Chapter 38

108 2 0
                                    

CHAPTER 38
Fucked up

Madison's jaw fell and she shook her head in disbelief. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa sa nalaman.

"No..." sambit niya at umangat ng tingin dito. Nang tumango-tango si Jackielyn ay nagsimula na siyang maging emosyonal.

"This can't be! I am a Lewis! I was born a Lewis! You're saying nonsense, Yaya!"

Hindi na niya napigilan ang sarili na mapasigaw. Parang winasak ang puso niya sa nalaman. Jackielyn's revelation was worst than a breakup.

"N-nagsasabi ako ng totoo, anak." Jackielyn started to sob.

"Ibig mo bang sabihin, hindi ko kapatid si Elsa?"

Napalingon sila kay Jack na ngayo'y mas lalo pang kumunot ang noo.

Hindi sila nakatanggap ng sagot mula rito kaya napabitaw si Jack sa kamay niya at napahilamos ng mukha. Natulala pa siya sa kamay niyang binitawan nito.

"Ano na naman bang kalokohan 'to?" sigaw nito at saka tumayo.

"N-nagsasabi ako nang totoo. M-maniwala kayo sa 'kin, mga anak ko. Maddie, anak. 'Di ba sabi mo, s-sana ako na lang ang mom mo?" lumuluhang anito. "Ngayong nalaman mo na ang totoo, ako talaga ang tunay na mama mo, anak."

Umiling-iling si Madison. "No. Kahit pa naiinis ako sa mom ko, siya lang 'yung mom ko!"

Mas lalo pang naiyak si Jackielyn. Si Jack ay hindi na rin maipinta ang mukha dahil sa nalaman.

Tahimik lang sila nang mga ilang minuto. Tumahan na rin si Madison sa pag-iyak.

Hindi niya maintindihan ngunit ang bigat-bigat ng nararamdaman niya. Ang alam lang niya ay hindi niya matanggap.

"W-why are you saying that, Yaya? K-kung ayaw mo sa relationship namin ni Jack, just tell us right away. Hindi 'yung gagawa ka ng kwentong hindi naman totoo!" may diing basag niya sa katahimikan.

"Madison... H-hindi ako gumagawa ng kwento, okay?"

"Then, how? Paanong—paanong gano'n?"

Nanatiling tahimik si Jack sa gilid habang malamig lang ang mukhang nakatingin kay Jackielyn. Natatakot siya nang walang dahilan. Pakiramdam niya kasi ay may magbabago sa kanila pagkatapos nito.

"May 15, ipinanganak namin kayo nang sabay ni Cecile."

Nang magsimula na itong magkwento ay natahimik sila at taimtim na nakinig dito.

"Sabay namin kayong ipinanganak. Same time, same place."

Bawat pagkwento nito ay tila nagpapabigat sa dibdib niya.

"Sabay kayong inilagay sa nursery, magkatabi kayo ng crib no'n. D-dahil desperada ako na mabigyan ka ng magandang buhay... i-ipinagpalit kita kay Elsa."

Natigilan siya sa sinabi nito. Gumuho ang mundo niya sa nalaman na halos hindi siya makapagsalita.

"Pumasok ako no'n doon nang walang tao. K-kasama ko si Tatay. P-pinigilan niya ako ngunit p-pinagpatuloy ko pa rin."

Alam ni Lolo Ernesto? Kaya ba hindi siya payag sa relasyon namin ni Jack no'n? P-pero bakit...

"Pinagpalit ko kayong dalawa nang hindi alam nila ni Ma'am Cecile at Sir David. Pasensya na kayo. P-patawarin niyo ako, anak."

Napaupo ito at hinawakan silang dalawa ni Jack sa tuhod nila habang umiiyak.

Her tears continued to roll down her cheeks. Natulala siya sa kawalan. Napalingon siya sa binata na nalukot na rin ang itsura sa nalaman.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon