Chapter 8

132 7 0
                                    

CHAPTER 8
Sipit

Ilang araw pa ang nagdaan kung saan patuloy pa rin ang panunuluyan ni Madison sa pamilya ng kanilang katulong. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti na niyang nasasanay ang sarili sa ganoong klaseng pamumuhay.

"What the fuck is that noise?"

Naalimpungatan siya nang makarinig ng ingay mula sa kabilang kwarto. Agad na siyang lumabas upang tingnan kung ano ang nangyayari sa labas.

"Maayong aga, hija! Nagising ka ba dahil sa ingay? Pasensya ka na. Naglilinis kasi si Jack sa kwarto at inaayos ang mga gamit doon," ngiting bungad ni Ernesto sa kanya.

"Wala siyang work?" she said yawning.

"Basta lunes, wala siyang trabaho."

Hindi naman siya sumagot at kinakamot ang tiyan na bumaba upang uminom ng tubig.

"O, kasya pa naman pala ang uniporme mo, eh! Hindi na natin kailangang magpatahi sa pasukan!"

Napalingon naman siya at muntik niya nang iluwa ang tubig na iniinom nang makita si Jack na naka-uniporme. Naka-slacks ito na kulay puti at naka-tucked in doon ang pang-itaas nitong polo na kulay puti. May logo ito ng kanilang eskwelahan sa kaliwang manggas nito at nakadikit naman ang pangalan nito sa kaliwang bahagi rin ng kanyang dibdib.

Demillo, J C.

Oh my, if I were made to be a thing, I wanted to be a ship. Sakyan mo 'ko, now na!

She was mesmerized by how Jack was looking more good with his uniform. By just looking at him, she could really tell that Jack was a well-educated man.

Napaubo naman siya nang umangat ang tubig na kanyang iniinom patungo sa kanyang ilong kaya napalingon sa kanya ang dalawa.

"Ayos ka lang, hija?"

Umaprub naman siya bago tumalikod. Mukhang kinakahiligan na rin niyang ipahiya ang sarili.

Matapos kalmahin ang sarili, lilingon na sana siya upang uminom ulit ng tubig ngunit, huli na nang mapagtanto niyang nasa harap na pala niya ang binata at kinuha ang ginamit niyang baso at uminom din doon. Nanlaki pa ang kanyang mga mata habang tinititigan ito. Her eyes followed the up and down movement of his adam's apple while drinking. Tila wala rin siya sa sariling napapasunod sa paglunok nito.

Matapos uminom ay napatingin ito sa kanya kaya agad naman niyang ibinaling sa ibang bagay ang mga mata. Doon niya rin napansin ang nakasulat sa logo ng uniporme nito.

VMA Global College.

"Oh, your uniform has a little sira in there. It seems like it needs a little stitch," pag-iiba niya habang kinukusot 'yon.

Hindi ito sumagot habang malamig pa rin siyang tinitingnan kaya agad na siyang umiwas at umalis.

Matapos mag-almusal, nanood-nood siya ng TV sa sala. Nasa harap naman niya si Jack habang sinusubukang tahiin ang uniporme. Tahimik niya lang itong pinagmamasdan habang hirap na hirap ito sa paglalagay ng sinulid sa karayom.

When he started to stitch his uniform, they both flinched when he accidentally pricked his finger with the needle.

"Be careful!" sigaw niya kaya napaangat ito ng tingin sa kanya.

Napailing na lamang siya at tinabihan ito. Inagaw niya mula roon ang uniporme nito pati na ang sinulid at karayom.

"You used the wrong thread. Look, this fabric is white but your thread is yellow," natatawang sabi niya at ipinakita rito ang ginawa nito.

Summer Love in the Sugar Island (Isla de Negros Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon