7. Envelope

3.5K 183 2
                                    

Katatapos lang ng lunch at nandito kaming lahat ng team sa office ko, pinag uusapan ang nangyare nanaman kanina.

Pagkarating namin ni miles kanina dito sa presento nandito kaagad ang pamilya nung doctor at humihingi ng tulong para makuha ang hustisya sa nangyare sa asawa niya. Sinabi nalang namin na gagawin ang lahat para matigil na sa pag patay ang killer.

Tumayo si Binido at tinignan ang litrato ni Dr. Israel, natapos na ang imbistigasyon pero wala ni isa ang nahanap na makakatulong para ma identify namin kung sino talaga ang may gawa ng lahat ng pag patay, maliban sa pangalan niyang Gero.

"Hindi yan inosente". Bulong niya habang nakatayo at malalim ang iniisip. "Hindi naman papatay ang killer na yun kung hindi rapist o masamang damo ang isang to".

"Hindi tayo nakakasiguro Binido". Sagot ko.

"Malay mo may napatay na palang iba yan hindi lang nakasama sa case na hinahawakan ng team natin".Tumalikod ako at nag lagay ng kape.

"Baka may criminal records ang killer na yan sa ibang lugar.". Umupo ako at tinignan silang lahat. ". Hindi natin alam".

"Tama si Agent, pero paano natin ma iimbistigahan o matanong sa ibang lugar kung hindi natin alam ang identity ng killer". Itinaas ni Revera ang mga litrato ng ng biktima.

"Ito bang mga letra na to? Ito lang ang alam natin sa killer na yan at anim na buwan na tayong nililito at pinag lalaruan.".  Inilapag niya ito at humarap saamin.

"Kailangan nating aralin at alamin ang bawat galaw ng killer, gaya ng nurse, kung saan siya nahanap doon din nakita ang bangkay ni Dr. Israel..". Humigop ako ng kape at tumingin sa kanila.

"Kailangan lang nating mag pay attention, sa tuwing may kaso ng rape, doon gagalaw at papatay ang killer".    Pag tapos ko sa sasabihin ko.

"Hindi pa naman natin alam kung talagang may kinalaman nga si Dr. Israel sa kaso nung nurse.". Sagot ni Cruz.

"May isa lang akong napansin sa killer, sa tuwing may pinapatay siya, mag iiwan at mang iiwan ito ng ibedensya na mag papatunay na hindi inosente ang mga pinapatay niya." Seryosong pahayag ko.

"Gaya na lamang ng last case nung bata, ang way niya ng pagsabi ay yung sapatos, kinuha niya ito at isinama sa crime scene..". Nag lakad ako palapit sa kanila. "Para ipaalam saatin na ang lalaking yun ang may gawa sa pag patay at pang gagahasa"

Halata sa mga muka nila ang gulat at reyalisasyon, matagal ko nang naisip ang bagay na yan, simula palang nung una niyang pinatay ang isa sa kinatatakutang gobernador ng bayan na ito, sakim ang taong yun at tama lang sa kaniya na mamatay.

Hindi naman ibig sabihin na nasa panig ako ng killer pero kahit anong sabihin ng iba, hanga parin ako sa talas ng isip ng killer.

"Agent castro, may mahalaga kaming nahanap sa Device ng Victim". Agad agad akong lumapit kay fernandez at nag hintay sa ginagawa niya.

"Anong meron?". Tanong ni Cruz.

"Pagkabukas ko ng device na to, nasa recording agad, at may record akong nakita, ginawa lang kaninang 3:36am". May ginalaw pa siya at pinindot ang play button.

Lahat kaming nandito sa office lumapit at hinintay na mag start, may naririnig akong galaw ng isang tao at maingay na hangin.

*Pinatay ko ang isang yan, pati ang pangalawa at si Delia, pinatay ko sila.. At ginahasa...*

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now