"Anong problema anak?". Napatingin ako sa likuran at hinarap ang aking ina.
"Wala naman po mama, bakit gising pa kayo?".. Takang tanong ko sa kanya, anong oras na at gising pa ito.
"Hindi ako makakatulog hanggat nakikita ko pang bukas ang ilaw mo dito, mag pahinga kana at ipag pabukas mo na ang trabaho mo."
"Aayusin ko na lang at matutulog na rin ako.".Tumalikod ako at hinarap ang mga papel at mga ebedensiya na nasa lamesa ko..
"Teka anak," Napatingin ako sa kaniya ng nasa tabi ko na ito.
"Nakakatulog kapa ba at nakakakain ng maayos? Nasisikmura mo bang makita ang mga ito?" Nag aalalang tanong ni mama.
Napatingin ako sa mga litrato ng mga babae na wala ng buhay at pinatay ng napaka brutal.
Isa akong police woman at dalawang beses sa isang buwan na nag kakaroon ng kaso ng rape sa lugar na ito. At ako bilang part ng kaso ng mga bata at mga dalagang walang awa na nirerape at pinapatay ay ginagawa ang lahat para mahuli ang kung sino man ang mga gumagawa ng ganitong ka brutal..
"At ito ano ang mga ito? Nasisikmura ba ng isang tao ang ganito ka brutal na pag patay?". Gulat na tanong ni mama, napatingin naman ako sa mga tinitignan niya.
Sa kabilang side ng mesa ko sa tapat nito may naka kabit na isang chart.
Chart ito ng serial killer.."Gawa yan ng serial killer, hindi ko nga alam kung matutuwa ako sa kaniya o magagalit. Magagalit dahil pinapasakit ng taong yan ang ulo ko, anim na buwan ko nang hindi matapos tapos ang kaso niya at isa pa labing dalawa na ang napatay niya, at dapat na siyang mahuli". Seryosong pahayag ko habang nakatingin sa mga litrato ng mga pinatay at sa pangalan na nasa bandang itaas.
"At kapag nahuli ko ang taong yan marami akong dapat itanong, marami akong dapat malaman, malaki ang naitulong niya sa polisya pero ang pag patay niya sa mga rapist na to ay isang malaking dahilan kung bakit kailangan niyang mahuli."
"Hailey hindi bat delikado yang mga kasong hinahawakan mo?". Tanong ni mama.
"Mama police ako at isang detective, huwag kana mag taka kong delikado at nakakatakot ang mga ginagawa ko.".
"Alam ko naman anak, ayaw lang kita mapahamak dahil diyan sa kagustuhan mo.". Sagot niya.
"Marami na akong kaso na natapos at mga kriminal na nahuli, tiwala kalang mama". Lumapit ako at niyakap siya.
"Oh siya sige na nga pero mag iingat ka please.".
Natahimik kami at nakatitig lang sa chart. Isang doctor si mama sa malaking hospital dito sa Mount Hipayas, kung nag tataka kayo kong nasaan ang tatay ko, isa siyang sundalo at kasama siya sa pakikipag laban sa mga terorista at kalaban ng gobyerno sa Mindanao..
"Gero". Bulong ni mama..
"Sa tingin mo ba mama, lalaki ang killer na yan?".Tanong ko.
"Sa tingin ko lalaki yan, hindi naman kayang pumatay ng isang babae, lalo nat ganiyan ka brutal." napatingin siya sa mga lalaking nasa litrato at may malalaking letrang G.E.R.O na nakaukit sa kanilang muka. Inukit gamit ang isang cutter o matalim na kutsilyo. "Pero pwede ring babae, hindi ko alam anak.".
"Diyan din ako nahihirapan mama,kung babae ba o lalaki ang may gawa ng lahat ng ito.".
"Oh siya anak,matulog kana at itigil mo muna ang mga ginagawa mo, anong oras na". Hinalikan ko siya sa noo at inihatid sa may pinto.
"Goodnight" Yun lang at lumabas na siya at tumungo sa kwarto niya.
Bumalik naman ako sa mesa at tinignan ang letrato ng isang bata.
"Stephanie Dameso". Bulong ko. Ayun sa information ng batang ito, 12 years old siya at nakatira sa kabilang bayan.
Natagpuan namin kanina ang bangkay ng batang ito malapit sa beer house.At bukas pa makikita ang CCtv ng beer house na yun, mabagal ang proseso ng pangangalap ng ebedensiya, ito rin ang problema namin.
Limang taon na ako sa pagiging police woman, at lahat ng kaso na nahawakan ko pinakamatagal matapos ang isang to, itong serial killer na ito ang nag papasakit ng ulo ko.
Matalino siya, lahat ng galaw niya ay mahahalata mong matalinong kriminal at mamamatay tao ang isang yun.
Foot prints, finger prints, at ibang mga bagay na pwedeng maging ebedensiya lahat ng mga yan ay wala ni isang iniwan ang killer, kaya hanggang ngayun wala pa akong ka alam alam kong sino ang taong gumagawa ng brutal na pag patay.Inalis ko na ang suot kong jacket at pumunta sa bathroom para mag relax kahit kunting minuto lang, nitong mga nakaraang buwan nadodoble ang pag tatrabaho ko dahil sa mga taong makasalanan na dapat huliin.
Hindi madali ang pagiging police, bawat buhay ng mga inosenteng pinapatay ay masakit para saakin, para saaming mga police..
At narito kami para makamit ang hustisya na hinahangad ng mga pamilyang naulila ng mga inosenteng mga bata at kababaehang pinatay ng walang awa..
At malaki ang pasasalamat ko sa Serial killer na ito dahil karamihan sa mga rapist ay makapangyarihan at nakakapag piyansa gamit ang kanilang maduduming pera, sa tulong ng killer ay nakakamit namin ang hustisya sa pamamagitan ng pag patay niya sa mga walang pusong mga rapist na yan.
Hindi ko alam pero humahanga ako sa Gero na ito..
"Kung sino ka man mahuhuli din kita.".
YOU ARE READING
That Killer Rose [COMPLETED/EDITING]
RomanceHailey is a reliable and excellent police officer. She is expected to end the case that no other good investigator and detectives can close. Will she find out who the killer is? Will she end the case? Photo cover not mine, credits to Anny Spratt. Tr...