21. Hint! Hint!

2.5K 149 2
                                    

Bella Point of view..

"Good morning Babe, maaga akong umalis dahil may importante kaming operation.. See you later..".. 

Wala namang kahit ano sa note pero kinikilig parin ako.. Hayy..  Tinignan ko ang oras sa bedside table, 9:31am na kaya bumangon na ako  at  pumunta sa Bathroom.. Hinubad ko ang lahat ng suot ko at tumingin sa salamin.. Puno ng hickey at bite mark ang collar bone ko, sa leeg, sa breasts pati sa mga thighs ko..

"Damn that hottie cop".. Bulong ko at binuksan ang shower..  Narelax ako ng tumama ang warm water sa balat ko, inabot ko ang shampoo at dumulas to sa kamay ko kaya nahulog at nabasag sa lapag..

"Shit!"... Ingat akong nag lakad at kinuha ang towel, kinuha ko ang dusk pan at nilinis ang lahat ng ito...   Hindi na ako nag tagal pa sa bathroom kasi iba ang nararamdaman ko, ewan ko ba bakit parang may mali, nag bihis ako kaagad at nag suot ng oversized shirt at short shorts. Kinuha ko ang phone sa table at binuksan ito kong may text ba galing sa Club, hindi kasi ako pumasok kagabi dahil kay Agent..

Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng milk at cereal, yun nalang ang breakfast ko wala din naman si Agent..
Umupo ako sa sofa kaharap ng Tv at in on ito, wala naman akong gagawin maghapon at mag hihintay lang ako kung kelan ba pupunta ulit dito si Ley..

Nilipat ko ang channel hanggang sa naagaw ng pansin ko ang visual sa tv.. 

:Naisugod na sa malapit na Hospital ang may hawak ng kasong ito na si Agent Hailey Castro, sa kabuuan naging maayos ang operasyon at nailigtas ang mahigit isandaang kababaihan na nasabing kinukuhanan ng organs at ng cell..

:Tony kamusta naman ang kalagayan ni Agent Castro malala ba ang nangyare sa kaniya? May mga police bang nasawi o nasugatan?

:Sa ngayon Wendy kasalukuyan siyang nasa ER, Mahigit trentang mga police ang sugatan at salamat naman dahil walang nasawi o namatay sa operasyong ito, Samantala, ang lahat ng mga kasangkot sa krimeng ito ay nadampot na ng mga pulisya.. At ang kilalang Doctor na si Dr. Lim ay nakatakas at hinihinalang siya ang huling kasama ni Agent Castro, sinasabing siya ang gumawa at nag inject kay Agent Castro ng hindi pa alam na gamot..

:Salamat Tony..

:News West tony Valdemar... 

Napahawak ako sa bibig ko at pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.. Agad akong tumayo at kinuha ang susi sa table.. Nag suot lang ako ng hooded jacket at jogging pants, isinuot ko ang black rubber shoes, nang okay na lumabas na ako para pumunta sa kotse at puntahan si Hailey.. 

"Babe kong ano man ang nangyare sayo please kayanin mo".. Mahinang bulong ko habang inilalabas ang sasakyan sa parking lot..  Inalis ko ang butil ng luha sa mga mata ko .. Ito na ang sinasabi ko, mahirap mag mahal,  kung yong taong minamahal mo ay nasa dilikadong sitwasyon at wala kang magawa tungkol dito..  

Hindi ko alam ang lugar na yun  at pasalamat nalang ako sa Gps.. Derecto west Hospital ang nakita ko kanina sa tv.. Kaya doon ako pupunta..   
Nasa daan ako na walang ka bahay bahay at puro malalaking puno lang, sa gilid nito may ilog na rumaragasa, hindi ko alam ang lugar na to kaya tumitingin ako sa paligid ko..   30 minutes na akong nag mamaneho at 20 minutes nalang mararating ko na ang hospital, yun ang sabi sa gps..

Sa gitna nang daan binagalan ko ang takbo ng kotse dahil may nakaputing lalaki na sa tingin ko ay humihingi ng tulong.. Nang makalapit ang sasakyan tinignan ko ng mabuti ang taong to, dumudugo ang binti niya at mukang pagod na pagod.. 
Bumaba ako at nilapitan siya..

"Tulungan mo ako miss.."... Napatingin ako sa itsura niya, marumi ito at nakasuot ng puting damit na pang doctor,  sa bandang dibdib may pangalan.. At kong sineswerte nga naman ako...

Dr. Lim... So ikaw pala ang dahilan kong bakit nag aagaw buhay ngayon ang Agent ko..    

"Ano pong nangyare sa inyo?".. May katandaan na ito at medyo mas matangkad ako sa kaniya....

"Please miss hindi ko na kaya, tulungan mo nalang ako at babayaran nalang kita.."...

"Sige po sakay kayo Dr."..  Pinauna ko siyang mag lakad palapit sa sasakyan, tumingin ako sa paligid at walang katao tao..  

Tinamaan ko siya sa batok at ang dr. Na kanina ay paika ika nakahiga na ngayun sa mainit na kalsada..  Binigay ko ang lahat ng lakas ko para mailagay ang taong to sa trunk ng kotse ko...

"Gosh! Dudumihan mo pa ang kotse ko".. Sigaw ko at tyaka isinara ang compartment...

That Killer Rose  [COMPLETED/EDITING]Where stories live. Discover now