Chapter 35

101 3 0
                                    

CHAPTER 35
Bangka


Naging masaklap para sa kanila ang pagkawala ni Ernesto lalo na para sa magkapatid na si Jack at Elsa. Ipinaalam naman sa kanila ni Jackielyn na agad-agad itong uuwi nang malaman ang masamang balita.

Tulala lang na nakatingin si Madison sa dagat habang nakaupo sa labasan ng kanilang bahay. Tinatapos na ni Jack ang bahay dahil anumang oras nang araw na 'yon ay darating na ang labi ni Ernesto.

Saka lang siya natinag nang lumabas si Jack habang nagpupunas ng pawis. Agad siyang tumayo at binigyan ito ng tubig.

Tiningnan niya lang ito habang umiinom ng tubig. Mugto ang mga mata nito at halatang walang tulog.

"Jack, magpahinga ka muna." Hindi niya naitago ang pag-aalala.

"Mamaya. Malapit nang matapos."

Matapos 'yon ay ibinalik nito sa kanya ang hawak na baso at bumalik sa pagtatrabaho roon.

She inahaled deeply as she was trying to understand Jack's current state.

Jack was even more colder compared to their first encounter. Wala na yatang kasing lamig pa ang binata lalo na nang mawala si Ernesto. Naiintindihan niya ang pinagdaanan nito sa kanyang pamilya. Kung gaano niyang natunghayan ang paglisan ng kanyang ama pati na ng ina nito. Ang tanging natira lang sa kanila ay ang kanilang lolo na si Ernesto na nagsilbing haligi ng tahanan nila. Ngayong pati ito ay wala na rin, ramdam niya ang pighati at pagdadalamhati nito.

Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya maiibsan ang sakit na nararamdaman nito lalo na at aminado rin naman siyang kahit kailan ay hindi niya na maibabalik pa ang buhay na nawala na. Sa paraan na lamang ng pagdamay rito pati na sa kapatid nitong si Elsa siya makatutulong at ang hindi pag-iwan sa mga ito sa oras ng kanilang paghihirap.

Napalingon siya nang makitang lumabas doon si Elsa na halatang kagagaling lang sa tulog.

"Morning," she greeted then smiled weakly. "Do you want to eat something?"

Mugto rin ang mga mata nito at halos hindi na makadilat.

"Gatas lang sana, Madison."

"Sure, upo ka muna. Ako na ang magtitimpla para sa 'yo."

That was the least she could do. To take care of them, to comfort them, and to stay by their side as long as they were still in mourning for losing Ernesto.

Inasikaso niya ang magkapatid. Ilang sandali lang din at dumating din si Picolo at iba nilang mga ka-lugar upang tumulong na umasikaso roon.

A few minutes later, dumating na ang labi ni Ernesto. Nagsimula na namang umiyak si Elsa pati na rin si Madison. Seeing Ernesto lying in a coffin broke her heart multiple times. It was more painful than she thought. Noong una ay hindi pa rin siya makapaniwala ngunit, ngayong nakikita niya na ito mismo sa harap niya, doon niya napagtantong wala na talaga ito.

"PANG!" naiiyak na sigaw ni Elsa na pinagtulungan naman nilang patahanin ni Picolo. Kahit siya ay hindi na rin mapigilang mapaluha.

Hindi niya inakala na ang pag-uusap nila kahapon, 'yon na pala ang huli. Naging makabuluhan 'yon at nagpapasalamat siya at nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang matanda nang ganoon. Sa isip niya ay sana matagal niya na 'yong ginawa. Matagal niya na sanang niyakap nang ganoon ang matanda.

Ernesto was right. He treated her as her real family, like his own blood. Hindi siya nito sinukuan kahit pa noong una ay naging masama siya rito. Hinayaan din siya nito sa pakikipagrelasyon kay Jack. Maikli man ang panahon na ibinigay sa kanila upang magsama, nagpapasalamat pa rin siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ito.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon