Chapter 26

142 3 0
                                    

CHAPTER 26
Panaginip

"Bingi ka?"

Umiling-iling siya ngunit tila hindi pa rin makagalaw sa kanyang kinauupuan.

"Ang sabi ko, halikan mo 'ko," ma-awtoridad na sabi nito.

Napaawang ang kanyang mga labi. Totoo ba itong naririnig niya? Jack was asking her to kiss him.

"I—I don't know w-what you are—"

Before she could finish her sentence, his lips were already touching hers. His hand was already on her face holding it. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso, tila hihimatayin siya sa lagay niya.

Tears continued to fall from her eyes but this time, it was because of happiness.

Kumalas ang binata sa kanya at ipinagdikit ang mga noo nila. Nanatiling nasa mukha niya ang kamay nito na bahagyang hinahaplos ang kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. She continued sobbing, iniiyak ang naghahalo-halong emosyon.

"Ngayon, masaya ka na?"

Bahagya siyang dumistansya rito para matingnan niya ang mga mata nito at nang hindi siya maduling. Natigilan siya nang sa wakas, may nakita siyang emosyon sa mga mata nito.

The way how Jack was looking at her seemed like she was the precious thing that ever existed. Hindi pa siya nakakatapos sa isipin niya kung panaginip lang ba ang ginawa nitong paghalik sa kanya at ngayon naman, hindi na naman siya makapaniwala sa mga nakikita niya sa mga mata nito.

Hinawan niya ang kamay nito na nasa kanyang mukha.

"Yes, m-masaya na..."

Kung paanong sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito ay ang paglaro ng mga paruparo sa kanyang puson. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala at labis na naguguluhan. Ano ang mayroon kay Jack? Lasing ba ito? Nananaginip lang ba siya?

"Am I dreaming?"

He chuckled then wiped her tears away. "Hindi, bakit?"

Umiling siya. "W-why are you doing this?"

Napatingin ito sa mga mata niya.

"Hindi ito tama."

Kung paano niyang natunghayan ang pagsilay ng ngiti nito, ganoon din ang pagsaksi niya kung gaano itong bumalik sa dati. Isang iglap lang, naging malamig na naman ang mga mata nito.

"Paano mo nasabi?"

Napatingin siya sa malayo. "You are for Nana. Nana is for you, Jack," she said then sniffed. "Can't you just let me stand where I am supposed to?"

Malamig lang siya nitong tiningnan. "Saan ka ba sa palagay mo?"

Ibinalik niya ang atensyon dito. "Dito lang. A-ayaw ko nang umalis dito. I am almost done building the barriers between us. Ayaw ko nang sirain pa 'yon... and whatever you and Nana have..."

"Ayaw mo sa 'kin?"

Natigilan siya sa paghikbi. Tumingin ang binata sa malayo.

"Inakala mo ba talagang may namamagitan sa amin ni Nana?"

Nagulat siya sa sinabi nito ngunit nanatili siya sa kanyang pwesto.

"Walang may namamagitan sa amin."

She couldn't believe it. Nanggaling na mismo 'yon sa bibig ng binata. Nahihirapan pa siyang i-sink in ang lahat ng 'yon sa utak niya nang magsalita itong muli.

"Siya lang ang umasang meron."

Her eyebrows puckered. He only said a few but hundreds of questions were already filling up her head.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon