23. Dark past.

2.6K 161 3
                                    


"Ley nag papasundo si Ellena, mauna na rin ako susunduin din namin yung step father niya sa airport, 11:36pm na darating na din mamaya kunti si Bella, wait for her..".. She said.. Tumango lang ako, kanina pa kami nanunuod ni Miles, nanuod kami ng vampire diaries.. 

"Take care Miles".. Tumango lang siya at lumabas na, wala pang sampong minuto natapos na rin ang movie kaya naman pinatay ko na at pinilit ang sarili kong matulog.. Pero hindi ko magawa.. Laging nag popop up sa isip ko yung panaginip ko.

Tinanong ko kanina si Cruz kung may kaso ba ang killer pero wala, ang about naman  Kay Lim  hindi pa rin siya mahanap, ang lahat naman ng mga babaeng kinidnap nasa hospital sila ngayon at nag papagaling, laking pasalamat daw ng mga magulang saakin, saamin ni Agent Raquel..
Masaya ako dahil natapos namin ng maayos ang operasyon, walang namatay  at nasawi.. Buti nalang din nadala ako sa hospital bago pa lasunin ng gamot ang buong katawan ko dahil sa itinusok saakin ni Lim..  


Narinig kong may humawak sa door knob ng pinto kaya agad kong inayus ang kumot sa ibabaw ko at nag panggap na tulog.. 
Naramdaman kong may pumasok at dumiretso sa mesa at may nilapag na something, sumilip ako gamit ang kaliwang mata ko at tama nga ang hinala ko si Bella nga ito..  Bago pa niya ako mahuli pumikit na ulit ako at nag kunwaring tulog..


Lumapit siya at umupo sa upuan sa tabi ng hospital bed.."Hey babe, hindi ka parin gising, kelan ka gigising..".. Bulong niya at hinawakan ang kamay ko.. "I miss you Agent.. Gaya ng nakaraang mga gabi hindi ako nakapag concentrate sa trabaho kasi nasa sayo ang isip ko. Hays, kunti nalang masisisante na ako, talagang mangyayare yun kapag hindi kapa nagising..".. Patuloy parin na pananalita niya, gusto kong ngumiti at sabihing miss ko rin siya pero parang nag eenjoy muna akong makinig kaya ginawa ko muna ang best ko magpanggap..  


"May kwento ulit ako sayo,".. Tumawa siya bago mag salita ulit.."Kanina may matanda na nag order ng cocktail then hindi ako nakikinig kasi iniisip kita, tapos nun nag reklamo siya kasi ang naibigay ko yung pure gin".. Tawang tawa siya sa kwento niya kaya ako subrang pigil din tumawa.."tapos alam mo babe yung matanda naibugso yung gin sa sobrang tapang"..  Tawa siya ng tawa kaya gusto ko na gumive up at makitawa nalang din sa kaniya. Hanggang sa tumigil siya at naramdaman ko ang mainit niyang palad na pumunta sa mukha ko..  

Hinahaplos niya ng dahan dahan ang muka ko at mas lumapit pa siya.. "Akala ko wala nang saysay ang buhay ko, but I'm wrong.. Akala ko wala nang pag asang sumaya pa ako, akala ko mag isa ko nalang sa mundong to, yung tipong marami ngang taong tumitingin at nakakasama mo pero still I feel like Im alone..".. Ramdam kong titig na titig siya saakin habang hinahaplos ang muka ko..

Hindi ko alam kong anong meron bakit ganyan ang mga sinasabi niya..  "I though Hindi na ako mag mamahal pa pagkatapos niya, I thought wala nang kwentang mabuhay pa, pero noong dumating ka Agent Hailey binago mo ang lahat, feel ko subrang halaga ko sa mga ipinaparamdam mo.."..  Rinig ko na ang mahinang pag iyak nito, gusto ko siyang yakapin..

"Alam mo bang nakita ko ulit siya ngayong gabi, noong nakita ko ang muka niya bumalik ang lahat ng ginawa niya  sa pamilya ko. Ang ginawa niya kay mama, kay Audrey, kay Bella rose.. At kay papa..  Bumalik ang lahat ng alaala noong gabing nangyare ang pinakamasakit at pinaka madilim na gabi.. Agent Babe, ang sakit makita na ang buong pamilya mo ay pinatay ng sarili mong boyfriend..   Minahal ko siya, ipinaramdam ko na parte siya ng pamilya namin at nagawa niyang patayin silang apat sa harap ko mismo at sa iisang dahilan lang.."...  

Shitt! Shitt!.. Bakit kailangan kong marinig ang lahat ng ito! Bakit niya sinasabi ang lahat ng ito..  Sino ang tinutukoy niya? At kapag nahanap ko kung sino man ang lalaking pumatay sa pamilya niya  sisiguraduhin kong papatayin ko siya!..  
Papatayin ko siya kahit na alam kong mali sa mata ng diyos at sa batas.!   
Pinilit ko ang sarili kong kumalma,mas malalim ang mga iniipon kong hangin at ibinubuga.. Sana lang hindi niya mapansin..
Dahil alam kong hinding hindi niya sasabihin ang madilim na nakaraan niya kapag gising ako.. Alam kong inilalabas niya ang lahat ng ito dahil alam niyang hindi ako nakikinig.. Pero mali siya.. 

"Agent isang mababaw lang na dahilan kaya niya ginawa ang lahat ng yun sa pamilya ko..".. Huminto siya at huminga ng malalim, umiiyak siya at gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kaniyang tutulungan ko siya..  Na nandito lang ako sa tabi niya.. Na poprotektahan ko siya mula sa lalaking sinasabi niya..    At nag tataka ako, ano bang dahilan bakit nagawa ng hayop na yun ang patayin ang pamilya ni Bella..


"Hindi ko lang siya mapag bigyan, gusto na niyang may mangyare saamin.  Hindi ko siya pinag bigyan dahil ang bata kopa noon for fuck sake!  Seventeen years old!.. Gusto niya akong gahasain! Pero hindi siya nag tagumpay dahil nakita siya ni papa.. 
At isang gabi.. Ang gabi na yun.. Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko ang buong pamilya kong nakatali at nanduon siya..   Fuck! Hanggang ngayon masakit parin!.. "..  May tumulong luha sa  pisngi ko.. Hindi ko alam kong paano punasan hanggang sa naramdaman kong ipinatong niya ang ulo niya sa dibdib ko..  

"At alam mo ba ang mas masakit agent?".. Tumawa siya ng pagak.."Ang pag bintangan na ako ang gumawa ng lahat nang yun sa sarili kong pamilya.. "... Umiiyak na pahayag niya.."Hindi ko nakuha ang hustisya dahil Head ng police department  ang tatay niya, kaya diba sabi ko sayo ayaw ko sa pulis dahil yun ang dahilan.. Pero ngayon..
Mahal na kita.. At ikaw ang bagong ilaw sa buhay ko Agent..."..    

Wala akong ginawa kundi kumalma at makinig sa lahat ng sinasabi niya..  
Hindi ko maisip ang lahat ng sinabi niya.. Its too much for me..  Ang pangako ko lang gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makuha niya ang hustisya..   
Tutulungan ko siya at hihintayin hanggang sa masabi niya saakin ang bagay na to..
Handa akong makinig ulit kahit na alam ko na ang nangyare.. Buong puso ko siyang sasamahan..

At gusto ko siyang pakasalan, gusto ko siyang mahalin kahit na kelan lang kami nag kakilala, gusto kong iparamdam sa kaniya at sabihin na hindi pa huli ang lahat, na nandito lang ako para sa kaniya..

Hindi na siya nag salita at nanatili lang sa dibdib ko, lumalalim na ang paghinga nito kaya alam kong tulog na siya.. Nakatulog na siya dahil sa pag iyak..


"I love you Bella.."... Bulong ko..

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now