kasalanan pa rin ako. Kahit alam kong delikado, hinayaan pa rin kita," naiiyak na sabi nito kaya bahagya niya itong tinapik sa balikat.
"It's not your fault, okay?"
"Oo, wala kang kasalanan, Elsa. Kasalanan niya 'yan at alam na ngang gabi na, hindi nagpasama," sabat ni Jack habang inililigpit ang kanilang pinagkainan.
"'Wag kang mag-aalala, hija. Ako na ang bahala ang magsumbong bukas sa barangay. Walang hiya talaga 'yong si Dokdok. Dapat dati pa lang ipinakulong na 'yon."
Napayuko siya at nang bumalik sa kanya ang alaala ng kanyang sinapit kanina ay napayakap siya sa kanyang sarili.
Nang makita niyang tapos na sa paghuhugas ng plato ang binata, tinawag niya ito.
"Jack."
Napalingon ito sa kanya at itinuro naman niya ang pinto. "Is the door locked?"
Napatingin ang binata roon. "Naka-lock na."
"Can you please check again? Just to make sure."
Hindi sumagot ang binata. Kapansin-pansin sa kanyang boses ang labis na pagkabalisa at takot.
Hindi ito sumagot at lumapit doon para muling tingnan ang pintuan.
"'Wag kang mag-alala, sarado na 'yan."
"O-okay."
Ilang sandali lang ay umupo ito sa kabilang upuan at doon nahiga habang nanonood ng TV. Nakayakap lang siya sa kanyang mga tuhod habang ang tingin ay naroroon pa rin sa pinto. Iniisip niyang ilang sandali lamang ay papasok doon si Dokdok at muli siyang sasamantalahin.
"Umakyat ka na ro'n sa taas at matulog."
Nabaling ang atensyon niya nang magsalita ito.
"H-how about you?"
"Dito ako matutulog."
Wala siyang ideya kung bakit nito naisipang matulog doon ngunit nang malaman niya 'yon ay aaminin niyang gumaan ang kanyang loob. Pakiramdam niya ay ligtas siya.
"O-okay, good night."
Knees trembling, she walked her way upstairs.
Kinaumagahan, ibinahagi niya ang kanyang sinapit sa kaibigang si Nana.
"I was so scared. Hindi ko talaga alam on what to do kasi he was almost naked na and I was weak enough to not be able to shout for help," kwento niya rito habang nakaupo sila sa balkonahe ng kanilang bahay at kumakain ng cookies.
"Mabuti na lang pala talaga at dumating si Jack," sabi nito kaya umangat siya ng tingin sa dalaga.
"Yeah, but Dokdok ran away after seeing Jack. I don't know, I'm still scared of the thought that he's still here... watching us."
She was feeling anxious again. Hindi mapakali ang kanyang mga mata. Nanginginig din ang kanyang kalamnan dahil sa pangamba.
Nang maramdaman niyang hinawakan ni Nana ang kanyang kamay ay napatingin siya roon. Nang umangat siya ng tingin dito ay sinalubong siya nito ng matamis nitong ngiti.
"'Wag kang mabahala. Nandito ako, ligtas ka."
A smile flashed on her face. She never thought that she would feel genuine comfort from someone like Nana. They were not that friends—close friends, they were not just strangers and she didn't even hate her.
BINABASA MO ANG
Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)
RomanceA season she will never forget. *** Madison Lewis is an 18-year-old spoiled brat, living her luxury life in the lands of West Midlands, United Kingdom. Despite of having the worst attitude among her three siblings, her parents could not stand her ex...