35. Caught

2.7K 164 2
                                    

Nakasunod lang ako sa sasakyan na nauuna, medyo malayo layo na kami sa city, at nahihirapan akong sundan siya dahil pinatay ko ang ilaw ng kotse ko,mahirap na kapag nalaman niyang may nakasunod..  Malayo ang agwat ko sa kaniya para hindi marinig ang tunog ng kotse, hanggang sa ang daan na tinatahak ko ay naging rough road at mahirap kontrolin ang manebela idagdag mo pa na hindi ko makita ang daan..

Mga sampong minuto pang nag tagal sa daan ng mapansin kong lumiko siya papunta sa isang may kalakihang warehouse, hindi ko alam kong anong lugar ito, wala akong ka handa handa, sumunod ako ng walang dala, ang nasa akin lang ay ang Baril ko.. Hindi ko alam ang mangyayare ngayong gabi basta ang mahalaga malaman ko kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito...  

Huminto ako sa isang poste at inayos ang sarili, iiwanan ko ang kotse dito, kinuha ko ang baril ko na nasa upuan at inilagay ito sa bewang ko.. Lumabas na ako at inilock ko muna ang kotse bago nag simulang mag lakad papunta sa may kalayuang pinasukan ng killer..  Habang nag lalakad, iniisip ko na kung ano ang mangyayare ngayong gabi..

Nang makalapit na ako sa warehouse tumingin muna ako sa paligid baka nanjan lang ang killer at  baka napansin niyang may nakasunod, lumapit ako sa gate at itinulak ito ng dahan dahan pero nakalock..

"Shit!".. Bulong ko at tumingin ng butas para mapasukan.. Tumakbo ako papunta sa side para tignan kong may iba pabang pasukan pero wala.. Hanggang sa naabot
Ko ang likod ng warehouse.. Sinubukan kong itulak ang pinto pero katulad ng sa harap ganun din ito..

"Isip!!"... Bulong ko sa sarili ko,   30 minutes na ako dito sa labas simula nung nag lakad ako.. "Shitt!".. Agad akong tumakbo pabalik sa harap..  Baka tapos na siyang patayin ang lalaki.. Nakabalik ako kaagad sa harap at tumingin sa napakalaking bakal na gate na ngangalawang, napatingin ako sa baba..  Nang mapansin ko na may space ito nabuhayan ako at agad na dumapa para sumilip...

Pagkasilip ko gulong lang ng kotse ang nakikita ko at ang mga nakapaligid na mga galon..  Agad akong nakaisip ng paraan, kinuha ko ang extrang gloves na nakasabit sa likod ng jeans ko at isinuot ito, nag simula akong mag hukay  ng butas sa ibaba mismo ng gate kahit na naka plaster pa ang isa kong kamay...  Shit! Hindi ko inaakalang ganito pala kahirap pasukin ang lungga ng killer.. 

Nang mapansin kong mas malawang na ang space at kasya na ang katawan ko agad akong nag punas ng pawis at sumilip muna bago dumapa at ikasya ang katawan ko sa butas.. "Arght!"..  Mahinang daing ko ng nasinghot ko ang lupa...  

Nahihirapan ako sa pag pasok sa maliit na butas, naiipit pa ang lower back ko, pero hindi ito ang magiging dahilan para tigilan ko ito... Sinubukan ko paring hilain ang ibabang bahagi ng katawan ko  at sa pangatlong attempt  tuluyan na akong nakapasok sa loob ng warehouse..

Napaupo ako sa lapag at huminga ng malalim  bago inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng warehouse.. Agad akong tumayo nang maalala ko na may pakay pala ako sa pag pasok sa warehouse na to, lumapit ako sa harap ng sasakyan para sumilip, pero walang katao tao..

Napatingin din ako sa hood ng kotse at tama nga ang hinala ko.. "Beylaaxine Gero..".. Bulong ko at naalala ang nakita namin ni Cruz  sa Cctv, ang kotseng iyon at ito ay iisa.. At ang may ari nito ay walang iba kundi ang killer... Ngayon mismo malalaman ko kung sino siya..  Pero hindi ako nakakasiguro na mahuhuli ko ba siya.. O ako mismo ang hindi na makabalik pa at makaalis na lugar na to.. 

Sana lang maging ligtas ako at sumama siya ng kusa saakin.. Sana lang buhay pa akong makalabas sa lugar na ito....

Agad kong inalis ang isiping iyon at  ipinalibot ulit ang paningin ko, at iisa lang ang nakikita kong parte ng warehose na to, may isang pinto na ang nakalagay sa harap ay Office, at sa tingin ko nasa loob ang Killer at ang Victim nito.. 

Pumikit ako ng madiin at nag dasal, huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ...  

Hinugot ko ang baril sa bewang ko at hinawakan ng mabuti.. "Kaya ko to.."... Nag bilang ako ng tatlo sa isip ko at huminga ng malalim bago nag simulang lapitan ang pintong iyon...  

Habang papalapit ako ng papalapit sa pinto ganun din bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko kaya naman ng nalapitan ko ito at nahawakan ang Door knob, huminga ako ng malalim..."Ito na.."... Bulong ko, nakatutok lang ang baril na hawak ko sa harap at binuksan na ang pinto..

At....

Oh my god!... Sigaw ko sa isip ko at ang kaliwang kamay ko na may plaster ginamit ko para takpan ang bunganga ko para huwag gumawa ng ingay at para narin pigilan ang gustong lumabas sa bunganga ko..    Hindi ko alam bakit parang ang tagal ng mga segundo.. Feel ko minuto na akong nakatayo dito but in reality, segundo palang ang lumipas..

Ang kabuuan ng kwartong ito ay nakakatakot.. , madilim at ang ilaw lang ay nakatutok sa taong nakatali patiwarik na tumutulo ang dugo sa lapag.. , at sa taong hindi ko alam kong sino dahil natatakpan ito ng katawan ng taong wala ng buhay na nakasabit...at.. At....at naliligo sa sarili nitong dugo.. Ang buong lapag banda sa pwesto nila ay maraming dugo..

Ang tanging nakikita ko lang sa taong nasa likod ng katawan ay ang suot nitong combat boots.. Lalo lang akong kinabahan... Sino ang taong to... Sino ang killer...
Bakit parang may nag sasabi saakin na masasaktan ako sa malalaman ko.. Bakit ganito ang nararamdaman ko.. 

Fuck!

Sinubukan ko baliwalain ang nakikita kong dami ng dugo, ang nakasabit na katawan ng tao, at ang kabang nararamdaman ko..
Sunubukan kong i compose ulit ang sarili ko at hinanap ang boses kong kanina ay nag tago...

Nanginginig ang kamay ko hawak ang baril, nakatutok lang ito sa pwesto ng killer..
Huminga muna ako ng malalim at sumigaw.

"Hipayas Police Department! Drop whatever you're holding  and put your hands behind your head!"..   Nakita kong napaatras ang Killer at sa tingin ko nagulat siya sa pag sigaw ko..

Nandito parin ang sobrang kaba at ang boses na nag sasabi na masasaktan ako.. Pero agad ko itong iwinaglit at nag focus..

Ilang segundo itong nakatayo at hindi parin gumagalaw kaya naman.. 

"I told you to drop whatever you're holding!"..  Nakatayo lang ako habang mahigpit na hawak ang baril na nakatutok sa direksyon nito..  

Nakita kong binitawan niya ang isang bagay na pahaba at ang dulo nito ay tumutulo ang dugo, binitawan niya rin ang hawak niyang kutsilyo..  

"Put your hands behind your head and move to the side so I can see you..".. Utos ko.. Nakatayo lang siya ulit at umabot yata ng dalawang minuto bago siya gumalaw...   

"Now!"... Sigaw ko...  Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kong sa kaba ba? O sa excitement na nararamdaman ko... Ngayon makikita ko na kung sino siya.. Kung sino ang Killer..

Dahan dahan siyang nag lakad at humarap sa akin, agad nag tama ang mata naming dalawa...  

Para akong naputulan ng ugat sa leeg, para akong tinakasan ng dugo... Parang gusto tumigil ng puso ko.. Parang gusto ko nalang mamatay... Parang gusto kong tumakbo at lumayo sa lugar na ito... Sana panaginip lang ito.... 

Tinignan ko ang killer, mula ulo hanggang paa, sa kamay niyang nababalutan ng dugo!, sa muka niya na may bahid ng dugo!  Lahat! Ang buong katawan nito ay puro dugo... Bumalik ang mata ko sa mata nito... At binanggit ang pangalan na ayaw kong paniwalaan.. 

"Bella..."

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now